Kage's POV
Nagmamadaling bumalik na ako sa office pagkatapos kong magpaalam kay Eli dahil kay Mercy.
Yung pakiramdam ko nang makita ko si Eli kanina ay kakaiba. I'll say there was gladness when I saw her.
Hindi tamang ngumiti ako nang makakita ng babaeng nadulas pero nang makilala kong si Eli iyon ay awtomatikong napangiti ako.
I noticed the difference of this new Eli to the old one. Maraming pagbabago and it's as if she's a whole lot different person. Napakagalang niya at halatang takot siya sa akin na hindi ko kailan nakita sa dating Eli na parang walang inuurungan at palaban.
I fixed my coat and tie and drew in a deep breath before I turned the knob of my office door. Agad nakita ng mata ko si Mercy na nakangiting inihahanda ang mga dala nitong pagkain sa coffee table sa receiving area ng office ko.
"Hey babe, I brought you lunch. It's your favorite." Ngiting-ngiti siyang lumapit sa akin at humalik pa sa labi ko bilang pagbati. Napangiti na rin ako. Hinila niya agad ako doon pagkatapos ay pinagsandok niya ako ng dala niyang seafood paella. Magana akong kumain dahil paborito ko talaga ito lalo na pag siya ang nagluluto. Now, Eli can't even cook this good and she can't be this genuinely caring.
Natigilan ako. What the actual fuck? Why am I suddenly comparing Eli and Mercy, again?! Masaya na ako kay Mercy, siya ang mahal ko and Eli...well she's back pero hindi naman daw siya manggugulo so she's not gonna be a problem.
"Babe, is there something wrong? May problema ba? Hindi ba masarap yung luto ko?" Nababahalang tanong ni Mercy nang mapansin na natigilan ako, inabot din niya yung kutsara ko at tinikman ang paella niya.
"This is nothing, babe, actually the truth is ninanamnam ko lang yung lasa. Ang sarap eh." Napangiti naman siya at nawala ang pag-aalala sa mukha, nilagyan niya pa ako ng maraming pagkain sa plato. I feel guilty thinking of those things about Mercy and Eli so I shook every thought of Eli in my head all through lunch.
Pinili ko ding huwag nang sabihin kay Mercy ang tungkol sa muling pagkikita namin ni Eli dahil baka kung ano pa ang isipin ulit niya. Alam ko naman na hanggang ngayon ay parang may trauma pa rin siya sa nangyari noon at kahit sa ibang babae na napapalapit sa akin.
Nakaalis na si Mercy pero malalim pa rin ang iniisip ko. I'm itching to talk to Eli, clear things with her, but I know it would be unfair on Mercy's part. Matagal ko nang kinalimutan ang alamin ang totoo galing kay Eli at akala ko nga ay nakalimutan ko na pero kapag nandyan na pala siya sa harap ko ay gugustuhin ko pa ring marinig ang totoo.
Is she really giving me back my freedom? Am I free to love Mercy again? And most of all, who was the father of her child? Is it really not me?
These are the questions I've been aching to ask her three years ago even until some months ago.
Tumayo ako at tinungo ang bintana kung saan tanaw ang skyscraper ng siyudad. Will knowing the answers be worth it? Will it change anything? I guess not...
Eli's POV
Limang araw na simula nang magkita ulit kami ni Kage at mula noon ay hindi ko na siya ulit nakita pa. Mabuti na iyon at nagpapasalamat na din akong hindi niya nga ako pinaalis sa kumpanya. Bumuntong hininga ako.
"Eli, tignan mo. Kapit na kapit na ako baka kasi mamaya madala na ako sa kakahinga mo ng malalim." Sarkastikong biro ni Jec. Kita ko ngang mahigpit siyang nakahawak sa armchair ng inuupuan.
"Oo nga, ako rin o! Bakit ka nagkakaganyan? Umamin nga!" Sumandal si Loy sa upuan tsaka nakataas ang kilay na tinignan ako habang nakacross arms pa.
Nandito kami ngayon sa balkonahe ng bahay ng Tito ni Loy kung saan kami nakikituloy. Off kasi naming tatlo sa trabaho.
"Wala naman. Namimiss ko lang si Paige."
"Ahh. Miss mo si Kage." Nakangising saad ni Loy habang tumatango-tango pa. Nagtawanan silang dalawa ng tinignan ko si Loy ng masama.
"Paige, yung anak ko--"
"Ahhh so hindi pala si Kage na ama ng anak mo. Okay." Balewalang pagputol ni Jec sa sinasabi ko.
Naiinis na tinignan ko ang dalawa. "Tigilan nga ako!"
"Bakit ba? Simula nang magkita ulit kayo lagi ka nang ganyan. Tulala, parang laging malalim ang iniisip na problema tapos kapag nasa trabaho tayo lagi kang palinga-linga na parang may hinahanap. Kulang nalang bumangga ka diretso sa isang pader o poste! Ikaw ang tigilan kami! Hindi ka makakalusot sa amin." Pahayag ni Jec ng tumatawa. Pinagtutulungan nila ako pero aaminin kong may katotohanan ang pang-aasar nila sa akin.
"Hindi ko alam. Siguro nasanay lamang akong isipin na galit na galit siya sa akin sa lahat ng nagawa ko sa kanya noon kaya inisip ko na sisigawan niya ako at kakaladkarin palabas ng building niya dahil sa galit niya sa akin sa oras na makita niya ako...pero hindi niya ginawa. Parang wala nga eh." Paliwanag ko sa dalawa.
"Sana inisip mo din na after three years baka napatawad ka na niya at nakamove on na sila sa mga ginawa mo noon. Dapat nga magpasalamat ka at hindi na sila galit. Masaya na siguro siya kaya sana ikaw din kalimutan mo nang may nagawa kang kasalanan. Move on ka na din." Paliwanag din sa akin ni Loy. Napaisip ako. Tama siya, siguro nga dapat ko nang ipagpasalamat nalang na hindi na ako sinumbatan ni Kage.
"Alam mo, tama ka!" Tumatangong sang-ayon ko. "Nandito ako para sa training, para sa pangarap at hindi para ibalik ang nakaraan."
"Ganyan nga! Pangarap nalang natin ang dapat na mahalaga ngayon. Huwag kang magpapaapekto sa kung anuman. Gawin mo ito para sa inyo ni Paige." Payo naman ni Jec. Oo para kay Paige, para kay Nay Martha at para sa sarili ko. Matagal nang tapos ang kung anumang nangyari sa amin nina Kage at Mercy, ako pa nga ang nagtapos kaya dapat ako ang hindi naaapektuhan dito.
"Pero Eli, wala ka ba talagang balak na ipakilala sa kanya si Paige?" Tanong ni Loy. Kita ko sa mukha niya ang pagtutol sa desisyon ko. Kuha ko naman na ang inaalala niya ay si Paige na dapat ay makilala man lamang nito ang ama.
"Kung makakasiguro akong hindi niya sa akin kukunin ang anak ko baka sakaling ipakilala ko pa sila pero knowing him, he will get my daughter from me. He will stop at nothing to get her from me at ayokong mangyari iyon dahil alam kong wala akong laban sa kapangyarihan na mayroon siya."
I'm serious that I know he'll do that. Napatunayan na niya noon sa akin kung hanggang saan ang kaya niyang gawin para sa anak namin. Kaya ni Kage na isakripisyo ang sariling kaligayahan para sa anak. Ganoon niya ito kamahal o kayang mahalin...
Naaawa ako sa anak ko pero mas naaawa ako sa sarili ko oras na kunin sa akin ni Kage si Paige kapag nagkataon.
"Alam kong mali na naman ang paraan ng pagmamahal ko sa anak ko dahil nagiging makasarili ako pero this time it's a life and death situation. Hindi ko kayang igive up ang anak ko dahil alam kong wala nang matitira pa sa akin kapag ginawa ko iyon. My daughter is my life...I'll lose everything if I lose Paige." Niyakap ako ni Loy at sa pagkakataong ito alam kong mas naiintindihan niya na ang desisyon kong iyon.
Thank you so much sa pagbabasa @DiannaRaiz and to @TanAfu na walang sawang sumusuporta sa mga stories ko. Thank you sa pagmamarathon at nakakatuwa ang mga comment mo. Love you both! Happy holidays. :))
BINABASA MO ANG
Stealing Love
Fiksi UmumIsang babae ang iibig at magiging makasarili hanggang umabot sa puntong kaya niyang manakit ng damdamin ng iba. Isang babae ang magnanakaw para lang sumaya. Lahat para sa pag-ibig na hindi kanya. Isang babae. Isang kabit. Isang malaking bakit. Ba...