Kabanata Uno: Sa Parehong Dahilan

81 4 15
                                    

Cruise by the Bay
Pasay City
July 7, 2000

Mariposa's Point of View

"Nagustuhan mo ba ang aking surpresa, love?" tanong ko sa aking boyfriend ng limang taon.

Sakay ng yate o cruise na inarkilahan ko lang naman para sa aming limang taong anibersaryo. Walang-wala rin naman ako pero nagagawa ko pa ring mag-spend ng time para sa taong mahal ko. Currently, I am working as a cashier sa sikat na Mall of Asia, sa department store at nagpa-part time model din.

"Hindi mo ba nagustuhan?" muli kong tanong sa kaniya. Tila napapansin ko kasing hindi siya nakangiti o nakatingin sa akin. Panay kasi ang tingin nito at check sa kaniyang cellphone.

Ino-obserbahan ko pa siya nang kaunti pero hindi pa rin niya ako kinakausap. Napaarko na rin ang kilay ko at napataas ng boses sa inis. Dahil hindi pa rin ito tumitigil sa pagtsi-check sa kaniyang cellphone, kusa kong inagaw iyon sa kaniya na ikinagulat nito.

"Aa... anong ibig sabihin ng mga text na ito, Julio?" Nanginginig ang mga kamay kong tanong sa kaniya. Nagtama ang aming paningin saka inagaw nito sa akin ang cellphone.

"Hindi ba sabi ko sa iyo na walang pakialamanan? Hindi ba malinaw sa iyo iyon ha, Mariposa?" Sininghalan niya ako kahit nakikita niyang nagtutubig na ang mga mata ko.

Dala na rin marahil ng inis ko ay hindi ko na rin napigilan na sigawan siya. Napatayo pa ako at malakas na sinampal ang kaliwang pisngi niya.

"Hindi mo kailangang ipaalala sa akin ang mga sinabi ko, Julio. Hindi ako nangingialam! Ikaw ang nagbigay sa akin ng dahilan para pakialaman ka. Bakit? Dahil natatakot kang malaman ko na sa araw mismo ng anibersaryo nating dalawa, hindi sa akin ang atensyon mo? Na nasa ibang babae ang isipan mo? And the worst scenario is, of all people, bakit ang best friend ko pa ha?!"

Kaming dalawa lang ang nasa deck ng cruise nang mga oras na iyon. Ramdam namin ang malalamig na tubig na nagmumula sa mga alon sa karagatan habang tinititigan nang may pang-uuyam at pagkadismaya ang isa't isa.

"Gusto mong malaman? Simple lang naman ang isasagot ko sa iyo, Mariposa. Hindi ako ang dahilan kung bakit ako nagkaganito. Kung bakit ako naghanap ng iba. Kung bakit of all people, ang best friend mo pa ang sinagot ko. Dahil mas mahal mo ang trabaho mo kaysa sa akin. Mas marami kang oras sa pagmo-modelo mo at nakalimutan mong may boyfriend kang nag-aalala. Nagte-text sa iyo minu-minuto. Nagmi-missed call sa iyo nang ilang beses. Pero anong ginawa mo? Isang beses ka lang nagparamdam. Do I have to be happy dahil tumagal tayo ng limang taon, Mariposa?"

Kitang-kita ko ang pagkainis at disappointment sa mukha niya. Ipinapamukha nito sa akin ang kamalian kong alam ko namang tama sa paningin ko. Sinasabi ko naman sa sarili kong marami akong oras para sa kaniya... noong mga unang tatlong taon naming magkasama. Pero pagkatapos niyon ay mas dumami na ang mga offers sa akin at nakaligtaan ko nang bigyan pa ng mas maraming oras si Julio. Hindi ako makapagsalita dahil tama naman siya. Hindi ko maipagtanggol ang sarili ko sa mga binitiwan niyang mga kataga dahil totoo naman.

"Please, tell the captain or the person in charge of this cruise to return to the bay. Babalik na po muna kami," iba ang lumabas sa bibig ko. Nakita ko kasi ang isang waiter at staff na nakatayo sa hindi kalayuan mula sa deck na alam kong kararating lang at lalapitan sana kami.

"Masusunod po, ma'am," magalang namang sagot nito at nakayuko ang ulong nilisan ang deck para sabihan ang kapitan ng yate o ang taong in charge.

Si Julio naman ay umalis muna sa harapan ko at pumasok sa cabin para pakalmahin ang kaniyang sarili. Na alam ko namang hindi iyon ang gagawin niya kung hindi kausapin ang aking best friend na jowa na niya. Hindi ko pa rin kasi makalimutan ang nabasa ko sa cellphone niya.

"Kailan mo ba kasi sasabihin sa inutil na best friend ko na tayo na ha? Kailan mo siya hihiwalayan, babe? Inip na inip na akong makita ka. Tayong dalawa dapat ang masayang nagdi-date at hindi siya."

Ang mga salitang iyon ng aking matalik na kaibigan ay parang punyal na sumasaksak nang ilang beses sa aking puso at isipan.

Nang mawala sa aking paningin si Julio ay siya namang pag-ring ng aking cellphone. Sinagot ko ito at narinig ang isang masamang balita.

"Ate, si tatay na-stroke. Dead on arrival na nang dalhin namin sa ospital. Nandito kami ngayon sa Gapan Ospital."

Sunod-sunod na mga luha ang pumapatak sa aking pisngi. Hindi ko na sinagot ang tawag ng aking kapatid. Tila nawalan ako ng lakas. The call ended at hindi pa man ako nakaka-recover sa nalaman ko sa aking boyfriend, sa balitang natanggap ko mula sa aking kapatid, isa na namang hindi inaasahang text ang natanggap ko.

"I'm sorry, Mariposa. We did our best to fight you to become a regular model in our agency, but sadly the management does not allow it. And you are one of the talents na nasama sa tinanggal.- Sabrina."

Galing sa aking handler na siyang tumayong manager ko sa pagiging part-time model ko sa isang papausbong pa lamang na modeling agency sa Maynila. Hindi ko na alam pa ang mararamdaman ko nang mga oras na iyon. Tuluyan na akong pinanghinaan ng loob. Para akong robot na nakatingin lang sa isang direksyon. Tulalang naglalakad patungo sa railings ng deck. Walang ibang nakikita o iniisip ang aking utak kung hindi ang malawak na karagatan.

"What have I done to deserve this? Bakit ako? Naging mabuting anak naman ako. Madasalin naman ako at hindi ko Kayo kinakalimutan. Bakit sa akin pa nangyari ang lahat ng ito ha? Bakit?!"

Sigaw na ako nang sigaw at wala na sa wisyong dahan-dahan akong umakyat sa railings ng cruise at hindi na nagdalawang-isip pang tumalon. Habang bumubulusok ang katawan ko sa karagatan ay inisip ko na lamang na marahil hanggang dito na lang talaga ang buhay ko.

...

Lumang Gapan
Delos Reyes Road

Mariposa's Point of View

Kanina pa ako nakatingin sa nakahigang binatang hindi ko alam kung tama pa rin ang pagkakarinig ko kaninang galing siya sa taong 1899. Hinimatay ito dahil sa mga sinabi ko at hindi ko iyon inasahan na mangyari sa kaniya.

"Baka napagod talaga itong si sir na ito? Kasi nga kung nag-time travel man ito, e 'di nakakapagod talaga? Tiring ba. Ganern. Kung saan-saan siguro ito lumulusot-lusot. Tapos sa akin din pala babagsak? Hanuraw?"

Iba-iba na ang sumasagi sa isipan ko habang sinusuri ang kaniyang kagandahang lalaki. Guwapo naman kasi kung titingnan mo sa malapitan. Napakaraming gustong tumulong kanina nang makita nila ang kaguwapuhan ng hinimatay na binata. Kaya, no choice ako at hinarang ko ang anumang balak ng nag-uunahang mga kababaihan kanina.

"Do not lay a finger on my husband! Subukan lang ninyo ha? Ako na ang bahala sa kaniya. Okay? Asawa ko ito at ako lang dapat ang may karapatang hawakan siya, mga girls. Pero, mga kuya baka naman tulungan din ninyo akong buhatin siya at ihiga doon sa upuan. Please?"

Natatawa na lamang ako sa mga naririnig ko kanina sa mga babaeng hindi naniwala sa mga sinabi ko.

"Asawa? E hindi nga niya iyan kilala e."

"Hindi rin naman siya kagandahan."

"Sinabi mo pa at saka ang ipinagmamalaki niyang tangos ng ilong at malaking bombshell, baka retoke lang."

"Ayaw niya lang kamung ipahawak sa ating mga babae ang napakaguwapong nilalang na nahimatay sa harapan niya."

Mabuti na lamang at nakapagtimpi ako. Kung makapag-bash akala naman nila mas maganda pa sila sa akin. Sarap pagsabihan na natural ang lahat sa akin. Kung alam lang nilang dati akong modelo bago naging online seller at vlogger, baka pasukan ng langaw ang mga bibig nila.

"Ang guwapo mo naman, sir? Ano kaya ang pangalan mo? Totoo kayang nasa ibang panahon ka nanggaling? Makakapunta din kaya ako roon? Makikilala ko ba si---"

Hindi ko natapos ang aking susunod na sasabihin dahil sa pangalawang pagkakataon, naglapat na naman ang labi niya sa labi ko. Luwang-luwa ang mga mata nito nang makita ako at bumalik sa pagkakahimatay.

"Mabaho ba ang bunganga ko? Bakit nahimatay na naman ang binatang ito?"

Remember Me From 1899Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon