Kabanata Trenta y Dos: Modelo

14 2 3
                                    

Gapan 2023

Mariposa's Point of View

Mabilis kong iniba ang atensyon ko sa kung anumang sagot na gustong marinig ni Isagani sa akin kanina sa aking mga sinabi. Benta sa akin ang joke ko pero hindi sa kaniya. Kasi totoo naman na sayang ang brief na pinamili ko sa kaniya. Dugo't pawis este pawis sa kilikili lang naman ang puhunan ko para lang maibili siya ng panloob o underwear.

Hindi ko puwedeng basta na lamang balewalain iyon. Malaking bagay ang perang pinuhunan ko para lang may maisuot siya kaysa may makita ang ibang mga uwak na mata na umaalog-alog na bagay sa pagitan ng kaniyang mga hita habang naglalakad. Ay, ano ba itong naiisip ko. Ang halay.

"Manong, may nakita po ba kayong plastic dito? O may nadaanan po ba kayo?" tanong ko sa dumaang pedicab drayber.

Umiling-iling lang ito, tanda na wala nga yatang alam sa tinutukoy ko. Nakakaloka. Bakit nawawala ang plastik na may lamang mga damit ni Isagani? Don't tell me, mapipilitan naman akong bumili ng bago?

"Nakita mo na ba ang hinahanap mo, Mariposa?" dinig kong tanong ni Isagani sa aking likuran.

Nakapamaywang na ako nang mga sandaling iyon at bigla na lamang siyang hinarap para sagutin ang tanong niya.

"Matagal ko nang nakita ang hinahanap ko. Nasa harapan ko na nga e. Manhid lang. Ay, hindi ikaw ang tinutukoy ko ha? Huwag mo nang pansinin ang mga nasabi ko, Isagani. Ang ibig kong sabihin ay kanina pa ako naghahanap dito pero wala. Hindi naman puwedeng pumasok 'yon sa imburnal kasi hindi kasya. Sayang talaga ang mga nabili kong brief mo."

Napakadaldal ko. Bigla kong ibinaling ang tingin sa kalsada at sa aking kinatatayuan. Ni anino ng plastik o nagkalat na mga damit na pinamili ko para sa kaniya ay wala akong makita. Hindi kaya naiwan sa taong 1899? OMG!

"Gaano ba kahalaga ang mga pinamili mo at parang matatakasan ka na ng bait, Mariposa?"

Napakalalim ng salitang binitiwan niya at mukhang mababaliw nga ako sa kaiisip sa pinagsasabi nito.

"Sobrang mahalaga iyon, Isagani. Salawal mo ang tinutukoy ko at kailangan ng isang lalaking magsuot ng salawal liban sa pantalong suot mo ngayon. Kung walang brief sa inyong panahon, pwes dito hindi puwedeng wala ka no'n dahil mamanyakin ka ng mga tao rito. Gets?"

Nanggigigil talaga ako. Pero baka naman napunta talaga sa panahon niya ang plastik na dala-dala namin? Hindi kaya tama ako?

"Hindi ko maintindihan ang gets na sinasabi mo o brief pero ang salawal bang tinutukoy mo ay ang panloob na kasuotan naming mga lalaki, Mariposa?" pagkukumpirma pa niya.

Exactly, iyon sana ang isasagot ko. Buti naman at naintindihan niya nang mabuti ang aking mga salita. Good job sa self mo, Mariposa. Bigyan ng jacket ang iyong sarili.

"Tumpak, Isagani. Naglalakad ka pa lang na walang suot na panloob ay mapapansin nang mga mahahalay ang isip ang pagitan ng iyong mga hitang may umaalog-alog o kung ano pa mang naiisip ng mga mata ng mga mapapadaan sa kung saan ka dumadaan o pumupunta. Malinaw naman siguro sa iyo na sa panahon kung nasaan ka ay kailangan mong mag-fit in o makibagay. Tama ba ako?"

Hiningal ako sa malalalim na Tagalog kong sinambit este sinabi sa kaniya. Puwedeng mag-Ingles na lang kaya ako? Ginawa ko lamang iyon upang maintindihan niya. Sana lang naintindihan nga niya.

Napakamot ito sa ulo at mukhang inosente talaga kahit pa pasulyap-sulyap pa ako sa kaniyang pang-ibaba kung may nakikita akong see through. Pero siyempre joke lang at saglit lang naman iyon. Hindi ako manyak.

Isipan ko lang ang mahalay. Nakakaloka. May pera pa kaya akong pambili ng salawal niya? Ano kayang puwede kong gawin ngayon? Nakakagutom ang mga kaganapan at nakakapagod pang isipin ang mga nangyari sa taong labingwalo at siyamnapu at siyam.

"Excuse me, Sir," may narinig ako at napalingon sa isang binatang may hawak na DLSR o camera.

Na kay Isagani nakatutok ang kaniyang mukha na parang may gusto itong itanong.

"Paumanhin, senyorito. Ako ho ba ang iyong tinatawag?" magalang ang peg na naman ni Isagani. Nagmasid pa ako kung ano ang balak ng photographer pero parang may ideya na ako. Marahan akong lumapit at ngumiti sa lalaki katabi si Isagani.

"Magbabakasakali lang sana ako kung puwede ko kayong gawing modelo sa---" hindi natapos ng lalaki ang kaniyang sasabihin dahil bigla kong hinila si Isagani at sumenyas muna sa lalaking sandali lang.

"Excuse lang po muna, Sir ha? Kakausapin ko lang ang subject mo kung papayag siya sa iyong alok. Don't worry, gets ko na po ang offer ninyo. Wait lang po ha?"

Pansamantalang kaming tumalikod sa kaniya para kausapin si Isagani.

"Anong ibig sabihin ng kaniyang mga tinuran, Mariposa? Gusto niya akong maging modelo? Ano iyon?"

Inosenteng tanong na naman ng mestizo. Parang walang alam sa potograpiya sa panahon niya, kaya kailangan kong galingan kasi pera din ito.

"Ganito kasi iyan, Isagani. Ang lalaki ay inaalok kang kaniyang maging modelo. Nakita mo ang hawak niyang lente o camera, hindi ba? Kukuhanan ka ng litrato. Isa siyang photographer o bihasa sa larangan ng fotografia. Sa panahon kasi namin, kapag may hitsura ka o guwapo, may tindig, macho, o magandang lalaki, gagawin kang isang modelo," pagpapaliwanag ko habang sumusulyap sa likuran sa lalaking naghihintay ng sagot ni Isagani.

"Ganoon ba? Hindi ba hihigupin ang aking kaluluwa kapag kinuhanan ako ng larawan ng ginoo? Ng senyorito?"

Inosente ba talaga ito o nagmamaang-maangan lang? Saan naman niya kinuha ang sagot niya?

"Magiging parte ka ng kaniyang obra, Isagani. At saka isa pa, kapag nandito ka sa aming panahon, kailangan mong maging masipag. Babayaran ka rin niya kapag pumayag ka. May pambili tayo ng pagkain at makakabili pa tayo ng bagong brief este salawal mong nawawala. Kaya, pumayag ka na ha? Ako na ang sasagot sa kaniyang katanungan. Watch me nae nae este, watch and learn. Makinig at umuo ka na lang ha? Alalahanin mong wala kang pambayad saka sa panahon namin ngayon wala nang libre-libre. Okay?"

Hindi ko na hinintay ang sagot o kung ano pa mang gustong ireklamo niya sa akin. Sayang ang pera kung hindi niya tatanggapin. Kailangan niya ito at kailangan ko rin iyon. Nakatingin na sa akin ang binatang photographer at ako naman ay biglang ngumiti sa kaniya.

"Tungkol sa alok mo, Sir, gusto ko lang tanungin kong babayaran mo po ba siya kung gagawin mo siyang modelo o hindi? Alam ko po kasi ang kalakaran pagdating sa pagiging isang modelo. I was once a model. Mariposa Corazon Custodio. Mariposa po ang screen name ko as a model way back years ago," pagpapakilala ko sa kaniya na puno ng kagalakan. Siyempre, excited ang peg.

"Yes, babayaran ko ang oras na gugugulin niya sa photoshoot na gagawin ko. Okay na ba muna ang isang libo for one hour? Gusto ko kasi siyang maging subject at kapag nag-trending ang kaniyang mga larawan sa aking social media accounts, ire-refer ko siya sa isang sikat na modeling company. Papayag na ba siya?"

Mukhang hindi umubra ang aking alindog sa kaniya at wala siyang balak na kunin din akong modelo.

No choice ako kung hindi sabihin sa kaniya ang aking papel kay Isagani. Pero napakaganda ng offer. Somewhat very tempting for me. Magiging choosy pa ba ako kung after one hour ay may one thousand pesos na ako? Sapat na iyon para makabili ng susuotin ni Isagani. Ki-claim ko nang sisikat si Isagani at yayaman ako kung hindi man ako kuning modelo. Ako na lang ang magiging handler o manager niya.

"Yes, Sir. Papayag ako. Bilang handler niya ay pumapayag ako. Hindi ba, Isagani?" Dumikit pa ako kay Isagani at kinurot sa tagiliran habang nakangiti ng hilaw sa kaniya. Napaaray ito at napatitig pa sa akin. "Hindi ba, Isagani? Pumapayag ka na? Isang libo ang magiging kabayaran ng iyong serbisyo para kuhanan ng litrato ng photographer na iyan. May pambili na tayo mamaya ng pagkain."

Hindi siya puwedeng humindi. Wala kaming pagkain. Kanina pa kami gutom na dalawa. Nawawala pa ang mga pinamili ko, kaya nararapat lamang na pumayag siya bilang pagtanaw na rin ng kaunting utang na loob sa pagkupkop ko sa kaniya.

"Kung ano po ang narinig ninyo, Ginoo sa aking kasamang si Mariposa, ganoon na rin ang aking magiging kasagutan."

Remember Me From 1899Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon