SL24

3.9K 64 2
                                    

Eli's POV

"Bakit kayo tumatawa?" Nagtatakang tanong ko sa dalawa ngunit tumawa lang ulit sila. Napanguso ako. "Bakit nga?! May sinabi ba akong nakakatawa? Hoy! Tumigil nga kayo! Ano ba?!" Naiirita nang reklamo ko sa pagtawa ng dalawa.

"Ikaw kasi..." Tumatawa pa ring wika ni Jec. Tinignan ko siya ng masama. Anong ako? Nagjoke ba ako?! Hindi naman ah.

"Umayos ka Jec kung ayaw mong maligo ng softdrinks!" Pagbabanta ko sa kanya. Tumigil naman siya ngunit natatawa tawa pa din.

"Ang bitter mo kaya! Kaya nga KM Network kasi Kage and Mercy Network." Panggagaya niya sa sinabi ko kanina sabay nagkatawanan ulit silang dalawa. Ang bitter nga nung pagkakasabi niya pero hindi naman ganon yung way nung akin!

"Huwag gago please?!" Sarkastikong pakiusap ko. Kainis! Hindi ako bitter! Bakit naman ako magiging bitter sa kanila?! Ayan tuloy nagtonong bitter na ako, itong dalawa kasing kasama ko eh!

"Oo na. Hindi na. Tumigil kana sa kakatawa Jec." Suway ni Loy sa hindi pa din tumitigil na si Jec. "Eli, anong balak mo ngayon? Paano kung magkita kayo ni Kage?" Tanong ni Loy sa akin kaya natahimik na din si Jec para makinig sa amin.

Nagkibit balikat lamang ako. Sa totoo lang hindi ko din talaga alam. Wala akong plano at unang-una palang ipinagdarasal ko nang huwag naman sana kaming magkita.

"Tulungan niyo nalang akong magdasal na sana huwag kaming magkita baka kaladkarin ako nun palabas sa galit niya sa akin." Nanghihinang saad ko. Nalulungkot ako sa isipin na hanggang ngayon ay galit pa rin sa akin si Kage at si Mercy kaya lang malamang naman na galit pa sila, sinira ko silang dalawa. Hindi madaling magpatawad sa dami ng problemang idinulot ko sa kanila.

Iyon ang inisip ko hanggang sa maguwian na. Kung pwede ko lang baguhin ang lahat ng naging desisyon ko noon ay gagawin ko pero hinding hindi ko ipagpapalit ang pagkakaroon ng isang Paige sa buhay ko. Ang anak ko nalang ang tanging mayroon ako, siya ang nag-iisang pamilya na kadugo ko.

"Jec, patawag naman dun sa kapitbahay namin. Gusto ko lang makausap sina Nay Martha at Paige. Kakamustahin ko lang." Pakiusap ko kay Jec dahil wala naman akong phone. Iniabot niya naman agad sa akin yung telepono. Alam kasi niyang wala talaga akong phone.

Iniwan ko noon ang telepono ko at hindi na rin naman ako bumili ng bago pa ng mapunta ako sa La Union dahil hindi ko na kailangan, sayang lang ng perang ibibili ko ilalaan ko nalang para sa anak ko at sa gastusin namin.

Agad kong kinuha ang maliit na papel kung nasaan ang numero ng kapitbahay namin. Dinial ko iyon at makalipas ang ilang ring ay sumagot din.

"Hello?" Alanganing sagot ng nasa kabilang linya.

"Hello Tina, si Eli ito. Pwede bang makausap sina Nay Martha at Paige?" Pakiusap ko dito. Agad naman itong sumang-ayon at narinig ko pang sumisigaw na itong tinatawag si
Nay Martha sa kabilang bahay.

Aling Martha! Si Eli po tumawag kausapin daw kayo!

"Hello? Eli, anak?" Bati ni Nay Martha sa kabilang linya. Bakas sa boses nito ang tuwa. Napangiti ako.

"Nay Martha, kamusta na po kayo dyan?"

"Aba'y ayos lamang kami. Palagi kang hinahanap ng anak mo pero mabuti at hindi naman umiiyak." Tuwang balita niya sa akin. Napangiti ako ng mas malaki.

"Miss ko na din po si Paige, Nay." Sagot ko.

"Kamusta ka naman dyan? Doon sa trabaho niyo? Ayos naman ba?" Nag-aalalang tanong nito sa akin. Alam kasi nito ang kwento ko pati na rin ang tungkol sa problema ko ngayon sa pagtatrabaho sa network. Nabanggit ko iyon bago kami umalis dahil nagdalawang isip na rin ako noon pa.

"Okay naman po. Wala pa naman pong problema. Nay, nandyan po ba si Paige? Pwede bang makausap ang anak ko?" Pakiusap ko kaya natuwa ako nang narinig kong tawagin ito ni Nay Martha para kausapin ako.

"Mama! Mama! Miss mama!" Masiglang masigla na sabi ni Paige at sigurado akong tumatalon talon pa siya. Natawa ako at nanubig ang mga mata.

"Miss you, baby." Medyo naiiyak kong sabi. Miss na miss ko na ang anak ko. Ngayon lang kami nagkahiwalay ng ganito katagal.

"Patalubong mama!" Natawa ako sa pagkabulol nito.

"Okay, anong gusto mo?" Tanong ko.

"Chocholeyt!" Tuwang sigaw nito at naiimagine ko na ang malapad na ngiti nito.

"Sige, hintayin mo umuwi si mama ha? Behave ka din." Malambing na paalala ko sakanya.

"Opo!"

"Nasaan si Nay Martha? Kausapin ko muna baby ha." Agad naman nitong ipinasa kay Nay Martha.

"Nay, tatapusin ko na po ang tawag. Nakakahiya naman kay Jec. Tatawag nalang po ulit ako kay Tina para makausap kayo. Ingat po kayo dyan. Pasensya na po kay Paige ha mukhang ang kulit na naman."

"Ano ka ba naman! Nakakatuwa nga itong si Paige eh. Sige na. Ikaw din ingat ka ha." Paige! Paalam ka na kay mama mo.

"Bye mama! Love you. Miss you." Tuloy-tuloy na paalam nito na ikinatawa ko dahil narinig ko pa ang kissing sound na ginawa nito.

"Bye baby. I love you and miss you too! Bye din po, nay. Goodnight." Huling paalam ko sa kanila tapos ay ibinaba na ang tawag.

Ibinalik ko naman agad kay Jec ang phone dahil alam kong gagamit ito saka nagpasalamat. Pumunta na ako sa kwarto naming tatlo sa bahay ng Tito ni Loy upang magpahinga.

"Eli, di ba matagal nang sikat yun si Kage pero bakit wala man lang balita na ikakasal na siya dati? Tignan mo nagsearch ako sa internet pero wala din." Curious na tanong sa akin ni Jec nang papasok sa kwarto namin. Naupo siya sa kama at tinignan ako habang naghihintay ng sagot ko.

"Kasi ayaw niyang ipaalam." Simpleng sagot ko.

Kahit yung engagement party namin noon ay inayawan niya dahil doon pero nagpumilit sina Tito at Tita given na hindi iyon ilalabas sa publiko.

"Ang harsh niya ha." Komento pa niya ulit. Natawa ako.

"Ikaw ba naman gusto mo bang ipagsigawan sa mga tao na ikakasal ka kahit ayaw mo?" Tanong ko na ikinailing naman niya. Ngumiti lamang ako.

"Sige na. Tulog na tayo maaga pa tayo bukas eh." Humiga na ako at nagtalukbong ng kumot bago pa siya makapagtanong ulit ng kung anu-ano o maging ako ay makapagtanong din sa kanya. Napaisip ako na bakit walang balita sa pagpapakasal nila Kage at Mercy pero naisip ko din naman agad ang sagot. Siguro ay gusto nila ng privacy kaya walang lumabas na kung anong balita. Ganoon naman talaga si Kage, malihim sa publiko kahit noon pa.

Napapikit ako ng mariin at palihim na inasikan ang sarili. Tama na ang kakaisip sa kanila, Eli! Wala ka nang pakialam, buhay nila iyon!

Stealing LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon