SL44

4.3K 69 4
                                    

At ang ilang araw na iyon ay nauwi sa isang linggo hanggang sa halos abutin na ng dalawang linggo. Umuwi siya at nanatili sa bahay ng isang araw at umalis din agad kinabukasan. Katulad ng dati ay hindi din siya pumapasok sa trabaho at ang alam ko ay dahil iyon sa pagbabantay kay Mercy sa hospital dahil maselan pa din daw ang kundisyon nito.

Hindi ko alam sa sarili kung bakit nitong nakaraang linggo ay pakiramdam ko ako yung legal na asawa na hindi inuuwian ng mister dahil sa kabit niya. I feel like I was the one deprived of that privilege when in the first place ay ako itong talagang third party sa relasyon nila.

Humugot ako ng malalim na hininga para kalmahin ang utak ko sa kakaisip ng mga katawa-tawang bagay.

"May problema ka ba?" Tanong sa akin ni Yna nang niyaya niya akong sumama sa kanya mag shopping. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa pagtingin ng mga damit. Magaganda ang mga damit dito ngunit masyadong mahal, hindi na praktikal.

"Heto itry mo, maganda." Ipinakita ko sa kanya ang napili kong damit.

"May problema ka nga. Hindi ka diretso kung sumagot eh." Sabi niya at kinuha iyon sa akin saka itinupi sa braso niya kasama ng iba pang damit na napili niya para isukat.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Sinama mo ba akong magshopping para lang tanungin kung may problema ako o para hingian ng opinyon sa mga bibilhin mo?" Ngumuso siya.

"Hindi ba pwedeng both?!" Aniya.

Umiling ako at tinungo ang isang rack ng mga shorts. Sumunod ito sa akin.

"Nabanggit kasi sa akin ni Van yung tungkol sa ano..." Ngumiwi siya ng tignan ko siya. "...yung ano, yung pagbubuntis ni ano, uhm, Mer...cy." Tila hirap na hirap siyang ituloy ang sinasabi niya.

"So, close na talaga kayo ni Van. Kayo na ba?" Imbes na tanong ko.

"Hindi pa pero huwag mong iliko sa amin ang usapan. Kamusta ka naman ba?" Tinalikuran ko siya ngunit pumunta siya sa may harap ko at matamang tumitig sa akin.

"Sagutin mo na mabuting tao naman si Van tsaka gwapo din." Ngumisi ako ngunit tumalim lang ang titig niya sa akin. Kinagat ko ang labi saka muling nag-iwas ng tingin.

"Ano bang gusto mong malaman?" Pagsuko ko ngunit hindi nakatingin sa kanya.

"Anong reaksyon mo tungkol doon? Ano bang sabi ni Kage lalo pa ngayon alam niya na yung tungkol kay Paige. Ano usapan niyo?" Sunod-sunod niyang tanong. Napakibit balikat nalang ako.

Sa mga tanong niya ang kaya ko lang masagot ay yung kung ano yung reaksyon ko dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ba ang tumatakbo sa utak ni Kage ngayon.

"Wala. Alam mo namang labas na ako sa kung anong meron sila di ba? Kaya, hindi na mahalaga kung ano man ang reaksyon ko." Sagot ko. Hinding hindi ko sasabihin sa kanya kung gaano ako kaapektado sa sitwasyon nitong mga nakaraang araw.

Tinigilan niya na rin naman ako matapos ng ilan pang tanong.

"Hon, look at this."

Nakita ko ang nakangiting mukha ng babae habang ipinapakita sa lalake ang hawak niyang damit. Tumango ang lalake at hinawakan nito ang kamay ng babae saka sabay na nagtungo sa fitting room.

Naramdaman ko ang hapdi ng tumama sa palad ko ang dulo ng naputol na hanger.

"Eli, anong nangyari? Bakit naputol? Hala. Nasugatan ka oh." Naririnig kong pahayag ni Yna sa tabi ko ngunit nanatili ang tanaw ko sa dalawang tao kanina. Ininda ko ang kirot ng maliit na sugat sa palad ko habang unti-unti ay nararamdaman ko ang pagkabuhay ng galit sa dibdib ko.

"Wala ito, Yna. Isukat mo na yan." Malamig na saad ko, tumango naman siya kahit na nagtataka at nag-aalala pa din sa akin saka naglakad patungong fitting room.

Sumunod ako sa kanya at pinagmasdan ko ang lalakeng naghihintay sa labas noon. Nanatili din ako doon habang pinagmamasdan lamang itong ngumiti ng makita ang kasama nitong babae na lumabas mula sa loob.

"Are you buying all of that?" Tanong ng lalake dito. Ngumiti ang babae.

"That's if you are going to buy me all of these." Sagot nito saka sila nagtawanan.

Napatiim bagang ako ng makita kung gaano sila kasaya tignan. Pumunta sila sa cashier at nagbayad.

"Tara na bayad lang ako." Yaya sa akin ni Yna tumango lamang ako bilang sagot at dahan dahang sumunod sakanya. At kahit hanggang ngayon ay hindi ko pa din tinitigilang sundan ang bawat galaw ng dalawang taong iyon kahit nang palabas na sila ng boutique.

Napakuyom ang palad ko sa galit. Paano niya nagagawang sumaya ng ganyan habang ako ay nagdudusa at puno ng galit ang puso?! Hindi maaring masaya sila! Hindi ako makakapayag!

"Eli.." Tawag sa akin ni Yna na hindi ko man lang namalayan na tapos na.

"Yna, I have to go may pupuntahan pa
pala ako. Mauna na ako sayo." Bumeso ako sakanya.

"Ha? Te-teka, saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong niya. Ngumiti lang ako at kumaway bago nagmamadaling umalis.

I need to go somewhere. I need to talk to someone.

"Manong sa Eternal Peace Cemetery po." Sagot ko sa taxi driver ng tanungin niya ako kung saan ako tutungo.

Ito ang kanina pa sinasabi ng utak kong puntahan para kalmahin ang umaapaw sa galit kong sistema.

Nang marating ko ang puntod ng pakay ko ay agad kong nilinis ang mga tuyong dahon sa paligid nito at winalis gamit ang kamay ang mga alikabok sa ibabaw ng lapida. Ni hindi na mabasa ang nakasulat doon dahil halos tatlong taon na ang nakakalipas nang huli kong bisita dito.

Humiga ako sa tabi ng puntod at pinagmasdan ang kalangitan. Matingkad na asul at maulap. Medyo mainit din dahil hapon palang.

Huminga ako ng malalim saka iyon pinakawalan at inulit-ulit ko pa iyon ng ilang beses upang pilit pakalmahin ang aking sistema.

Nang medyo humupa na ang aking galit ay bumangon ako at naupo paharap sa puntod. Nagsimula na din akong kausapin siya.

"Mama..." Panimula kong tawag. Napalunok din ako dahil sa parang may bumara sa aking lalamunan.

Stealing LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon