Gapan 2023
Mariposa's Point of View
Gaya nga ng ipinangako ko kay Isagani, susubukan kong samahan siya sa mga lugar na hindi ko pa napupuntahan. Gusto kong mas makilala siya. Gusto kong makita kung gaano siya katapat sa mga personal na nararamdaman ko para sa kaniya. Kahit alam kong masakit, susugalan ko na lang muna. Kahit alam kong saglit lang o napakaiksi, itutuloy ko pa rin.
"Handa ka na ba, Isagani?" magiliw at sinsero ang mga ngiti kong ipinapakita sa kaniya.
I will set aside whatever doubts I have in mind. Alam kong mas malalim ang sakit na nararamdaman niya kaysa sa akin. Kaya, mas mabuting itodo ko na lamang at hindi ipakita na nasasaktan ako kung sakali mang magwakas na o dumating na ang huling araw niya rito sa aking panahon.
"Alis na tayo?" aniya na puno ng positibong pananaw na masisiyahan siya.
Ngumiti naman ako. Simpleng puting tees at maong pants na black na tinernuhan ng rubber shoes na pula ang kaniyang outfit for today. Hindi naman kami nag-usap pero mukhang matchy-matchy kaming dalawa. Pulang plain t-shirt rin ang suot ko at fitted pants lang naman.
"Wala ka na bang nakalimutan?" tanong ko sa kaniya. May balak kasi akong biruin siya.
"Mayroon ba akong dapat na kalimutan, Mariposa?" nakangiting tanong niya.
Heto na naman ako, tinatablan sa mga ngiti niyang maginoo, kaya utak ko lumalandi tuloy sa mga da-moves niyang hindi niya nalalaman. Baka makagat ko labi nito nang wala sa oras.
"Talagang-talaga na wala kang nakalimutan?" pagbibiro ko ulit. Naglalakad na kami palabas ng gate nang mga oras na iyon. Binabagalan ko pa ang aking mga hakbang.
Napapakamot na ito sa ulo at nakikita ko na naman ang kaniyang mamasel sa medyo hapit nitong t-shirt. Susmiyo, Marimar. Magkakasala ang mga mata ko lagi sa kaniya kapag ganito na lamang.
"Hindi ko mawari kung ano ang bagay na aking makakalimutan pa, Mariposa. Maaari mo bang ipaalala sa akin kung ano iyon?" parang bata itong nakiusap sa akin.
Siguro kung hindi ko alam ang tunay na edad nito ay tatawanan ko pero hindi e. Magkasing edad lang ang mukha naming dalawa. Mas bata pa nga siya sa akin tingnan.
"May suot ka ba sa nakatagong pantalon mo?" playing safe ako. Na ang tinutukoy ko ay kung hindi ba niya nakalimutang magsuot ng brief. Pinipigilan ko talagang hindi matawa sa kaniyang harapan nang mga oras na iyon.
"Ikaw ha? Ang dumi ng isipan mo, Mariposa," komento niyang ngingit-ngiti pa sa akin. Nang makita ko ang kaniyang titig na nang-aakit ay mabilis akong nag-behave at naging cold nang bahagya. "Hindi ko na nakakalimutan ang tinutukoy mo, Mariposa. O baka naman ay gusto mong makita kung ano ang nasa loob pa ng suot kong brief?"
Na-blackmail yata ako at imbes na siya ang mabiro ko ay ako yata ang nabiro pa niya. Ramdam ko tuloy ang pangangamatis ng aking mukha nang mga oras na iyon. Kaya, mabilis akong umiwas at binilisan ang paglalakad hanggang makalabas ng gate ng aking bahay.
Tawag naman nang tawag sa akin si Isagani habang ako ay hindi siya nilingon. Narinig ko na lamang ang pagsarado ng pintuan ng aking gate saka sinabayan ni Isagani ang paglalakad ko palabas.
Fast forward...
Unang araw ay pumunta muna kami sa isang sikat na inland resort at lumangoy-langoy sa swimming pool. Isang araw lang naman iyon dahil malapit lang sa aming bahay. Saka 24hours naman ang mga traysikel kaya, doon ko muna siya dinala.
Tuwang-tuwa pa ito at hindi raw makapaniwalang makakalangoy siya sa isang pekeng ilog-ilogan daw. Dami kong tawa sa komento niyang iyon at muntik pa akong malunod sa katatawa sa kaniya sa pool. Siyempre, hindi rin maiwasang sulyapan ang napakaganda at batak niyang katawan. Pinigilan ko naman mga ka-butterfly, kaya natapos ang araw na iyon nang hindi ko siya ginagalaw.
BINABASA MO ANG
Remember Me From 1899
Romantizm"Perdona y di adiós, lo siento. Te quiero mucho, Corazón. (Patawad at paalam, irog ko. Mahal na mahal kita, Corazon.)"