Kabanata Cuarenta y Siete: Sa Isang Ngiti Niya

21 2 1
                                    

Mariposa's Point of View

Natigilan ako. Hindi makapagsalita. Ina-absorb pa ng utak ko ang mga sinabi ni Isagani. Maging ang mga binitiwang salita ni Don Lucio na naging malinaw lang sa akin pagkatapos nitong magsalita. Ano ba ang dapat kong isagot? Tanging mabibilis na pagtibok lang ng aking puso ang aking naririnig. Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko sa aking narinig.

"Mariposa?" maging ang boses nito ay parang lunas sa aking malungkot na puso. Ginigising ang aking matagal nang natutulog na damdamin.

Titig na titig lang ako sa kaniya. Hindi pa rin sinasagot ang pagtawag niya. Tila bingi ang aking tainga nang mga sandaling iyon. Mabibilis lang na pagtibok ang aking naririnig. Bumabalik ang lahat ng nakaraan mula nang siya ay aking nasilayan.

Mula sa pagkabagsak niya sa akin at aksidente akong hinalikan hanggang sa makailang ulit kaming bumalik sa kaniyang panahon. Ngunit nang aking mapagtantong isang turista lamang si Isagani sa aking panahon, bumalik ako sa wisyo at mariin kong tinanggihan ang kaniyang alok.

"Paumanhin, Isagani, ngunit hindi yata kita masasamahan sa mga gusto mo pang mapuntahan," pagsisinungaling ko at sinimulang talikuran siya upang hindi niya ako kulitin pang tanungin ang dahilan. Subalit...

"Sinungaling!" sigaw niya sa akin.

Sa unang pagkakataon ay narinig kong sumigaw ang isang Isagani. Napatigil pa ako sa aking paglalakad at tila na-estatwa. Ni hindi ko nga namalayang nasa harapan ko na siya. Kung hindi ko pa nakita ang kaniyang mga paa nang yumuko, hindi ko pa malalamang nasa harapan ko na ito.

"Bakit hindi mo iangat ang iyong mukha at ako ay tingnan nang maigi mata sa mata, Mariposa?" utos niya. Kinakabahan man pero hindi ako nagpatinag. Ipinakita ko rin sa kaniya ang maldita kong mukha.

"At bakit? Wala kang karapatan na sigawan ang isang tulad kong tumanggap at nagpalamon sa iyo rito sa panahong ito, Isagani. Siguro naman ay malinaw iyan sa iyo at naiintindihan mo. Hindi ba?" Pinandilatan ko rin siya at pinanlisikang tinitigan siya nang hindi inaalis ang aking tingin sa kaniya.

"Hindi iyan ang aking ibig sabihin, Mariposa. Paumanhin kong napagtaasan kita ng tinig, ngunit wala akong intensyon na magalit sa iyo. Nadala lamang ako sa emosyong aking nararamdaman lalo pa at---" natigil ang kaniyang pagpapaliwanag at umiwas ito ng tingin sa akin. Ako na ang nagpatuloy ng susunod niyang sasabihin.

"Na ano? Na isang linggong pag-ibig lang ang mararamdaman ko mula sa iyo?" ay mali.

Bakit ba iyon ang lumabas sa bibig ko? Natampal ko tuloy ang aking noo at bahagyang ibinaba ang aking ulo para hindi niya makitang nahihiya ako. Ako na ang napahiya sa katangahan ko.

"Isang linggong pag-ibig? Ang ibig mong sabihin ay the feelings are mutual sa wikang Ingles? Tama ba ang pagkakaintindi ko?" tanong niya. Ang kaninang galit na awra nito ay napalitan ng malambing na pananalita.

Parang gusto ko nang mag The Flash para patigilin ang oras nang makalayo na sa kaniya.

"A. Kwan. Ano kasi. Kwan..." wala akong mahanap na sagot sa kaniyang tanong kaya alanganin ako. I was caught off guard, ika nga.

"Abakada ba o butong pakwan?" pagbibiro nito at naramdaman ko na lamang ang paglapat ng kaniyang kamay sa aking baba at unti-unti nitong inangat para masilayan ko ang kaniyang mukha.

Nakangiti na ito sa akin. Wala na rin akong makitang kahit na anong inis sa kaniyang mga mata. Natabunan na rin ng kaniyang sinserong pagngiti ang galit na kanina lamang ay pareho naming naramdaman. At ang sumunod na nangyari ay hindi ko inasahan. Hinawakan niya ang aking pisngi at dahan-dahang inilapit ang aking mukha sa kaniya.

Napapikit na ako nang mga oras na iyon at nangyari nga ang hindi dapat na mangyaring muli sa aming dalawa. Naglapat ang kaniyang labi sa labi ko. Saglit lang iyon dahil bigla rin naman nitong inalis.

Ay bakit? Bakit ang bilis naman ng halik na iyon sa aking labi? Sayang! Nakakaloka!

Nagprotesta ang aking isipan dahil nabitin ako sa halik na iyon. Marahil, okay lang kay Isagani na halikan ako dahil nasa ibang panahon naman siya. Natutunan na rin niya siguro ang trend sa 2023 kaya niya ako hinalikan. At tagalang nabitin ako, kaya muli na naman akong nag-alburto't nainis.

"Kung hahalikan mo lang din naman ako at hindi pananagutan, mas mainam na huwag mo na lamang ituloy ang anumang nais gawin ng iyong puso at isipan, Isagani," malinaw na malinaw ang salitang iyon.

Straight Tagalog words pa. Siguro naman aware siya na mala-Maria Clara pa rin akong klaseng babae. Virgin na virgin pa nga e. Never been you know.

"Batid ko ang ibig mong ipakahulugan, Mariposa. Paumanhin kong hindi ko man lamang hiningi ang iyong permiso na ika'y halikan," taray. May pa-explain. Push up bra. "Ngunit, hindi mapigil ng aking damdamin na gawin iyon sa iyo dahil nalalaman kong hindi na rin naman ako magtatagal sa iyong panahon."

"So gano'n na lang iyon? Hahalikan mo lang ako dahil gusto mo? At hindi sa hinalikan mo ako dahil gusto mo ako?"

Ano ba naman ito? Naguguluhan ako. Confused. Hindi man lamang niya masusuklian ang aking nararamdaman.

"Hindi ba at ilang beses mo na ring ipinangandalakang asawa mo ako at walang ibang nagmamay-ari sa akin?" tama naman siya. Ilang beses na ba? Hindi ko na yata mabilang e.

"Ano naman ang koneksyon niyon sa tanong ko kung gusto mo ba ako o hindi? Na kaya mo akong panindigan sa panahon ko kung iiwan mo rin lang din naman akong mag-isa at luhaan?"
Kaunting-kaunti na lamang at lalabas na ang mga luha sa aking mata. Pero napipigilan ko pa rin naman. Waiting in vain ako sa correct words from him.

"Alam ko," malungkot ang boses niya. "Kung hindi kita gusto, hindi kita hahalikan, Mariposa. Kung ayaw kong makasama kita, hindi ko hihilingin sa iyo kanina na samahan ako sa mga lugar na hindi mo pa napupuntahan at doon ay gumawa ng isang alaalang para lamang sa ating dalawa. Kung hindi kita gusto, hinawakan ko na agad ang kamay mo't dinala kita sa aking panahon nang pareho nating masilayan ang tunay na nangyari sa aking pagpanaw."

Now, it's confirmed. Gusto nga talaga niya ako. Na-guilty naman ako. Pa-hard to get pa kasi ang Maria Clara na nasa loob ko. Sinampal tuloy ako ng katotohanang mali ang aking mga katanungan.

Napatikhim na lamang ako't hindi na muling nagtanong. Sa halip ay tinanggap ko na lamang ang katotohanang samahan siya sa mga huling araw niya rito sa taong 2023 para hindi naman boring ang life niya. Baka nga mas makikilala ko pa ang ibang sides ni Isagani kung sa bawat lugar na gusto kong puntahan ay naroon siya.

"Sige, Isagani. Pumapayag na akong samahan ka. May mga lugar pa nga rito sa Gapan na hindi ko napupuntahan. Mas mabuting may kasama ako para naman may magtanggol este maipagtanggol din kita sa kung sino mang manakit sa iyo. Tara?"

Remember Me From 1899Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon