Kanina ko pa hindi nakikita si Kage matapos kaming pormal na ipakilala as engaged couple sa buong pamilya nila.
"Nakita mo ba si Kage?" Tanong ko kay Van nang madaanan ko ito. Umiling siya.
"Hindi, baka naman nakikihalubilo lang sa mga bisita." Sagot ni Van sa akin.
"Okay sige hanapin ko lang ulit siya." Wika ko at umalis na para hanapin ulit si Kage. Baka nga kausap lang ang ibang kamag-anak.
Naglakad pa ako at nalibot ko na ata ang buong garden ng hindi pa din ito nakikita. Naiinis na ako.
"Are you looking for my brother?" Tanong ni Kahlia na nakalapit na pala sa akin. Nakangisi siya at mukhang may alam na hindi ko alam. Mukha rin itong natutuwa.
"Yes, have you seen him?" Kalmado kong tanong sa kanya. Wala ako sa mood makipagtalo dahil pagod na ako.
Lumapit pa ito sa akin, malapit na malapit at bumulong. "He's with the one he truly loves and it's not you, slut." Matigas na bulong niya. Lumayo siya sa akin ng nakangisi. Pinangunutan ko siya ng noo.
"See it for yourself by the fountain." Wika niya at saka umalis na ng may tagumpay na ngiti.
Nagdududa man sa sinabi ni Kahlia ay sumunod pa din ako. Tinakbo ko ang distansya papunta sa may fountain sa kabilang dako ng garden. Nanginginig ako.
--------------Third Person's POV
"Mahal kita pero ang sakit-sakit na Kage! Papakasalan mo ba talaga ang babaeng yun? Nangako ka sa akin na tayo ang magpapakasal eh. Tayo! Hindi kayo!" Sumisigaw na sumbat ni Mercy kay Kage na tinatanggap lamang ang lahat.
"She's pregnant, Mercy, at ipapalaglag niya ang bata kapag hindi ko siya pananagutan. Mahal kita pero kailangan ako ng anak ko. Masakit din sa akin ito Mercy...sobra." Nasapo ni Kage ang kanyang mukha. Tahimik na umiiyak pareho dahil sa sakit na dulot ng sitwasyon.
Lingid sa kaalaman nila ay may isa pang taong nasasaktan habang nakikinig sa kanila...si Eli na nagtatago sa likod ng isang malaking halaman. Pinagmamasdan ang paglapit ni Mercy kay Kage, paghawak nito sa mukha ng lalake at pagpunas ng luha nito.
"Iintindihin ko. Naiintindihan ko. Tatanggapin pa din kita kasi mahal na mahal kita. Maghihintay ako sayo Kage basta ipangako mong babalik ka sa akin." Umiiyak at tila nagsusumamong sabi ni Mercy habang nakatingin sa mga mata ni Kage. Lumapit pa si Mercy upang halikan ang mga labi ng lalake.
Umalis na si Eli bago pa man makita ang paglapat ng mga labi ng dalawa.
-----------------Eli's POV
Tulalang naglakad ako pabalik sa kung nasaan nagkakasiyahan ang mga bisita. Nakita ko pa ang nakakalokong tingin ni Kahlia sa akin ngunit balewala nalang sa akin iyon. Wala akong maramdaman na kahit ano.
Nagdire-diretso ako papasok sa bahay.
"Eli, saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Yna ng makasalubong ko ito sa daan palabas.
"Pagod na ako, Yna. Gusto ko na magpahinga." Tanging sagot ko sakanya.
"Okay. Ako na ang bahala sa mga bisita niyo." Nakakaunawang wika niya. Tumalikod na ako at nagtungo sa guest room sa taas.
Umupo ako sa gilid ng kama. Akala ko pagdating ko dito sa kwarto ay makakaiyak na ako pero hindi. Walang luhang gustong lumabas. Wala na akong maramdaman kundi pagod. Totoo ang sinabi ko kanina. Pagod na nga ako...pagod nang makihati ng pagmamahal.
Ang gusto ko lang naman ay mahalin niya rin ako. Gusto ko lang maramdaman na may nagmamahal sa akin matapos ang mahabang panahon dahil unti-unti ko nang nakakalimutan ang pakiramdam ng may nagmamahal. Pero maling-mali...
Nakalimutan kong hindi nga pala hinihingi ang pagmamahal, kusa itong ibinibigay. At lalong hindi ito ninanakaw.
Hinaplos ko ang impis ko pang tiyan. "Anak, sorry. Ngayon palang magsosorry na ako sayo dahil pagod na si Mama. Pasensya ka na anak ha. Sana paglaki mo hindi mo ako sisihin sa mga desisyon ko ngayon. At ito lang ang tatandaan mo 'nak, hinding-hindi ko hahayaang maranasan mo na manghingi ng pagmamahal. Kakayanin natin ito, samahan mo lang si Mama." Hinging paumanhin ko sa anak ko because I've made up my mind.
Kanina ng marinig ko si Mercy nang sabihin niya kay Kage na iintindihin niya at hihintayin niya ito ay may napagtanto ako. Mahal na mahal nga nila ang isa't isa at sino ba naman ako para hadlangan iyon? Napakasama ko talaga. Marami na ang nagpapamukha sa akin kung gaano ako kasing sama pero nagbulag-bulagan ako. Ginamit ko pa ang anak ko para gawin iyon. Napakamakasarili kong tao, iyon siguro ang dahilan kung bakit walang nagmamahal sa akin. Tanggap ko na.
"Oh hija, gising ka na pala. Sumabay ka na sa amin magbreakfast." Magiliw na pagyaya sa akin ni Tita. Nakita ko ang pag-irap ni Kahlia at ang pagtitig ni Kage sa akin. Naupo na ako at agad naman akong inasikaso ng mga katulong.
"Maaga kang umakyat kagabi, hija. Napagod ka ba?" Tanong naman sa akin ni Tito. Nag-angat ako ng tingin at una kong nakita si Kahlia na nakangisi ng nakakaloko sa akin. Alam niya kasi ang dahilan ng maaga kong pag-akyat.
"Opo medyo nahilo na din po kasi ako. Pasensya na po kung hindi ko na naasikaso ang mga bisita." Hinging paumanhin ko bago ibinalik ulit sa pagkain ang atensyon ko.
"Ayos lang yun pero kaya mo bang asikasuhin pa ang kasal niyo? Baka lalo kang mapagod at makasama ulit sa apo ko." Nag-alalang wika ni Tita.
"Mom, let her do it. Kaya niya naman yan. Buntis lang siya pero hindi siya invalid." Mataray na sabi ni Kahlia.
"Yes, Tita. Kahlia is right. Hindi naman po iyon nakakapagod masyado." Pagsang-ayon ko bago pa magalit si Tita sa sinabi ni Kahlia.
"Kage, tulungan mo nalang si Eli. Next week na ang kasal niyo at kailangan madaliin ang lahat." Utos naman ni Tito kay Kage na kanina pa tahimik lamang.
"Dad, I'm busy with pictorials and school requirements for graduation. Hindi ko pwedeng isingit sa schedule ko yan. Kaya niya na yan. I already hired wedding planners na din naman." Pagdadahilan ni Kage ngunit halata naman na ayaw lang talaga nitong asikasuhin ang kasal namin dahil ayaw nito sa akin.
"Oo nga po Tito. Ako na pong bahala tsaka magpapatulong nalang din ako sa kaibigan ko, kay Yna." Nakangiti kong tugon.
"Alright. Kung hindi lang sana kami pupunta ng Tito mo sa Malaysia, I would've loved to help you with the preparations." Nanghihinayang na pahayag ni Tita, nginitian ko ulit ito para iparating na okay lang. Narinig kong umingos si Kahlia sa sinabi ng Mommy nila.
Nang matapos ang breakfast ay umakyat na ulit ako sa kwarto ko. Naligo ako at nag-ayos para sa lakad ko ngayon.
"Hey slut, akala ko pa naman aalis ka na after what you saw last night. Ang lakas talaga ng kapit mo kay Kuya, para kang linta!" Nang-uuyam na sabi ni Kahlia nang magkasalubong kami sa hagdanan.
"Please Kahlia, ayokong makipagbangayan sayo." Nagpatuloy ako sa pagbaba ngunit nahawakan niya ang braso ko at pinigilan ako.
"Bago yan ah! Come on, wala na naman sina Mom and Dad, you can stop pretending na." Nang-iinsultong tumawa siya pero binalewala ko na lamang. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin at umalis na.
--------------
Hello! If ever you are reading this note, you know how much I appreciate you for reading this story as well. :)
BINABASA MO ANG
Stealing Love
Ficção GeralIsang babae ang iibig at magiging makasarili hanggang umabot sa puntong kaya niyang manakit ng damdamin ng iba. Isang babae ang magnanakaw para lang sumaya. Lahat para sa pag-ibig na hindi kanya. Isang babae. Isang kabit. Isang malaking bakit. Ba...