SL19

3.6K 48 1
                                    

"Totoo?" Nanlalaki ang mata at nakaawang ang bibig na tanong ni Yna sa akin nang ikwento ko ang tungkol sa kasal.

Nandito ako ngayon sa dorm dahil break time ko sa mga subjects at si Yna ay walang pasok. Bumalik na ako sa school kahapon lang. Finals na rin next week. Okay na naman kasi ang kalagayan ko at ang sabi ng OB ko ay unti-unti nang nagiging okay si baby. Thank God! Lumalakas na ang kapit niya at healthy naman daw ito.

Nagkibit balikat ako. "Oo."

Lumapit si Yna sa akin at sinuri ang hitsura ko. "Bakit mukha kang nalugi dyan kung ikakasal ka naman kay Kage? Di ba yan ang gusto mo? Ha? Ha?" Sinapak ko siya palayo dahil habang sinasabi niya iyon ay palapit ng palapit ang mukha niya. Umirap ako at kinuha ang binili kong mangga't bagoong nang papunta ako dito kanina. Ngumiwi siya sa amoy nun. Ang bango kaya!

"Ang arte mo! Si Kage nga ang lugi sayo." Natatawang pang-aasar niya pa.

"Siguro nga lugi talaga siya." Seryoso kong saad habang busy pa din sa pagkain ng mangga. Pinipilit kong iwaglit sa isipan ko ang mga sinabi niya nung gabing iyon.

"Hoy, anong drama yan! May problema ba, Eli? Akala ko ba okay na? Break na sila ni Mercy at pumayag na siyang magpakasal sayo. Ano pa bang hihilingin mo? Gusto mo ng pagmamahal niya?" Tumatawa siya ng may panunuya. Oo. Yun ang gusto. Tinignan ko lang si Yna ngunit hindi iyon isinatinig. Umiling-iling siya nang makita ang pagtitig ko.

"Gaga! Eh humiling ka nalang talaga. Keep dreaming, ganon! Pak!" Tumawa ito pagkasabi non ngunit nagseryoso naman ulit. "Alam mo kasi, you can't expect him to give you everything he has. At sa nakikita ko ngayon yung puso niya nalang ang meron siya. Yun nalang ang itinira mo sa kanya tapos gusto mo pa iyong kunin? You can't be too selfish, Eli. Don't be...kasi hindi tama. Kung mamahalin ka niya let it come to him naturally. Learn to be patient. Siguro naman ay ayaw mong mahalin ka niya dahil napilitan lang siya di ba?"

Napipilan ako sa lahat ng sinabi niya hanggang sa bumalik ako sa campus ay iyon lamang ang laman ng isip ko. Somehow, may punto si Yna. Ano na nga ba ang gusto ko mangyari ngayon? Hindi naman ako dapat maging makasarili...

Napatigil ako sa paglalakad sa corridor nang mamataan ko si Kage at Mercy. Hinahabol ni Mercy si Kage habang umiiyak at mukhang nagmamakaawang kausapin man lang siya ng lalake. Nakita ko ang mariing pagpikit ni Kage at matinding pagpipigil na gawin ang gusto niyang gawin lalo na nang makita ako nito na nakatayo at nakatingin sa kanila.

Am I really being too selfish? But that's only because I love him. Alright, para naman maging fair ako ay hahayaan ko siyang kausapin si Mercy kahit ngayon lang. Buburahin ko sa isip ang nakita at hahayaan siya sa gusto niyang gawin ngayon.

Umiwas ako ng tingin sa matalim niyang titig at lumakad na paalis doon. Sa ibang corridor nalang ako dadaan kahit na sa dulo nito na naman ang room para sa susunod na subject ko. I can make way.

Napapalunok ako habang naglalakad palayo doon. I can suppress this, alright! Kaya ko namang hayaan sila. Hindi siya babalik kay Mercy dahil lamang mahal niya ito. He will not abandon the baby. I know.

"Where are you going?!" Mariing tanong ni Kage habang hinihila ang braso ko pabalik ng naglalakad na ako. Nanlalaki ang matang nilingon ko siya. Bakit niya ako sinundan? Bago ko pa iyon maitanong ay hinalikan niya ako. Pareho kaming nakamulat lamang, walang emosyon sa halik na iyon. What was that all about?!

I was ready to give him his time with her. I looked back and saw Mercy looking at us with shocked misty eyes. Hanggang sa unti-unting napalitan ang pagkagulat ng sariwang sakit sa nakitang halikan namin ni Kage. Nakatingin lamang ako ng diretso sa kay Mercy at kitang-kita kong natitigilan pa din siya, naglakbay ang mga mata niya papunta sa kamay ni Kage na nakahawak sa braso ko, panibagong sakit ang bumalatay sa mukha niya.

Stealing LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon