SL36

4.7K 88 4
                                    

Napalunok ako at nang iangat ko ang mukha ko ay nakatingin sa akin sina Nay Martha, Loy at Jec. Binawi ko na lamang ang tingin ko at umupo sa stool doon saka pumikit.

"Gusto kita maging Papa! Galing-galing mo..." Tuwang sabi ulit ni Paige nang hindi umimik ni Kage sa huling sinabi niya. Lalo akong napapikit ng mariin sa narinig. Unang kita nila at ito na agad ang resulta. Ang anak ko na tinatawag na Papa ang totoo niyang ama.

Naisuklay ko ang dalawang kamay sa buhok ko hanggang sa batok. Ganito ba talagang maglaro ang tadhana...minsang pabigla-bigla at minsang mabilisan?

"Si-sige, ako na ang Papa mo." Nahihirinang sagot ni Kage. Tuwang tuwa naman si Paige sa narinig.

"Eli anak, uuwi na muna ako at may naiwan pa akong mga kakanin doon baka mapanis ang mga iyon. Ikaw na muna bahala kay Paige, babalik ako mamaya dalhan ko na kayo ng damit pangpalit. Kayong dalawa, sumama na din kayo sa akin umuwi na din muna kayo sa bahay niyo." Paalam sa akin ni Nay Martha at kausap niya kina Loy at Jec na agad ding sumang-ayon. Tila ito umiiwas at para bang nahuhulaan ko na ang gusto nilang mangyari. Ang maiwan kami ni Kage at makapag-usap.

Napabuntong-hininga ako at saka tumango.

"Nay, dala ka laruan." Ungot ni Paige kay Nay Martha nang marinig ang pamamaalam nito. Tumango lamang si Nay Martha, humalik kay Paige at saka umalis na kasama sina Loy at Jec.

Naiwan kaming tatlo doon, ang dalawa ay nag-uusap habang ako ay nakikinig lamang. At habang nakikinig sa pag-uusap nila ay may mainit na kamay na tila ba humahaplos sa puso ko.

"Meron ako Balbie pero isa lang..." Itinaas niya ang isang daliri. "...putol na paa tapos kalbo." Humahagikhik na kwento niya pa kay Kage na tila ba ipinagmamalaki pa iyong sira-sira niyang manika.

"Gusto mo pa ng maraming Barbie doll?" Agaran ang ginawang pagtango ni Paige sa tanong na ito ni Kage. Napatawa siya, maging ako man ay natawa.

"Sige, bibilhan kita ng marami!" Tuwang pahayag ni Kage habang si Paige ay nanggigilalas ang mukha sa narinig. Pumalakpak pa ito at masiglang bumaling sa akin.

"Mama, malami daw Balbie! Yehey! May kalalo na ako at si Julie!" Si Julie ang pangalan ng manika niya.

"Okay pero bago ka maglalaro di ba papagaling ka muna kaya tulog ka na ulit." Malumanay na sabi ko sa kanya. Sumunod naman siya at pinilit nang makatulog.

Wala pang sampung minuto ay tulog na agad ito. Pumunta ako sa kabilang bahagi ng kama nito at inayos ang kumot nito. Naiilang ako dahil ramdam kong nakasunod ang mata ni Kage sa bawat galaw ko.

Pinagmamasdan niya lamang si Paige. "She looks just like my sister when she was this age." Wala sa sariling bulong niya.

Kamukha ni Paige si Kahlia? Nabahala ako bigla...sana naman ay kamukha lang at hindi maging kaugali ng anak ko.

Bumuga ako ng hangin.

"Itanong mo na ang gusto mong itanong, Kage." Hindi ko siya tinignan, hindi ko kaya.

"Sa dami ng tanong ko sayo Eli, hindi ko alam ang uunahin itanong." Mahinang sabi niya.

"Simulan mo sa kung anak mo ba siya at sasagutin ko iyon ng oo." Ako na ang lakas loob na umamin. Hindi ko alam sa nararamdaman ko pero naninikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan siyang malungkot ngunit sabik na nakatingin kay Paige.

"Pero bakit mo sinabi sa sulat na hindi ako ang ama?" Medyo napalakas ang boses niya kaya napatingin sa amin ang ibang naroroon. Agad kong sinilip si Paige at nakahinga ng maluwag nang makitang mahimbing pa rin ang tulog nito.

"Para maging malaya ka sa responsibilidad mo sa anak ko nang lumigaya na kayo ni Mercy." Diretso kong sagot. Napatawa siya ng nanunuya saka matalim akong tinignan.

"Bullshit!" Matigas niyang saad. "You lied to me para lang palayain ako sa responsibilidad ko sa anak ko..." Ipinagdiinan niya iyon. "...o para ipagkait sa akin ang responsibilidad na iyon?!" Natahimik ako, wala akong maisagot dahil sa kabilang banda ay tama siya. Ginusto ko ding ipagkait sa kanya iyon.

"Kailan ko ba tinalikuran ang anak ko?! I stayed with you for her! I may not have loved you but I love the baby! I love the baby that it broke me when you said hindi ako ang ama...sa tingin mo sumaya ako sa ginawa mo?!" Sumbat niya sa akin habang pinipilit panatilihing mababa ang boses kahit alam kong gusto niya na akong sigawan. Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.

"I never...I-I didn't...I'm sorry." Mahina at naiiyak kong hingi ng tawad. Nakaramdam din ako ng hiya at lalong lalo na guilt sa ginawa ko sa kanya noon. I never saw it that way. I-I never thought that it would break him.

"Ang tanging alam ko noon magiging mas masaya ka kay Mercy than being stuck with me and the baby. I loved you so much that seeing you happy became more important than you being with me." Pinipigilan kong pumiyok ang boses ko dahil sa kung anong nakabara sa lalamunan ko habang sinasabi iyon. May masakit na naman at ngayon ay damang-dama ko na ulit iyon.

"Alam kong kaya mong gawin kahit na ano para sa bata at sa takot kong piliin mo pa din ang responsibilidad kaysa sa sarili mong kasiyahan ay kinailangan kong magsinungaling. I was doing it for you..."

"No, Eli...you were doing it for yourself para hindi ko kayo sundan at hanapin, para madali kang makalimot at para makaganti ka at saktan ako...alam kong nasaktan kita noon pero kailangan ba talagang anak ko ang kapalit?!" Gumaralgal ang boses niya, napahikbi na ako.

"Hindi..." Umiling-iling ako. "Hindi ko intensyon na saktan ka Kage gusto ko lang talagang makita kang masaya matapos ang lahat ng idinulot ng pagmamahal ko sayo." Humihikbi kong paliwanag. Wala na akong pakialam kung may nanonood at nakikinig sa amin.

Umiling din siya. "Even when you were trying to be selfless you were still being selfish, Eli..."

Stealing LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon