SL48

5.3K 71 4
                                    

"Ayaw talaga sa akin ng kapatid mo." Sumbong ko sakanya pero nakangiti ako. Ang totoo wala naman kaso sa akin iyon, hindi na bago, gusto ko lang sabihin.

"Hmmm, she'll eventually like you. Akala niya lang kasi ay sinisira mo ang buhay ko at pinipikot mo lang ako. Honestly, tingin ko nga ay magkakasundo pa kayo dahil pareho kayo ng ugali." Natatawa naman niyang pahayag. Umalis ako sa pagkakahiga sa dibdib niya at hinampas siya doon.

"Excuse me, hindi ako bitch, medyo lang." Depensa ko na lalo niyang ikinatawa. Hinapit niya ako sa kanya at niyakap ulit.

"Why do you always refuse to marry me? Ayaw mo na ba talaga sa akin?"

Tiningala ko siya at nginisian. "Nandito ba naman ako at hubad sa tabi mo kung ayaw ko na sayo?" Tumawa siya.

"Then why? I always thought na baka may ibang lalake." Napanguso ako dahil sa sinabi niya.

"Sinabi ko na sayo kung bakit di ba? Natakot nga kasi ako. Ikaw ha! Tingin mo talaga sa akin kalabiting babae no?!" Nagtatampo kong pahayag.

"No, I just...well, ang daming lalakeng nagkakagusto sayo. I know...because some of them are my friends, they say things na 'ang sarap mo' daw and others like that kaya hindi ko maisip na akin ka lang at na ako lang." Paliwanag niya. Ngumiwi ako. Kasalanan naman pala ng mga kaibigan niya eh kung makapagsabi ng masarap akala mo nakatikim na.

"Ang mamanyak naman ng friends mo! Pero ikaw naniwala ka naman agad sa mga sinasabi nila eh ni hindi ko nga kilala yung mga yun much more pa nakipagchuchu ako sa kanila."

"Chuchu?" Tinignan niya ako ng may namamanghang tingin. Tinaasan ko siya ng kilay. "You really are a prude. I'm glad na ako lang ang lalake sa buhay mo." Hinagkan niya ako sa labi. Nang mas umalab pa ang halikan namin ay lumayo na ako sa kanya. Kailangan pa naming makauwi dahil nga napunta nalang kami sa isang hotel.

"Why? Gusto ko ulit maramdaman kung gaano mo ako namiss." Aburido niyang reklamo.

"Mahapdi pa..." Pabebeng reklamo ko naman sa kanya.

"Talaga?" Tumango ako. Anong klaseng ngisi yan?

"So talagang there are no other guys? Just me?" .

"Ewan ko sayo, paulit-ulit ka naman." Tumayo ako at hinila kasama ang comforter. Naiwan siya doon na puting cover lang ang tumatakip sa katawan. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin dahil sa hitsura niya. Hotshit!

"Miss, balik ka na dito." Parang batang ungot niya pero hindi ko siya sinunod, pinulot ko ang mga damit namin sa sahig at inayos iyon sa paanan ng kama. Tumayo na din siya kaya napatingin ako sa kanya na hindi man lang talaga nag-abalang magtakip ng katawan.

Naglakad siya papunta sa akin kaya naman ay napaatras ako sa kaba. Ngumisi siya ng makita ang ginawa ko, nang humakbang siya ulit ay tumakbo na ako papunta ng banyo. Tumili ako ng naabutan niya ako bago pa man ako makapasok.

Naabutan naming nanonood ng cartoons si Paige nang makarating kami sa bahay ng gabi.

"Mama...Papa!" Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sofa at sabik na sabik na yumakap kay Kage.

"Papa, where's my balbie doll?" Singil nito sa ama na ikinatawa ko. Hindi talaga nito nakakalimutan kapag may nangangako dito.

"Sorry baby but Papa wasn't able to buy you the doll." Napasimangot si Paige. "What do you say, punta tayo ng mall tomorrow to buy para ikaw ang pipili ng gusto mong doll?" Agad na bawi naman ni Kage na nagpalis ng simangot ni Paige.

"Talaga Papa?! Pwede din ako lalo doon sa mall?" Tumatalon talong tanong nito.

"Opo, anything for my baby." Hinagkan ni Kage ang tuktok ng anak. Napangiti ako sa nakikita. "Hmmm, and then for dinner doon tayo sa bahay ng grandparents mo." Wika nito sa anak tsaka ako tinignan ng nakangiti.

Oh. Ipapakilala na niya si Paige kina Tito and Tita. I'm excited din but I remembered na nandoon sila kanina sa room at narinig nila lahat ng sinabi ko. I feel ashamed.

"Ano pong iniisip, miss?" Tanong ni Kage habang hinahaplos ang ulo kong nakaunan sa dibdib niya. We are sleeping in his room, sabi niya dun na daw ako matutulog from now on. Okay lang naman sa akin.

Huminga ako saka nagsalita. "Nakakahiya kina Tito and Tita, they saw and heard everything kanina. Iniisip siguro nila ngayon na...masama akong anak for despising my own father and for wishing that he dies and rot in hell."

"At least you know..." Natatawang pahayag niya. Kinurot ko siya sa tagiliran. "Aw! I was only kidding. Don't worry 'cause you know what?"

"What?" Tanong ko.

"I think they understood. You made it clear for everyone kanina kung bakit ka galit na galit kay Tito Zeke and I also think that no one should blame you...even Tito Zeke doesn't blame you." Yumakap ako ng mas mahigpit sa kanya.

"He doesn't really have the right to blame me after all." Ani ko.

"Hindi mo ba talaga siya mapapatawad?" Agad akong umiling bilang sagot sa tanong niya.

"Hindi na nga ata kailanman. Every memories I have of what Mama and I've been through reminds me of why I should hate him. Kailangan ko atang magkaamnesia to forget all of them."

"That deep huh?" Pahayag niya.

"Oo kasi dala-dala ko pati ang sakit na hindi nagawang ilabas ni Mama noon sa kanya. Maybe if she's alive, magagawa ko pang magpatawad pero lahat ng pwedeng rason para patawarin siya ay pawang mga imposible na."

"I understand but maybe if you give him a chance, get to know him you'll find something that's worth forgiving for." Natawa lamang ako sa sinabi niya.

"Bakit talagang pinupush mong patawarin ko siya? Iba nalang ang pag-usapan natin."

"He is still your father, miss."

"But he had never been a father to me, Kage. You have no idea how many birthday wishes I wasted on wishing for him to go home, how many school activities I looked for his face in the crowd, or how I wished to see him kahit sandali lang." Parang may nagbara sa lalamunan ko pero nagpatuloy ako dahil this is my sentiment as a daughter at hindi lang basta isa sa mga taong iniwan niya.

"I got my wish one day, nakita ko nga siya sa dyaryo kasama ang ibang babae, they were at a party, he looked so happy. Can you imagine how I felt? I felt like shit. I felt what Mama probably felt, na hindi ako sapat but I still continued hoping na mageexplain siya at babalik siya sa amin. He's gonna be a father to me again. If Mama did hide me kaya hindi niya ako mahanap, he could have hired the best people with his money para mahanap ako lalo pang mahirap lang naman kami. There's really nowhere to hide but a small tent. I saw on the news nung debut ni Mercy how he called her anak and it fucking hurts na nagagawa niyang tawagin ang ibang tao ng anak habang yung totoong anak niya naghihintay na tawagin niya ulit nun." Suminghap ako dahil hindi na ako makahinga ng maayos sa pinipigilang emosyon.

"Maraming beses na pinatawad ko siya noon Kage at maraming beses din akong umasa na babalik siya para humingi ng tawad pero ni isang beses doon walang Ezekiel na dumating." Mapait na ngumiti ako.

"Ubos na lahat ng patawad ko sa dami ng pagkukulang niya sa akin bilang ama at lalong nawala lahat ng respeto ko sa kanya bilang tao ng mamatay ang Mama. She was the only thing na matatawag kong pamilya pero nawala siya dahil hindi dumating si Ezekiel para tulungan akong ipagamot siya kasi nasa Amerika siya para samahan ang anak niyang si Ford manood ng isang stupid basketball game. Ironic na he was so busy with his family life that he actually forgot his real family." Nauwi ako sa pagtawa sa gitna ng pag-iyak. Hinayaan niya akong umiyak ni hindi na siya nagkomento pa ulit.

Stealing LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon