The Farmhouse
Gapan 2023Mariposa's Point of View
"Masyado po kayong malayo kay Isagani, Mariposa. Can you please move a little?" utos ng photographer na si Mr. Dulaan.
Kanina pa kasi medyo naiilang na kasama sa shoot si Isagani. Masyadong mainit ang panahon para sa akin kapag katabi ko siya. Ang kaunting pagdikit pa nga ng aming mga balat or skin to skin ba ay parang inaapoy na ako ng lagnat.
"Mariposa, please? Malayo ka po kay Isagani. Hindi naman siguro mahirap para sa iyo na dumikit sa kaniya kahit kaunti. Hindi ba?" muling utos at sabi ni Raymart sa akin.
"Napapansin kong parang pinagpapawisan ka, Mariposa? Dahil ba sa ako ay walang damit pang-itaas at ikaw ay naiinitan?" pagbibiro ni Isagani.
Alam kong biro lamang niya ito pero tinatablan ako. Mas tinatamaan ako este baka mahimatay ako kapag masyado kong ididikit ang aking sarili sa kaniya. Bakit kasi napakalakas ng appeal nitong lalaking ito?
"Mariposa? Masama ba ang iyong pakiramdam?" muling tanong niya sa akin at bigla niyang inilagay ang likuran ng kaniyang palad sa aking noo na aking ikinagulat.
"Whoah? What is the meaning of that?" tanong ko sa kaniya. Napa-ingles pa ako nang mga sandaling iyon.
"Tila parang masama nga yata ang iyong pakiramdam, Mariposa. Nais mo bang ihatid kita sa iyong silid nang ikaw naman ay makapagpahinga?" aniya na halata naman ang biglaang pag-alala sa mukha nito.
"Nakakakilig naman kayong tingnang dalawa. So natural," komento ni Raymart at sabay pa kaming napalingon ni Isagani. Saglit lang iyon at ibinalik ko ang tingin kay Isagani.
Dahil sa sinabing iyon ni Raymart ay napaisip akong kailangan na naming tapusin itong photoshoot na ito. Hindi ako puwedeng madala ng nararamdaman kong ito sa harapan ni Isagani.
Wala namang namamagitan sa amin kaya, bakit ako mangingiming makipag-shoot sa kaniya? And of course, sasayangin ko ba ang oportunidad na kasama niya ako as previously famous mowdel (model).
"No. I am fine. I am totally fine, Isagani. Bakit naman sasama ang aking pakiramdam? At saka bakit naman ako maiilang sa topless mong katawan? Ikaw ang dapat na mahiya sa akin kasi I was once the famous model. Hindi ba, Raymart? Kilala mo ako, hindi ba?" pagmamalaki ko at ibinaling agad ang tingin kay Raymart na nakahawak ng kaniyang DLSR o camera.
Napakamot naman ito sa ulo nang marinig ang tanong ko saka sumagot. "Ha? Sikat? Mowdel?"
Kay sarap humiling sa lupa na lamunin na lamang ako nang mga oras na iyon dahil mukhang hindi ako kilala ni Raymart. Kahit pa sikat itong photographer. Mukhang napaglipasan na nga ako ng panahon sa edad ko.
"Ah, ikaw si Mariposa na sikat na runway model? Tama ba? Ikaw pala iyon?" sarkastiko at mukhang pinilit lang ni Raymart na ako ay maalala.
Nakakahiya na talaga itong ginagawa ko sa sarili. Pinahiran ko na lamang ang aking pawis sa noo at leeg saka umayos. Dahil farm ang background ng paligid sa shooting namin, dapat pang-magsasaka rin ang aming attire.
Nakakaloka. Literal na naloka ako. Magsasaka nga ang peg pero ang attire ko mahabang saya na nakasayad sa lupa. May panuelo o scarf pang nakalagay sa aking balikat. Si Isagani naman ay loose pants lang pero may brief na rin naman sa loob. Wala na akong nakikitang umaalog-alog. Lihim pa akong napatawa nang mga oras na iyon.
"Ikaw ay talagang kakaiba, Mariposa. Kanina lamang ay pawisan ka tapos ngayon ay tumatawa na parang baliw. Tinakasan ka na naman ba ng bait?" aniya na titig na titig sa akin.
"Can you stop nagging, Mariposa at stop bickering with each other na rin? Lalo lamang na masusunog ang iyong balat kung magsasagutan pa rin kayong dalawa," sumingit na rin si Raymart para tapusin ang aming panunukso sa isa't isa.
"Umayos ka na, Isagani. I am your manager, remember?" pinanlisikan ko pa siya at inilapit pa ang mukha para siguruhing hindi ako maapektuhan sa kaniyang kagandahang lalaki este pang-aakit sa akin. Ay, ano ba itong naiisip ko? Nakakaloka.
"Perfect. Walang gagalaw ha? Okay na ang ganiyan kalapit. I will take my shots now. Relax and don't move," dinig kong sabi ng photographer. Aba! Biglang nag-take advantage sa nakikita niyang ginawa ko.
Pareho kaming nakatitig sa isa't isa. Hindi ako gumalaw. Mas lalo ko pang napagmasdan ang kabuuan ng mukha ni Isagani nang mga oras na iyon. Wala akong ibang naririnig kung hindi ang dahan-dahang pagtibok ng aking puso.
Panay ang lunok-laway ko. Mula sa matangos nitong ilong na hindi ko alam kung anong lahi siya nagmula hanggang sa makakapal na kilay at mahahabang pilikmata patungo sa hugis puso nitong labi, lalo lamang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Okay, cut! That is all for now," sigaw ni Raymart at nakahinga naman ako nang maluwag nang marinig ang mga salitang iyon sa kaniya.
Ako na ang unang umiwas ng tingin dahil baka makita na naman niya ang pangangamatis ko o pamumula ng aking pisngi. Napahawak pa agad ako sa aking dibdib para lang kontrolin at pigilan ang kanina pang abnormal na tibok ng aking puso.
"Kung wala nang ganap, Raymart, maaari na ba muna akong magpaalam at magpapalit lang muna ako ng damit. Maghahanda na rin ako ng ating pagkain," pagpapaalam ko.
"Sure. I will go back to that small cottage here at titingnan ang mga best shots ninyo. Ipapakita ko na lamang later ang resulta. Mauna na ako roon ha?" sagot naman ni Raymart at nauna na nga itong naglakad.
Sumunod na rin ako pero sa magkaibang direksyon ako nagtungo. Okay na sana ang aking paglalakad pero bakit naman gano'n? May patapilok na naman?
Wala pa naman akong makakapitan kaya, no choice ako kung hindi ang pumikit at manalangin na lamang na huwag mauna ang aking mukhang masubsob sa lupa nang may biglang humawak sa aking kanang kamay. Mahigpit ang pagkakahawak na iyon at hinila ako. And I was like... hugging him.
"Hindi ka nag-iingat. Pangalawang tapilok mo na naman sana, Mariposa," sabi niya. Alalang-alala ang mukha nito habang ako naman ay nakaramdam ng awkwardness at feeling blessed ang peg pa.
Hindi pa man kumakalma ang aking puso sa mga nangyari pero heto na naman siya at bumibilis na naman. Nakadikit pa ako sa kaniyang hubad na katawan at ramdam ko ang mga mamasel niya at abs. Upang hindi ako ma-tempt ay mabilis ko siyang itinulak saka humingi ng tawad at permiso na pumasok na lamang sa loob ng bahay at magpalit ng damit.
"Paumanhin sa aking inasal, Isagani. Pero salamat sa pagsagip sa akin na hindi matumba. Ako ay papasok na lamang sa loob at magpapalit nang makapagluto na."
BINABASA MO ANG
Remember Me From 1899
Romance"Perdona y di adiós, lo siento. Te quiero mucho, Corazón. (Patawad at paalam, irog ko. Mahal na mahal kita, Corazon.)"