Halos isang buwan ko nang hindi nakikita si Kage sa campus. Kung iniiwasan niya ako at pinagtataguan ay hindi ko alam, ayos lang. Hindi ko na siya nagawa pang sundan o kausapin ulit dahil sa mas pinili ko munang ilaan ang lahat ng atensyon ko sa pag-aaral at trabaho. Natatakot akong napapabayaan ko na ang buhay ko nang dahil sa kanya ngunit hindi ibig sabihin nito ay sumusuko na ako.
"Eli, ikaw na naman hinahanap nung mga fans mo." Pabirong sabi ni Mark nang makalapit siya sa bar area. Tumawa ako. Alam ko na ito. Nandito na naman ang matatandang iyon, nakatuwaan na din ng mga kasamahan kong tawagin silang fans ko daw dahil naging gawain na nila na kapag nagpupunta sila dito ay hahanapin nila ako at kakausapin. Walang kaso iyon sa akin dahil mababait din naman sila at sa sobrang bait ay nagbibigay din sila ng tip.
"Sige, ikaw muna bahala dito puntahan ko lang sila para sa meet and greet." Sagot ko at iniabot sa kanya ang bottle opener at pamunas na hawak ko. Malakas siyang tumawa sa sinabi ko.
"Baliw, feel na feel mo naman. Palit nalang muna ulit tayo ng trabaho ngayong gabi. Ikaw muna ang server ha?" Nilingon ko siya sa sinabi niya. Pwede din. Kailangan ko din kasi ng extra income ngayon at nakakatulong ang tips na natatanggap ko bilang waitress.
"Sure." Pagpayag ko at umalis na. Pagdating ko sa table ng mga fans ko ay pinaupo nila ako sa isang bakanteng silya doon. Sa wakas ay makakaupo na din ako, halos dalawang oras din akong nakatayo ah. Nakita ko ang manager kong nakatingin sa amin ngunit wala nang reaction dahil alam din niya ang sitwasyon ko. Naiintindihan niya. Wala siyang magagawa dahil customers ang nagrerequest na umupo at makipag-usap ako sa kanila.
Nang tumagal-tagal na ang usapan ay nagpaalam na ako. Hindi naman ako nanatili talaga ng matagal, binibigyan ko lang sila ng kaonting oras saka ako babalik sa trabaho. Naglakad ako papunta sa bar upang tumulong na sa pagseserve ng mga orders nang mapadaan ako sa isang grupo ng mga kalalakihan.
"Miss, pwede ka din ba namin maitable?" Harang sa akin ng isa sa kanila at hinila na ako sa table nila. Sht! Ano bang tingin nila dito sa bar, cabaret at may ibinebentang mga babae? Gusto ko silang singhalan ngunit napapalunok na lamang ako dahil malalaki ang pangangatawan nila na kahit lumaban ako ay ako ang uuwing luhaan. Isang pitik lang ata nila sa akin ay tulog agad ako. Ang ginawa ko ay umakto akong kalmado, mga lasing sila at mas magiging agresibo sila kapag pumalag ako. Papaupo na ako nang may nagsalita.
"Dude, let go of her. Ako ang unang nakabili sa kanya." Napatingin ako sa lalakeng nagsalita. Anong nakabili? Sapakin ko kaya siya tapos bili siya ng bagong mukha! Ngunit natigilan ako ng makita si Kage na seryoso ang mukha. Nandito siya? Bakit siya nandito? Inilibot ko ang aking paningin para hanapin ang mga kaibigan niya. Nakita ko ang mga ito sa gilid at nagkakasiyahan. Kanina pa sila dito? Hindi ko napansin.
Hinila niya ako palapit sa kanya kaya ay muntik na akong sumubsob sa dibdib niya. Bakit muntikan lang? Nakakapanghinayang yung pagkakataon. Eli, really? Nababastos ka na nga kabastusan pa din ang iniisip mo.
"Sayang naman, miss. Next time ako naman ang bibili sayo. Humanda ka. Rawr!" Pahayag ng lalakeng humarang sa akin, hindi na siya pumalag pa kay Kage. Akala ko ay magkakagulo pa. Nagtawanan ang mga kasamahan niya sa sinabi at ginawa niyang pag-aktong parang leon. Kung naiba lamang ang sitwasyon ay tumawa na din ako pero kinilabutan ako sa sinabi niya at nasasaktan na sa higpit ng hawak ni Kage sa akin.
"Jas, yeah. I'm sorry something came up." Narinig kong sabi niya sa kausap niya sa phone.
"Bakit ka nasa bar? Kanina ka pa doon?" Tanong ko nang ibaba niya ang telepono niya. Hindi niya ako pinansin at seryoso lamang nagmamaneho. Tinignan ko ang daan. Papunta ito sa condo niya ha.
Ibinalya ako ni Kage sa sofa ng condo niya at pabalik balik na nagpalakad lakad sa harapan ko. Hinimas ko naman agad ang palapulsuhan at chineck pa kung nagmarka ba yung kamay niya doon. Sa sobrang higpit ng hawak niya sa akin habang kinakaladkad ako ay imposibleng walang pasa iyon. Galit ba siya? Bakit siya galit?
BINABASA MO ANG
Stealing Love
Ficción GeneralIsang babae ang iibig at magiging makasarili hanggang umabot sa puntong kaya niyang manakit ng damdamin ng iba. Isang babae ang magnanakaw para lang sumaya. Lahat para sa pag-ibig na hindi kanya. Isang babae. Isang kabit. Isang malaking bakit. Ba...