Chapter 13

58 5 1
                                    

Lumalagitik ang kama sa bawat galaw ko. Maski kaunting galaw ay nagiging sanhi ng ingay na umaalingawngaw sa apat na sulok ng malaking kwarto na kinalalagyan ko.

Nag-unat ako at ipinalibot ang tingin sa buong kwarto. Hindi ito kakikitaan kahit na manipis na alikabok. Puti ang kisame at ang mga dingding, ang mga gamit ay may touch of gold, maging ang headboard ng kama ay may halong gold.

Bumukas ang pintuan at pumasok doon si Damian na ang mga mata ay malamlam habang nakatingin sa akin. “Hinimatay ka kagabi,” sabi niya.

Pinakiramdaman ko ang sarili, walang masakit sa akin. Muling bumalik sa alaala ko ang anino na huli kong nakita bago ako mawalan ng malay. Teka, anong dahilan ng pagkahimatay ko?

“Anong nangyari pagkatapos?” Maingat na tanong ko.

Umigting naman ang panga niya, kasabay ng pagkuyom ng kanan niyang kamao. “Nawala yung mga anino.”

Ibig sabihin ay hindi lang isa. Natigilan ako, anino nga ba talaga? Tinitigan ko ang itim na mata ni Damian at marahan na nagsalita. “Anino nga ba talaga, Damian?” tanong ko.

Napabuntong hininga siya saka nagbaba ng tingin. Ayaw sabihin sa akin ang totoo. Napailing na lang ako at tinanaw ang labas ng malaking bintana habang nakaupo sa gitna ng kama.

“Wala kang dapat na itago sa akin, Damian. Kaligtasan ko ang nasa alanganin.” Naglakad palapit sa akin si Damian at naupo sa kama habang nakaharap sa akin.

“I'm sorry. I just…” yumuko siya. “Don't want to scare you.” I understand that you are worried, but you don't have to worry about me.

“Mapapahamak din kayo kung tutulungan niyo ako na mabuhay pa.” Sumama ang tingin sa akin ni Damian kaya mas lalong tumalim ang kanyang mga mata. “Ang pogi mo talaga.”

Napaawang ang kanyang labi at ang tenga niya ay bahagyang namumula. Iniwas niya ang mukha niya sa akin pero nakita ko na kagat-kagat niya ang kanyang labi.

“Ayos lang ba talaga na nandito tayo? I mean, madadamay kasi si Damon kahit na wala naman talaga siyang kinalaman dito.” Mula sa pinto ay pumasok si Damon na may bitbit na tray na may lamang pagkain.

“Sa tingin mo ba patutuluyin ko kayo dito kung ayaw ko madamay?” Kumunot ang noo ko. Gusto niyang madamay? “Hindi kakayanin ni Damian na protektahan ka kung mag-isa lang siya.”

“Marami kayong kalahi, wala kayong laban sa kanilang lahat.”

Pinaningkitan ako ni Damon ng mata at inilapag niya ang tray na hawak sa table na malapit sa bintana. Nameywang siya at itinuro ako, “sinasabi mo ba na mahina kami?” Binalingan niya si Damian, “tol, minamaliit tayo oh!”

Mahinang natawa si Damian sa inasal ng pinsan. Hindi ko naman sila minamaliit eh. Kasalanan ko ba na nag-aalala ako dahil baka bigla na lang silang umatras at kalimutan na ang kagustuhan nila na iligtas ako?

Hindi ko sila minamaliit, I swear.

Marami sila, alam ko yon. Yung mga sigil na nasa phone ko, kulang pa yon sa saktong bilang ng mga demonyo na pwede mo i-summon. At hindi lahat ay pwedeng i-summon kaya talagang marami sila.

“Paano kung bigla nila tayong atakihin dito, paano ako makakalaban para hindi ako mamatay?” tanong ko.

“Sinong may sabi na lalaban ka?” kunot noo na tanong ni Damian. “Wala kang laban sa mga kalahi namin dahil tao ka. Baka nga kahit pitikin ka lang, tatalsik ka na kaagad.”

Tama naman siya kaya hindi na ako nangatwiran pa.

***

Bumalik sila Damian sa library kaya sumama ako. Balak ko balikan ang libro na nakita ko.

Nang nakapasok na kami sa library ay napanganga ako sa pagkamangha nang makita ang reflection ng salamin sa sahig ng library. Kagaya ng nasa bintana, iba-iba ang kulay nito kaso mas malaki ang sakop ng isang kulay sa reflection na nasa sahig.

Mula sa peripheral vision ko ay may napansin akong mabilis na galaw na aakalain mo na namalikmata ka lang. Sinundan ko ng tingin ang napansin ko na mabilis na paggalaw at napadpad ako tingin ko sa madilim na sulok.

Kung nakakakita din ako sa dilim kagaya nila Damian, hindi ko na kailangan lumapit para maaninag kung ano ang tumakbo papunta dito. Dahan-dahan ang lakad ko habang papalapit sa sulok. Gusto kong makita kung ano ang nagkukubli sa dilim dahil malaki ang nahagip ng paningin ko at imposibleng daga iyon.

Wala akong makita kahit pa napakalapit ko na sa madilim na sulok. Mabilis akong napaatras nang biglang may kamay na lumitaw mula sa dilim at akmang hahablutin ako. Tumalikod ako ay tatakbo na sana para hanapin si Damian pero nahawakan ng kamay nitong puno ng balahibo at may dark colored na ugat na medyo maroon ang kulay at may mahahaba itong kuko ang buhok ko.

Napatili ako. “Bitaw!”

This thing holding my hair tight growled, napasinghap ako ng hangin nang maramdaman ang paghigpit ng kapit nito sa akin. Nagpupumiglas ako pero mas malakas ito sa akin.

Nanlalabo na ang mata ko dahil sa luha nang makita ko sila Damian na nagpa-panic at hindi alam ang gagawin. Aatras at aabante ang mga paa nila at hindi magawang atakihin ang may hawak sa buhok ko.

Hinawakan ko ang buhok ko at buong lakas na hinila yon para mabawi sa nilalang na may hawak. Mahigpit ang kapit nito. Ang ilang hibla ng buhok ko na natatamaan ng mahaba niyang kuko ay napuputol.

I bit my lip as I try to escape from his grip. His bloodshot red eyes are wide open as he pull my hair, making my body get dragged too.

Fuck! No! Ayokong madikit dito!

Sa pagpupumiglas ko ay napunta na rin siya sa liwanag, dahilan para makita ko ng maayos ang itsura nito. Kalat ang balahibo sa mukha nito, maiitim ang kulay ng ugat at may pangil ito. He's almost covered in fur!

Ang akala ko na pinakamahigpit niya na hawak ay may ihihigpit pa pala. Halos mai-angat niya na ako sa ere pero hindi niya nagawang dahil sa pagpupumiglas ko.

Argh! That's it! Nakakainis na!

Inalis ko ang dalawang kamay ko sa buhok ko para ipahinga ng kaunti. Nang tignan ko iyon ay may maliliit na sugat —hiwa dahil sa buhok ko.

Hinawakan kong muli ang buhok ko at hinila yon ng mas malakas. Tila nagulat ang nilalang na kaninang may hawak sa buhok ko dahil dumulas lang sa palad niya ang buhok ko.

Gulat itong napatitig sa akin kaya sinamantala ko iyon para mabilis na kalmutin siya sa dibdib. Napaatras ako nang makita ang sugat na natamo nito dahil sa kalmot na ibinigay ko.

Bumaba ang tingin ko sa mga kamay ko. Napasinghap ako nang makita ang kuko ko, mahahaba at matutulis ang mga ito, may bakas ng dugo. Napaatras ako ng sunod-sunod hanggang sa tumama ako sa bookshelf.

Mabilis na nilapitan ni Damian ang lalaki at kaagad na tinapos ang buhay nito. Tumilamsik pa sa ere ang dugo nito at parang nasusunog ang lalaki dahil naging abo muna sa ere ang katawan saka tuluyan na naglaho.

Napabaling sa akin ang tingin ng mag pinsan at napa-awang ang mga labi nila habang nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa akin.

“Yung kuko mo…” nakatitig si Damon sa kuko ko na hindi ko din alam kung ano ang nangyari.

“Kulay pula ang mga mata mo, Samantha.”

BLOODSHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon