Kabanata Trenta y Sais: Sinasanay Ang Sarili sa Kasalukuyang Panahon

14 2 1
                                    

Sa Kasalukuyang Panahon
Gapan 2023

Isagani's Point of View

Matuling lumipas ang isang linggo. Sa pagpupumilit ni Mariposa na ituloy ang pagiging modelo ko, hindi na ako nagtataka kung bakit ganoon na lamang niya ako turuan ng mga bagay-bagay.

Halos lahat ng mga nakagawian sa kaniyang panahon ay kaniyang itinuro. Kahit ang simpleng pagsusuot ng ano nga tawag doon? Tama, brief daw o damit pangloob na itatakip ko raw sa umaalog-alog kong alaga. Sa tuwing naaalala ko ang mga salitang iyon ay kinikilabutan ako. Hindi ako natatawa at lalong hindi nakakatawa.

"Isagani! Isagani!"

Heto na naman siya. Tinatawag na naman ako sa malakas niyang tinig. Kahit na matagal pa kung matututunan ko ang mga kahulugan ng kaniyang mga pananalita, nakasanayan ko na rin ang kaniyang pag-uugali.

"Narito ako sa labas, binibini este Mariposa!" pasigaw ko ring sagot sa kaniya.

"Bakit ang tagal mong sumagot?" Lumabas ito sa loob ng bahay at nakapamaywang na ako ay tinitigan habang nakaupo pa sa damuhan.

Tumayo agad ako nang makita ko na ang anino niyang papalapit sa akin.

"What can I do for you, Miss Mariposa Corazon?" Yumukod pa ako kunwari sa harapan niya upang bigyang pugay ang kaniyang pagdating.

Natutunan ko na rin kahit paano ang mga salitang Ingles na kaniyang ipinaalam sa akin ang kahulugan.

"Hephep!" aniya.

"Hooray?" sagot ko naman. Kabisado ko na kasi na joke o biro lang niya ito sa akin kaya, malimit ko nang sinasakyan ang mga biro niyang iyon.

"Tumigil ka nga!" saway niya sa akin. Naiinis na ito. At nagbabadya ang pagbuhos ng ulan kung hindi ko siya susundin. "Hindi iyan ang ibig kong sabihin, Isagani. Ilang beses ko na bang sinabi sa iyo na huwag na huwag mo na akong tawagin sa pangalawang pangalan ko? I am getting goosebumps, you know."

Napailing ako nang marinig ko iyon sa kaniya. Naiintindihan ko ang salitang goosebumps.

Ngunit, sinadya kong siya ay muling biruin. "Wala naman akong nakikitang multo, Mariposa. Mayroon ka bang nakikita na hindi nakikita ng aking magagandang mata?"

Pagkatapos niyang marinig sa akin ang mga salitang biro lamang ay mabilis itong tumakbo at nagtago sa aking likuran.

"Anong nangyayari at bakit ka nagtatago sa aking likuran, Mariposa? Ikaw ba ay natatakot? Are you afraid sa wikang Ingles?" muling pagbibiro ko. "Mataas pa ang araw, kaya bakit ka matatakot?"

Lihim pa akong napapangiti dahil ayaw pa nitong umalis sa aking likuran. Ngunit nang mapagtanto niya ang aking mga tinuran ay agad niyang tinanggal ang kamay niya at sinimangutan ako. Balik na naman sa dating mabangis na hayop ang kaniyang mukha nang humarap ito sa akin.

"Ikaw ha? Hindi na minsan nakakatuwa ang iyong mga biro, Isagani. Nalalaman mo ba iyon? Do you understand?"

Umuusok ang ilong nito.

Litaw na litaw ang guhit sa kaniyang noo.

Nangangamatis ang kaniyang pisngi.

Parang kulay tsokolate naman kung magtutuloy-tuloy ang kaniyang inis na mukha.

"Of course. Nalalaman ko, Mariposa. Sa gandang lalaki kong ikaw ang gumawa nito sa akin, bakit hindi ko maiintindihan ang iyong mga salita?"

Taas-noo akong sumagot sa kaniya. Sinubukan ko ring pagalaw-galawin ang aking mga mata. Na ang tawag raw doon ay mata ng aso o puppy eyes. Ngumuso rin ako para ipaalam sa kaniyang tumigil na siya sa pagiging mainipin o mainisin niya.

"Kanina pa kita tinatawag dahil ngayong araw ay bibisitahin ka ng isang sikat na photographer mula pa sa kalakhang Maynila," anito at napalakas pa ang kaniyang tinig sa pagpapaalala niyon.

Ako naman ay napakamot sa ulo at bahagyang ngumisi upang ipaalam sa kaniyang ako ay nakalimot sa aking appointment. Gumagaling na nga yata ako at naaalala ko na ang mga simpleng salita sa wikang Ingles na tinuro sa akin ni Mariposa.

"Tao po? Tao po!" sabay pa kaming napalingon ni Mariposa nang marinig namin ang tinig mula sa tarangkahan o gate ng kaniyang bahay.

"Mukhang narito na ang ating panauhin, Isagani. Wala ka nang oras pa na makapagpalit niyan," reklamo na naman ng matabil niyang dila. "Nandiyan na po. Sandali lang!"

Tumalikod na ito sa akin at nagtatakbo patungo sa pintuan ng gate. Ako naman ay muling napakamot sa ulo at napailing dahil muntik na itong magkanda-dapa sa pagtakbo. Napigilan ko ang aking pagtawa nang aksidente nga siyang nadapa, ilang hakbang at mahihinang takbo pa lang ang nagagawa.

"Mariposa, okay ka lang ba? Ang ibig kong sabihin ay may masakit ba iyo?" nag-aalalang tanong ko. Nagulat na lamang ako nang bigla itong tumayo na parang walang nangyari at nilingon ako.

"I am fine. Okay lang ako. Walang masakit sa akin," pagkukunwari ito.

Alam kong natapilok siya kaya nadapa. Muntik pa ngang masubsob ang mukha sa damuhan. Mabuti na lamang at hindi mabato ang parteng iyon.

"Tao po? Tao po!" muling tawag ng tinig sa labas ng gate ng kaniyang tahanan.

"Nariyan na po! Sandali lang kasi. Ang kulit," dinig kong sabi nito at sinubukang tumayo at binilisan kahit paano ang paglalakad patungong gate. Agad nitong binuksan ang pintuan at binati siya ng isang binatang may nakasabit na isang bagay. DLSR o camera daw ang tawag doon.

"Dito po ba nakatira si Isagani at Mariposa?" tanong ng binata.

"Ako si Mariposa. Ikaw ba ang ipina---" hindi nito natapos ang pagsasalita nang makalapit ako sa likuran niya at nagpakilala na rin.

"Ako naman si Isagani," pagpapakilala ko.

"Raymart Dulaan. Ako nga po pala ang photographer na ipinadala rito para sa photoshoot ni Mr. Isagani," pagpapakilala naman nito sa aming harapan.

"Maaari mo na ba siyang patuluyin, Mariposa? Bakit sa maliit na pintuan mo lamang siya kinakausap?" sumingit ako upang ipaalam sa kaniya na hindi tama ang mag-usap sila ng nakatayo.

"I'm sorry, Raymart. Pasok ka at doon na tayo sa maliit na kubo mag-usap ng iyong pakay," naintindihan niua agad ito at binigyan ng daan para ito ay makapasok.

Nang itinuturo ni Mariposa ang daan patungo sa isang maliit na kubo na may swing daw tawag no'n ay nagsalita ang nagpakilalang si Raymart.

"You are pretty, Mariposa. Mukhang hindi naman ako nagkamali sa pagpunta rito dahil hindi lang ang isang guwapong lalaking si Isagani ang aking maaabutan kung hindi pati na rin kayo, Mariposa."

Napailing ako nang marinig ang mga salitang iyon kay Raymart dahil alam kong lalakî ang tainga ni Mariposa at mangangamatis na naman ang pisngi nito't magiging tsokolate sa papuring kaniyang narinig. At hindi nga ako nagkamali dahil biglang nagbago ang kaniyang kilos at pananalita.

"Oh my gulay? Alam mo, matagal na rin akong hindi naririnig ng salitang 'pretty', Raymart. At gusto ko 'yon. Sige na, para makapag-usap na tayo tungkol sa photoshoot kay Isagani. Okay?"

Remember Me From 1899Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon