SL11

3.9K 47 4
                                    

"Why did you do this, Eli? Why did you let this happen?! Fuck! Alam mong may girlfriend ako!" He's so mad but I am not afraid. Tinitigan ko siya diretso sa mga mata.

"Mahal kita, Kage. I think that's enough reason." Sagot ko. Napagpasyahan kong aminin sa kanya ang nararamdaman ko. Suminghap siya saka hindi makapaniwalang umiling.

"No it's not! That is one fucked up reason! I have a girlfriend! Eli, hindi mo ba makuha yun? I love my girlfriend!" Sigaw niya na tila ba sa pagsigaw niya unti-unti kong makukuha ang bagay na iyon pero matagal ko nang alam iyan.

"I know, pero pwede pa naman di ba? Pwede namang dalawa kami. I can deal with it, mahalin mo lang din ako Kage. Alam kong kaya mo rin akong mahalin." Lalong kumunot ang noo niya at mukhang mas nagalit sa sinabi ko. I am freaking desperate alright!

"Are you insane?! Fuck, Eli! How can you say those things? How can you offer yourself as a mistress?! I thought you are better but you are just like any other women out there. Baluktot ang pag-iisip at hindi ginagamit ang utak."

"It is because I am using my heart and it tells me that I love you! I can do anything for you, Kage. Be it your mistress. Be it wrong. I don't care! Ipaglalaban ko ang nararamdaman ko sayo. I will not stop until you are mine. Kahit may kahati ako, kahit dalawa pa kami! I know...Time will come, sa ayaw at gusto mo, mamahalin mo din ako." Iyon ang huling sinabi ko sakanya bago umalis. It is not a threat, it's a promise.

I remember noong bata pa lamang ako, nakaupo ako sa may pintuan ng bahay na tila ba may hinihintay. Dumaan ang kapitbahay naming mag-asawa at nagsisigawan na naman. May bitbit ang lalakeng isang malaking supot at bag, ang babae naman ay para bang inihahatid pa ang lalake paalis habang pinapabaunan ng maraming sermon at mura. Sa murang edad namulat ako sa mundo ng pag-ibig. Naisip ko ang sitwasyon nila at ng ibang taong nagmamahal. Naisip ko kung gaano iyon kakumplikado at kagulo.

Mahal mo pero iiwan mo? Mahal mo pero itinataboy mo? Mahal mo pero sinasaktan mo? Mahal mo pero hindi mo magawang mapanatili saiyo? I thought love is supposed to be a good thing. Old people speak of love like it is the greatest feeling ever existed. Dahil bata pa ay hindi ko naintindihan ang lahat ng yun. Pero kahit bata pa ako ay alam ko na ang gagawin ko kapag dumating ang panahon na nagmahal ako. I promised myself I will fight for that love, kahit anong mangyari lalaban ako hanggang huli. Hindi ko hahayaang may umalis o maiwan. Lahat gagawin ko para sa isang pagmamahal na perpekto. Yung hindi katulad sa iba na marupok at madaling masira.

"Bakit ka ayos na ayos? Taong tao ka ngayon girl!" Nagtatakang tanong ni Yna nang magkasalubong kami sa campus. Oo nga pala, nauna siyang umalis kaya hindi niya ako nakita. Binigyan ko siya ng malapad na ngiti.

"Wala lang." Tanging sagot ko. Mas lumapad ang ngiti ko nang makita ko si Kage na naglalakad sa field kasama ang girlfriend niya. "Teka lang ha." Lakad-takbo ang ginawa ko para lamang maabutan sila. Nang medyo makalapit na ay ibinalik ko sa normal ang paglalakad hanggang sa naisipan kong kunwaring banggain ang girlfriend niya nang lalagpasan ko sila.

"Sorry!" Sigaw kong nililingon sila. Umakto pa akong talagang nagsisisi at natataranta. Sa babae lamang ang tingin ko, mukha naman siyang naniniwala sa akin. Bumaling ako sunod kay Kage, wala siyang gaanong reaksyong ipinapakita ngunit tiim na tiim ang kanyang bagang.

Uyy, affected siya sa presence ko. Ngumuso ako para itago ang mumunting ngiti. I always thought I will be happy without breaking any rules but here I am breaking morality for it. If it is for happiness you ought to give up things dahil tuso ang buhay, lahat may kabayaran o kailangang may isakripisyo.

"It's okay. Sorry din." Malumanay at malambing na sagot nung babae. Bumalik sa kanya ang atensyon ko. Nginitian ko siya, may sasabihin pa sana ako sa kanya ng may tumawag sa akin.

"Eli, may gagawin ka ba sa Sabado? Pwede ba kita mayaya for a date?" Ngiting-ngiti na tanong ni Nesto.

"Ha?" iyon ang naging reaksyon ko. Naramdaman kong naglakad na palayo sina Kage at ang girlfriend niya. Gusto ko silang pigilan pero ano naman ang sasabihin ko nang hindi nagmumukhang papansin?

"Eli, ano?" Bumaling ako kay Nesto.

"Ha?" Tinignan ko ito ng may hindi makapaniwalang ekspresyon dahil hindi ako makapaniwala na istorbo siya sa diskarte ko. Nakakainis! Gusto ko siyang bugahan ng apoy. "Ewan ko sayo Nesto! Maghanap ka ng ibang mauuto!" Padabog akong umalis doon at iniwan siyang mag-isa. Wala akong panahon magloko. Really Eli? Alright I guess what I mean is, wala akong panahon magloko kasama ang ibang lalake.

"Te, niyaya ka daw ni Nesto ng date?" Tanong sa akin ni Crystal. Andito kaming dalawa ngayon sa benches sa may field.

"Oo. Paano mo nalaman?" Sagot ko.

"Ha? Kalat na kalat kaya, ipinagyayabang kasi niya kanina sa cafeteria na pumayag ka daw." Marahas na napalingon ako sa kanya ng kunot na kunot ang noo.

"Ano?"

"Oo kaya, seryoso ba yun? Pumayag ka talaga te? Uyy, hindi sa panlalait ha. Desisyon mo naman yan at may kanya-kanya tayong taste pero kasi, si Nesto? Sure kang si Nesto?" Sambit niya na para bang sa pagbanggit niya ng pangalan ni Nesto ay sapat na para makuha ko ang ibig niyang sabihin. Ikinuwento ko sakanya ang totoong nangyari at muntik pa akong matawa nang makita ko ang relief sa mukha niya nang sabihin kong hindi iyon totoo.

"Eleanor! Mamili ka naman ng lalake! Si Ernesto Malaya Jr.? Talaga? Mayaman siya at masusuportahan ka sa lahat ng luho't pangangailangan mo pero ang shonget shonget niya! Aanhin mo ang yaman kung lagi kang parang babangungutin kapag kasama siya?!" Mahaba at puno ng dramang litanya ni Yna nang madatnan ko siya sa dorm. Napahagalpak na naman ako ng tawa sa mga sinabi niya. Kung si Crystal ay mild lang manlait, ito naman si Yna no filter ang bunganga sa panlalait kay Nesto. Violent reaction ang gaga.

"Kumalma nga! Hindi totoo yun. Makareact ka naman agad. Tingin mo ipagpapalit ko si Kage kay Nesto? Ano ako, tanga?" Tumatawa ko pa ring sabi. Hindi ako makaget over sa mga sinabi niya tungkol kay Nesto. Ang sama-sama niyang manlait pero kasi subconsciously ay sumasang-ayon ako sa lahat ng sinabi niya.

"Hindi pero medyo lang. Hello girl, tingin mo din tanga si Kage kung ipagpapalit niya si Mercy sayo? Nangarap ka na naman dyan ng dilat!" Napanguso ako sa kanyang sinabi.

"Oo!" Matapang kong sagot. "Magiging akin siya sa ayaw at sa gusto niya." Napapamaang na tumingin sa akin si Yna, bakas sa mukha niya ang hindi pagkapaniwala sa mga narinig mula sa akin. Lumapit siya sa akin at mahina akong hinampas sa braso.

"Okay ka lang? Huy mukha kang kontrabida dyan! At, anong nangyari sa pagpipigil mo? Akala ko ba alam mo ang tama sa mali? Scholar ka pa sa lagay na yan ha. Ibig sabihin matalino ka. Anong nangyari? Sa academics ka lang magaling, ganon?" Nasa tono niya ang panunuya ngunit naroon din ang pagkabahala. I know she's just concerned with me. Kaibigan ko siya at alam kong ayaw niya lang akong mapahamak kaya siya ganyan kaprangka.

"Look Yna, walang silbi ang talino kapag ang kalaban mo ay puso. Someday when you love, you'll learn." Narinig ko ang kanyang pagbuntong hininga, bakas pa din pagkabahala sa kanyang mukha ngunit hindi na siya tumutol pa.

"Basta ipangako mong mag-iingat ka sa mga gagawin mo. Ayaw kong masaktan ka. At sana din kayanin ng kunsensya mo kung makapanakit ka." Iyon ang huling ipinayo niya sa akin. Hinayaan niya ako sa buhay ko. Hindi na niya ako muling kinuwestiyon tungkol sa nararamdaman ko kay Kage.

Stealing LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon