Parcutela, Gapan 2023
Mariposa’s Point of View
Nang pumasok sa loob ng bahay si Isagani, dahan-dahan akong naglakad at nagtungo sa maliit na aparador na pinatayo niya kanina. Bored kasi ako. Pagkagising ko kanina ay nagtungo ako sa likuran ng bahay na may daanan palabas mula sa aking silid.
Hindi ko alam kung bakit gusto kong maghanap ng mga bagay at dinala nga ako ng aking mga paa at isipan sa mga antigong kagamitan na nakatago roon daantaon na ang nakalilipas. May pilit akong inaabot sa itaas nito at hindi ko namalayang nadulas ako sa upuang tinatayuan ko at napahawak sa ulo ng aparador kaya ito natumba. Nadaganan ang aking paa kaya, nakita ako ni Isagani sa ganoong posisyon.
“Ano itong maliit na kahon na ito?” tanong ko nang mapansin ang kahong iyon at kinuha sa maliit na aparador.
Napukaw ang aking kuryusidad sa kahon na iyon kaya, kinuha ko at inilabas. Umupo muna ako sa sahig dahil ramdam ko pa rin ang hapdi ng aking sugat sa binti. Umayos ako ng pagkakaupo at binuksan ang kahon.
Sa ibabaw nito ay tila mga liham na hindi naman ako interesado. Naghalungkat pa ako hanggang sa mapansin ko ang mga larawan. Tiningnan ko iyon at nakita ang isang lumang litratong may isang dalaga at isang binatang nakatayo sa harapan ng isang malaking bahay na gawa sa semento’t pawid at kawayan. Nakangiti ang dalaga at binata sa larawang iyon. At nang akin pang tingnan ay mulagat ako.
“Bakit parang pamilyar ang kuwintas sa leeg ng babaeng ito? In fairness ha, ang pogi naman ng binata at beautiful din ang girl. Pero teka, parang may kamukha ang binata. Saan ko nga ba nakita ang mukhang ito?” usisa ko at pagtatanong sa aking isipan. Pilit na hinahanap sa aking kamalayan at alaala ang hitsura ng isang binata.
Ibinaling ko ang aking tingin sa isa pang larawan kung saan ay malinaw na malinaw sa akin ang hitsura. May suot itong kuwintas na katulad ng sa akin. Kawangis na kawangis ko ito. Tiningnan ko ang likuran kung may nakasulat na mga letra.
Maria Corazon Isidro
Aking Unang Larawan
Circa 1899Sinubukan ko pang basahing muli ang nakasulat. Pero ganoon pa rin at tama naman at hindi malabo ang aking mga mata. Dala ng kuryusidad ay binalikan ko ang isang larawan na may kasamang binata at tiningnan ko kung may nakalimbag na mga letra sa likuran.
Ang Aking Tagapagligtas
Ako at Ang Aking Kabiyak
Maria Corazon Isidro at Simeon Custodio
Circa 1899Hindi ko alam kung bakit tumigil ang mundo ko’t basta na lamang sunod-sunod na pumatak ang aking mga luha. Of all people, bakit sila pa? Ramdam ko ang sunod-sunod na pag-agos ng mga ito habang pinagmamasdan ang dalawang larawan.
Doon ko rin napagtantong ang binata at dalaga sa larawan ay walang iba kung hindi si Maria Corazon at si Simeon. Pero hindi ako makapaniwala. Binalikan ko ang mga papel at tila liham na nasilayan ko sa kahon na iyon bago natagpuan ang mga larawan. Hinanap ng aking mga mata ang isang liham na magpapaliwanag sa akin ng tungkol sa mga larawan. And I was surprised to see one particular letter from my grandmother.
Mahal kong Simeon,
Nalalaman mong hindi na magtatagal ang aking buhay. Ngunit araw-araw, bumabalik sa aking isipan ang araw na iniligtas mo ako mula sa panganib. Kahit hindi natin natagpuan ang katawan ng aking kapatid na si Trinidad noong mga oras na iyon, lubos akong nagpapasalamat sapagkat dahil sa iyong tulong, patuloy pa rin akong nabubuhay sa mundong ito.
Batid mong mas matimbang sa aking puso si Isagani, ang aking unang pag-ibig. Ngunit hindi ko rin maiiwasang ipahayag na dahil sa iyong kabutihan, kagandahang-loob, pag-aalaga at tapat na pag-ibig, hindi mo ako iniwan. Hindi mo ako pinabayaan. Kahit sa mga pinakamadilim na sandali ng aking buhay, ikaw ang aking kasama. Sa paglipas ng mga araw, natutunan kong mahalin ka rin. Hindi ko maitatangging itinanghal mo ang aking puso sa pamamagitan ng iyong tapat na pagmamahal. Bagamat ang aking puso ay may alaala ng aming unang pag-ibig, tinulungan mo akong kalimutan ito kahit pansamantala lamang.
Salamat sa gabing ating pinagsaluhan at sa pagkabuo natin ng ating anak na si Cora Azon. Salamat sa pagiging mabuting asawa at ama hindi lamang sa ating nag-iisang anak kung hindi pati na rin sa ating nag-iisang apo na si Mariposa Corazon. Hindi ko malilimutan ang mga araw na pinaramdam mo sa kanila ang iyong pagmamahal, na hindi lamang para sa akin kung hindi para rin sa ating si Azon.
Sa liham kong ito, ibabahagi ko sa iyo ang tungkol kay Mariposa na may pangalan ding katulad ng ating apo. Kasama niya si Isagani noong mga panahong iyon at kung isasaalang-alang ko ang nakaraan, napapangiti ako sapagkat may mga bagay akong itinago sa kaniya. Hindi ko rin malilimutan ang kaniyang talino at pagmamalasakit sa akin. Kung hindi dahil sa kaniya, baka hindi tayo nagkasama. Dahil sa kaniya, sinubukan kong kalimutan ang sakit na dulot ng pagsisinungaling ni Isagani, na sa huli ay hindi naman totoo.
Ngayong pareho na nating alam na wala na si Isagani, malapit na ring dumating ang oras ng aking paglisan. Nais ko lang ipabatid sa iyo na araw-araw, lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng mga masasayang alaala na ibinahagi mo sa akin, Simeon. Bagaman masakit para sa akin na iwan ang mundong ito nang hindi nalalaman ng lahat ang aking tunay na nararamdaman, nais kong malaman mo na ikaw, si Azon at ang ating lumalaking apo na si Mariposa, ay may malaking puwang sa aking puso. Mahal na mahal kita.
Pakiusap, Simeon. Alagaan mo ang iyong sarili. Huwag kang magpakapagod. Alagaan mo palagi ang ating anak at si Mariposa.
Hihintayin kita sa pintuan ng langit, mahal ko.
Nagmamahal,
Maria Corazon Isidro Custodio
7 de septiembre de 1899Walang humpay ang pag-agos ng aking luha. Pagkatapos basahin ang liham na iyon na mula sa aking abuela o lola ay narinig ko ang boses ni Isagani sa aking likuran.
“Mariposa, nandito na ang medical kit. Akin na ang iyong---” hindi nito natapos ang salitang nais niyang sabihin dahil inangat ko ang aking ulo at luhaang tumitig sa kaniya.
“Ang larawan bang iyan ang dahilan ng iyong pag-iyak?” nag-aalalang tanong nito sa akin nang makita niya ang mga larawang aking hinahawakan.
“Siya ang aking abuela, Isagani. Ang babaeng iyong inibig, si Maria Corazon. Nakikita mo ba ang kuwintas na ito? Pamana ito ng aking inang si Azon mula sa kaniyang inang si Maria Corazon, na siyang aking lola, Isagani.”
BINABASA MO ANG
Remember Me From 1899
Romance"Perdona y di adiós, lo siento. Te quiero mucho, Corazón. (Patawad at paalam, irog ko. Mahal na mahal kita, Corazon.)"