Chapter 6

72 3 2
                                    

Black rose.

Ang bagay na una kong nakita nang magmulat ako ng mata. Nakapatong ito sa maliit na mesa na nasa gilid ko. Dahil nakatagilid ako, una ko itong nakita.

Fear immediately sipped through every fibers of my body as I remember what happened. Hapon ako nakatulog at madaling araw na nagising. Napagod yata ang utak ko sa pag-proseso ng nangyari para makatulog ako ng ganito kahaba.

Bumangon ako at naglakad papunta sa kusina habang hawak ang itim na rosas sa kanang kamay ko. Nanginginig ang tuhod ko sa takot. Sa paglapit ko sa kusina, lalong sumilakbo ang takot sa aking dibdib nang makitang bukas ang ilaw doon.

Hindi ako mapakali, gusto ko umatras, gusto ko rin tumuloy. Sa kabila ng kaguluhan sa aking isip, nagpasya ako na tumuloy na lang sa kusina. Kaagad siyang napatingin sa akin pagpasok ko.

Kita ko ang pag-aalala sa kanyang magandang uri mata. Lumapit ito sa akin at dinama ang aking leeg. Kumibot-kibot ang aking mga labi pero walang salitang lumabas mula dito.

“Ayos ka lang ba? Ang putla mo.” Wala sa sariling napatitig ako sa itim nitong mga mata. Kapareho ito ng kulay ng kadiliman. Nakakahalina… at kung titigan ka man ng kanyang mga mata, parang inaararok ang kaibuturan ng iyong pagkatao.

“Ang ganda ng mata mo…” wala sa sariling sabi ko. Kumunot naman ang noo nito at muling sinalat ang leeg ko. “Wala akong sakit.”

Napabuntong hininga siya, “maligo ka para mahimasmasan ka.” Sinunod ko ang iniutos niya.








NANG makalabas ako ng banyo ay naka-tapis lang ako. Nakalimutan ko magdala ng damit sa loob ng banyo, which is bago para sa akin dahil never in my life  na ginawa ko ang pumasok sa banyo ng walang dalang damit.

Naabutan ko si Damian na nakaupo sa sofa. Nang maramdaman niya ang presensya ko ay nag-angat siya ng tingin sa akin. “Ano nararamdaman mo?”

Napakurap-kurap pa ako sa biglaan nitong tanong sa akin. “Anong… nararamdaman ko?” Pag-uulit ko sa tanong niya.

Bumuntong hininga lang ito at tumayo saka yumuko ng bahagya para maging magkalapit ang aming mukha. “Wala ka sa sarili mo kanina.” Bumaba ang tingin niya sa katawan ko na natatakpan lang ng tuwalya. Tumingin siya sa gawing kaliwa niya saka nagsalita, “magbihis ka na. Baka lamigin ka.” Naglakad ito papasok sa kusina at hindi na ako nilingon pa.

Okay? What's the fuss about?

Habang kumakain ay naglalakbay ang aking isip sa kung saan-saan. “Ayos ka lang ba?” napabaling ako kay Damian nang bigla itong magsalita.

“Bakit?”

Kumunot ang noo niya, “Anong bakit?”

Napangiwi ako, “bakit mo kako tinatanong.”

Mataman itong nakatitig sa akin, tila inaaral pati ang aking iniisip. “Natatakot ka na ba sa akin?”

Pinakiramdaman ko ang sarili. Wala naman akong takot na naramdaman. Hindi ko na muna sinagot ang tanong niya dahil kinakailangan ko ng isang masusing imbestigasyon para malaman kung natatakot na ba ako sa kanya.

Hindi… Hindi ako takot at lalong hindi ko rin maramdaman ang bagay na yon. Nanginginig ako kahapon kaya paanong hindi ako natatakot sa kanya ngayon knowing na kaya niyang gawin ng walang kahirap-hirap ang pagpatay ng tao. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Para akong bumalik sa umpisa ng pag-intindi sa sarili. Nakakabobo.

“Anong iniisip mo?” Napakurap-kurap ako nang magsalita ang lalaki at saka ko lang napansin na nakatitig pala ako sa kanyang mga mata. “Kanina ka pa nakatitig sakin.” Ipinagpatuloy niya ang pagkain niya.

“Bakit hindi ako natatakot sayo?” Napahinto siya sa pagkain at umangat ang tingin sa akin. “Dapat ay natatakot akong dumikit sayo pagkatapos ng ginawa mo. Lalo na sa reaksyon ng katawan ko kahapon, nanginginig ako sa takot kaya bakit hindi ko yon maramdaman ngayon?”

Napalunok naman si Damian at uminom ng tubig dahil mukhang bumara sa lalamunan niya ang pagkain. “Paano kung,” he trailed off. “Isang araw ay magising ang takot mo sa akin mula sa kaibuturan mo… Anong gagawin mo?”







“Hi, Sammy!” umangat ang tingin ko sa nagsalita at ganon na lang ang gulat ko nang mapagtanto kung sino ang nasa aking harapan.

Napasinghap ako at wala sa sariling napatili, “Vince!”

“Aba, ngayon pala ay cashier ka na.” Ngumiti lang ako sa sinabi nito at ini-scan ang bibilhin niya. “Ayaw mo ba magtrabaho sa cafe? May bagong bukas kasi na cafe si tita at wala pa siyang cashier. Baka gusto mo?”

Napa-isip naman ako. Magandang offer yon dahil cafe ang pagtatrabahuan ko kung sakali. Saka ang bibili doon ay paniguradong matitinong tao at hindi yung basta na lang mangungulit. Isasagot ko sana na gusto ko pero naunang gumana ang bibig ko at sinabing, “pag-isipan ko.” 

Kung nagulat si Vince sa sinagot ko ay mas lalo na ako. Ang plano ko ay um-oo kaagad pero hindi ko nagawa iyon.

Ngumiti ito ng matamis sa akin. “You have my number, Sammy. Sabihan mo ako kaagad kung papayag ka.” Tumango na lang ako bilang sagot at umalis naman na siya kaagad. Malamang ay tutulong siya sa tita niya ngayon.

“Sino yon?” Napatingin ako sa kanan ko nang biglang may sumulpot doon. Nakakunot ang kanyang noo at halos mag-dikit na ang kanyang makakapal na kilay dahil sa pagsimangot.

“Ah, si Vince iyon. Kaibigan ko.” Nasa kanyang mga mata ang malinaw na pagdududa pero hindi na siya nagsalita pa. Hindi ko alam kung saang parte ng aking sarili nanggaling ang tuwa dahil lamang sa biglaang pagtahimik ng lalaki. Pero malinaw na natutuwa ako.




SABAY kami umuwi ni Damian. Hindi na siya lumiko pa sa kung saang daan. Sinabayan niya ako sa paglalakad at kita ko sa kanyang mata na nag-e-enjoy naman siya. Iniisip ko kasi na baka bigla siyang tamarin sa paglalakad at iwanan ako bigla pero mukhang mali ako dahil sumisipol pa ito habang naglalakad.

“Ano iyon?” tanong niya sabay turo sa ihaw-ihaw sa kanto.

“Ihaw-ihaw yan.”

“Pano bumili dyan?” Di ko mapigil ang pagtawa nang makita ang curiosity at eagerness sa mata niya. I can't help but to find it cute. Sumimangot siya sa akin, “anong nakakatawa?”

Umiling ako pero hindi ko na itinago ang ngiti at napatitig naman siya sa akin, malamang ay dahil sa pagtataka. “Ano ba gusto mo dyan? Ako na bibili.”

“Ano tawag dito?”

“Isaw.”

“Isaw? Bakit mukhang bituka?”

Muli na naman akong natawa sa sinabi niya. “Bituka naman kasi talaga iyan.”

Napatango-tango siya at lumapit sa akin para bumulong. “Kamukha nung bituka ng lalaking nangulit sayo.”

Nagtaasan ang balahibo ko dahil sa sinabi niya, kasabay ng pagsalakay ng takot sa aking sistema. “B-bumili ka na. Ako magbabayad.” Kahit nanginginig ang aking labi, pinilit ko magsalita.

“Hindi ko naman alam ang tawag sa mga iyan eh.” Reklamo niya.

“Ituro mo na lang sa tindera.” Pinipilit ko na ikalma ang sarili pero hindi ito gumagana.

“Ikaw, ano ba gusto mo?”

Ikaw. Ay hala mali! “Wala akong gana kumain niyan.” Napataas naman ang kilay niya pero hindi na niya ako tinanong pa.

Nasusuka ata ako.

Bumaba ang tingin ko sa inaabot sa akin ni Damian. Betamax. Ramdam ko na mas lalong bumaliktad ang sikmura ko pero nang mas inilapit niya ito sa akin ay tinanggap ko na lang dahil sa hindi ko matagalan ang matiim nitong titig sa akin.

Nakangiwi ako at tinitigan ang hawak ko na pagkain. Hindi ako makapagdesisyon kung kakagat ba o hindi. Sa huli ay inilapit ko ito sa aking ilong para amuyin.

Nang umabot sa ilong ang amoy nito ay ilong ko ay napatakip ako ng bibig pero hindi ko napigilan ang mapaduwal.

Alam ko na narinig iyon ni Damian kaya nag-angat ako ng tingin at sakto naman na nakita ko ang salubong na kilay ng lalaki.

“Buntis ka ba?”

BLOODSHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon