Kabanata Cuarenta: Deny Pa More With Feelings

13 2 4
                                    

Mariposa's Point of View

"Ano na naman ang gagawin natin dito, Mariposa?" tanong sa akin ni Isagani.

"Wala lang. Gusto ko lang magpahinga sa halos isang linggo nang walang pahinga natin sa photoshoot mo at mga shoots ko. Take note, shoots ko. Okay?" pinagdiinan ko pa talaga na mas marami ang shoots ko kaysa sa mga shoot niya.

"Ilang araw ko ng nahahalatang tila ako ay iyong nililigawan. Ganito ba kayo manligaw sa panahon ninyo? Babae na ang nanliligaw kapag may magandang lalaking napupusuan?"

Pansamantala akong napatigil sa sinabi niya't nag-iisip nang malalim. Ay hindi pala malalim. Masyado lang siyang paranoid at obervant sa nangyayari sa akin sa mga nakalipas na ilang araw. O baka naman siya ang nahuhulog ang loob sa akin? Batuhin ko nga siya ng aking defense mechanism.

"Excuse me, Isagani. Por que? Este, nababaliw ka na ba? Paano naman ako magkakagusto sa iyo sa aking panahon? Hindi ba at ikaw ay nakatali na sa ibang babae sa iyong panahon at ako ay 'di hamak na isang estranghero lamang sa iyong paningin?"

Mukhang pinana ko na yata ang abang puso niya't natahimik sa aking mga sinabi. Lihim pa akong napangiti sa harapan niya't pinamaywangan ko na. Ngunit, bakit tila nakaramdam ako ng lungkot? O baka naman ay totoo ang mga sinabi ni Isagani na ako ay nahumaling na rin sa kaniya? Baka nga puppy love? O infatuation?

"Pogi! Pogi!" tawag sa kaniya ng kababaihang basta na lamang sumulpot sa aking likuran at sinasagasaan pa ako, makalapit lang sa kaniya.

"Siya nga. Ikaw nga ang modelong sumisikat ngayon! Pogi, pa-picture!" Tumitili nang sabi ng mga babaeng nakapaligid na kay Isagani.

Napahawak naman ako sa aking babâ at sinusuri ang mga kabataang sa tantiya ko ay nasa edad labinglima pataas.

Dahan-dahan pa akong umikot para obserbahan pa ang mga ikinikilos ng mga malalanding dalaga kay Isagani. Si Isagani naman ay sinakyan na rin ang mga pa-picture request ng mga ito. Kitang-kita ko pa kung paano niya pinapalapad ang mga ngiti nito sa mga dalaga.

"Aba! Aba! Kailan pa naging accommodating si Isagani sa mga ganiyan?" inis kong bulong sa aking isipan. Sinubukan kong kausapin ang mga dalaga para tantanan na siya dahil baka hindi matuloy ang aming pagdedeyt este paglalamyerda. "Excuse me? That's enough. Excuse me?"

Nagtama pa ang aming paningin ni Isagani pero kinindatan lamang ako't muling ngumiti. Inilagay pa nito ang mga kamay sa balikat ng mga dalagang kanina pa tumitili at kinikilig.

Sinusubukan niya talaga ang pasensya ko nang mga oras na iyon. Umuusok na ang ilong ko sa inis dahil hindi ako naririnig ng mga dalaga at dumagdag pa si Isagani na inaasar ako kapag nagtatama ang aming paningin.

"Bingi ba kayo ha?!" sigaw ko. Sinigurado ko talagang malakas ang sigaw ko at lahat ay napalingon sa akin. Sinimangutan pa ako ng mga bruha.

"At sino ka namang mukhang old hag ha?" pang-iinnsulto sa akin ng isang dalagang kitang-kita ang mapa ng Pilipinas sa dami ng pimples niya.

"Anong sabi mo? Wala kang galang sa nakatatanda sa iyo a," kontrolado ko pa naman ang inis ko sa dalagang iyon pero ginatungan pa ng isa pang kasama niyang babae.

"Katawan lang yata ang seksi sa kaniya, friend. Pero ang mukha, hindi papasang modelo," pang-iinsulto niya sa akin.

Nakailang buntong-hininga ako habang tinataasan ang kilay nila't naka-cross arms na ako. I am already slowly stomping my feet on the ground.

"Hindi ba siya ang partner ni Pogi sa photoshoot? Hindi naman pala kagandahan. Nadala siguro sa makeup. Kinapalan siguro ang paglalagay ng face powder, foundation at concealer. Agree ba kayo?" buwelta naman ng isa pang mukhang asparagus ang buhok.

Nakikita ko lamang si Isagani sa likuran nila at pinipigilan ang pagngiti sa mga naririnig niyang pang-iinsulto sa akin ng mga dalagang nagpa-picture sa kaniya. Hindi man lamang ako ipinagtanggol.

Humanda talaga siya sa akin mamaya. Pero naiintindihan kaya niya ang mga sinasabi ng mga dikyang kung dumikit ay akala mo pagmamay-ari si Isagani. Pumikit na lang muna ako at biglang nakaisip ng alibi para lumayas sila sa paningin ko.

"Excuse me lang ha? Mga dalagang humihingi lang naman ng baon sa magulang at akala mo ay makakabili na ng luho at gusto. Ang sinasabi ninyong pogi sa likuran ninyo na hiningan lang naman ninyo ng pictures ay walang iba kung hindi ang aking nag-iisang asawa. Naririnig ninyo? Read my lips. A-SA-WA! Kaya bago ko pa kayo paluin, lumayas na kayo sa harapan ko. Ngayon din!"

Gigil na gigil ako at pinamaywangan na naman sila. Dahil ininsulto na rin naman ako sa aking edad at mukhang akala nila ay tinapalan ng foundation at concealear ang aking mukha, pinakita ko na lamang ang pangil ko't tinakot sila.

"Mga bata, huwag ninyong gagalitin ang aking asawa dahil baka kayo ay makagat niyan. May kaunting tililing pa naman iyan. Kung ako sa inyo ay magbibilang na ako ng tatlo't magtatakbo palayo sa kaniya."

Ito namang si Isagani ay talagang tinakot na ang mga dalaga't nagsimula na rin itong magsitakbuhan nang ginulo-gulo ko na ang aking buhok at nagsimulang maglakad na parang baliw na si Sudako este Sadako pala. Nagsisigaw ang mga itong nagtatakbo palayo sa amin. Nang mawala na sila sa aming paningin ay umupo si Isagani sa isang upuan at hawak-hawak ang kamay na tinatawanan ako.

"Anong nakakatawa ha? Ako na nga ang ininsulto e, ako pa ang iyong tinawanan. Ang hirap palayasin ng mga matatabil ang dila at walang respetong mga kabataan kanina. Nakakagigil. Anong akala nila sa akin matanda?" nagpupuyos sa galit kong pagsusumbong sa kaniya.

Wala namang komento si Isagani liban sa hindi pa rin matapos ang pagtawa nito sa akin. Busangot na busangot na ang aking mukha. Litaw na litaw na rin ang mga guhit sa noo ko habang itong lalaking ito ay hindi man lamang niya ako magawang ipagtanggol. Umuusok ang ilong kong nilapitan siya't malakas na pinalo sa braso niya't naglakad-lakad na lamang sa loob ng Little Gapan.

"Teka lang, Mariposa. Hindi ka na mabiro," mabilis akong hinabol at hinawakan pa sa balikat saka nakisabay sa paglalakad sa akin.

"Ewan ko sa iyo. Hindi ka nakakatulong. Hindi mo man lamang ako ipinagtanggol sa mga kabataang iyon. Nakakainis ka!" Pinalo ko ulit ito sa balikat at napalayo nang kaunti sa akin.

"Paumanhin, Mariposa. Ako ay naaaliw lamang sa iyong mukha dahil sa kanila. Ngunit, wala akong masamang intensyon na galitin ka. Ikaw ay sadyang nagpadala lamang sa iyong damdaming magagalitin at madaling mainis. Kung hindi mo na lamang pinatulan ang mga iyon ay hindi ka sana magkakaganiyan," depensa nito't napatigil akong bigla sa paglalakad at sinimangutan siya.

"Alam mo, Isagani. Hindi porke nakaka-adopt ka na sa panahon ko ay wala ka nang karapatang ipagtanggol ako sa mga nanglalait o umaalipusta sa akin. Remember that, okay?" sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili't huwag na sanang papansin siya at ituloy na lang ang paglalakad. Ngunit hindi ko inasahan ang sinabi niyang pansamantalang gumulo sa aking isipan.

"Tinulungan naman kita at tinakot ko rin silang may tililing ka. Ngunit, ang ipinagtataka ko lamang ay kung bakit mo na naman sinabing asawa mo ako, gayong kasasabi mo lamang kanina na wala kang gusto sa akin?"

Remember Me From 1899Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon