Third Person's POV
"I love you." Bulong ni Kage kay Mercy habang nakayakap sa likod nito. Naiwan silang dalawa dito sa garden after Mercy's 21st birthday party. It has just finished and the guests are now heading home. Mercy wrapped her hands around Kage's and rested her head on his chest.
"I love you too." Sagot naman ni Mercy sa mahinang boses. Mas hinigpitan ni Kage ang pagkakayakap sa kasintahan.
"I have something for you." Kage whispered to her ear and kissed her cheek after. Lumingon naman ito sa lalake na may nagtatanong na mata. Kage just smiled and reached for his pocket. She's just watching him.
Kage took out a box and opened it for Mercy. "Happy birthday, baby." Kitang-kita ang pagrehistro ng saya at ngiti sa mukha ng babae nang makita ang regalo ng boyfriend. It's a gold necklace which has Mercy's name in it enclosed in a heart.
"Thank you, Kage. It's beautiful." Hinaplos ni Mercy ang kwintas mula sa lalagyan. Ngumiti si Kage at kinuha iyon para isuot sa leeg ng girlfriend.
"This is my heart. Keep it. Take care of it. Don't lose it." Bulong ni Kage habang sinusuot ang kwintas sa leeg ni Mercy. Napapangiti naman si Mercy sa narinig.
"I will." Nakangiting sagot ni Mercy nang hinarap ang lalake at ito na ang unang humalik sa labi nito.
The two have been together for almost four years already, known each other since they were 14. Nagsimula sa pagkakaibigan at nauwi sa mas malalim na pagtitinginan.
Matapos ang halik ay pinagmasdang maigi ni Mercy si Kage. Mahal na mahal niya ang lalake at natutuwa siya na nakikita niya ring mahal siya nito. Kage is a model and busy with his schedule but the guy never made her feel that she's only being taken for granted as his girlfriend. Lagi itong nandyan at may oras para sa kanya. She can already see the future with him. As a matter of fact, they have seen their future together. They have pictured it countless of times.
"We'll be graduating next year, maybe after two or three years from that, we can have our wedding." Kage told Mercy as they were cuddling on his bed. Tinignan ni Mercy si Kage ng may malapad na ngiti.
"Are you proposing, Mr. Samson?" Tanong ni Mercy ng nakataas ang kilay. Kage gave her a boyish grin and she find it so cute. Hindi napigilang pisilin ni Mercy ang pisngi nito.
"What if I am?" Kahit nakangiwi ay nakuha nitong itanong.
"You know what my answer would be Kage. Although I love you but we are still too young. Ask me again after two or three years then I'll definitely say yes." Nagkunwaring nasaktan ang lalake. He pouted like a kid. Natawa ng malakas si Mercy sa ipinakitang mukha ng boyfriend. Sa narinig na tawa ng babae ay laking pagpipigil ang ginawa ni Kage para hindi ito sabayan sa pagtawa. Her laugh has always been contagious. It's like a music, a song that you would wanna sing along to.
"I'll be counting the days as you say yes." Sabi ni Kage. Mercy grinned.
"Sure you can." And she kissed him for assurance.
Nasa school sila ngayon para sa enrollment nila. They are an upcoming third year student. As usual ay pinagtitinginan na naman sila ng mga tao. Halos nasanay na rin si Mercy sa mga tingin ng ibang tao or sa publicity dahil na din sa magulang niya and being Kage's girlfriend, people would really look at her, observe her and check her out from head to toe.
"Babe, look at your tarpaulin." Turo ni Mercy sa tarp na nasa labas kung nasaan ang mukha ni Kage nang nadaanan nila ito pauwi. Sumulyap din doon si Kage ngunit walang reaksyon. Sanay na siyang nakikita ang mukha kung saan-saan dahil na din sa trabaho niya as a model.
Nilingon nalang ulit ni Kage si Mercy, ngumiti at kumindat pa dito. "Gwapo ng boyfriend mo no?" Natawa ang babae sa ginawa niya at pabiro siyang sinampal ng mahina.
"Yabang mo. Mag drive ka na nga lang!" Nakangusong utos ni Mercy sa kasintahan ngunit ang totoo ay nagpipigil lang siya ng ngiti sa sinabi nito.
Dumiretso sila sa condo ni Kage pagkatapos sa school. Nagluto si Mercy ng paboritong pagkain ng boyfriend habang si Kage naman ay nanonood sa sala ng laro. Nang mainip si Kage sa pinapanood ay nagtungo ito sa kusina upang panoorin naman si Mercy. Naabutan niya itong naghahalo at nakaharap sa stove. Napangiti si Kage at dahan-dahang lumapit dito.
Mercy is so engrossed with cooking that she didn't notice Kage is already behind her. Napapitlag nalang siya ng maramdaman ang braso nitong pumulupot sa kanyang baywang. Nilingon ni Mercy si Kage para sana sitahin ito ngunit hindi niya nagawa dahil sinalubong siya nito ng isang matamis na halik.
"Kage..." Mahinang saad ni Mercy matapos ang naging halikan nila. Saad o daing, hindi niya maintindihan ang sarili.
Nakatingin lamang si Kage sa mga labi ni Mercy at hindi niya napigilan ang sariling angkinin ulit ang labi nito nang sambitin niyon ang kanyang pangalan.
"I love you so much that I can't wait for you to be mine." Bulong ni Kage kay Mercy habang hinahalik-halikan ang sentido nito nang nakahiga na sila sa kama.
"I'm all yours already, Kage." Sagot ni Mercy.
"I know but I want it official. I want to marry you so you'll be tied to me. So, I can be sure that you are only mine." Napangiti si Mercy sa narinig. Possessive man pakinggan ngunit gusto niya rin iyon dahil damang-dama niya ang pagmamahal sa mga salita nito.
"I will marry you, Kage, when the right time comes."
"Yes, you will. Maghihintay ako. You will be the only woman I'll marry and we will have ten kids together!" Natatawang hinampas ni Mercy si Kage sa dibdib. Okay na kasi, kinikilig na siya sa sinabi nitong siya lamang ang babaeng pakakasalan nito tapos ay bigla siyang tatakutin sa maraming anak.
Hinuli ni Kage ang kamay ni Mercy at iniharap ito sa kanya. He wants to seal his promise and also he just really can't get enough of her. Napangiti siya nang maramdaman ang pagtugon ni Mercy sa bawat paggalaw ng labi niya. Mahal na mahal niya ang babaeng ito, sure na sure siya doon.
BINABASA MO ANG
Stealing Love
General FictionIsang babae ang iibig at magiging makasarili hanggang umabot sa puntong kaya niyang manakit ng damdamin ng iba. Isang babae ang magnanakaw para lang sumaya. Lahat para sa pag-ibig na hindi kanya. Isang babae. Isang kabit. Isang malaking bakit. Ba...