Everything is going well even after several days already...
Okay na ang relasyon ko with Kahlia, we are starting to bond over some stuffs. Noong una ay pinag-aasar pa ako ni Yna tungkol doon at pinagpipilitan niyang imposible daw mangyari na bumait ang taong ipinanganak na maldita. Napapailing nalang ako sa tindi ng galit niya pagdating kay Kahlia, tinalo pa ako kung makapagreact.
So...I decided to invite her with us in our bonding dates. Hayun at nagkasundo din ang dalawa after going out twice. Ngayon nga ay mukhang mas close pa sila. Madalas din naming kasama sina Jec at Loy. I finally have a bunch of people to call group of friends.
"So ano palang desisyon mo? Hindi ka na babalik sa La Union? Dito ka na mag-aaral?" Tanong sa akin ni Loy nang magkita-kita kami isang hapon. Our training is coming to an end. 20 hours nalang ata ang kulang doon. Naisip ko na din naman iyon lalo pa at pinasunod na ni Kage si Nay Martha dito sa Manila.
"You can enroll in my school Eli then we can be classmates!" Tuwang turan ni Kahlia. Oo nga pala at graduating na din siya this year pero iba naman ang course namin.
"Gaga, magkaiba kaya kayo ng course." Ani Yna. Ngumuso at umirap naman si Kahlia. Hindi pa din naaalis ang pagtatarayan at bangayan nila paminsan-minsan but most of the time friendly banter na lang din naman ang nagaganap.
"What? Malay mo we'll be classmates in some subjects! You are just inggit!" Pang-aasar na sagot naman ni Kahlia.
"Who's inggit?! Me? Inggit sayo? Excuse me! Why would I be? Graduate na ako kaya ikaw ang naiinggit!" Mataray na sabi ni Yna.
Nasapo ko ang noo. Here we go again...
"Hep! Hep!" Seryosong awat ni Loy sa dalawa.
"Hooray!" Sagot naman ni Jec doon. Napatingin kami lahat sa kanya ng nakangiwi. Ang corny!
"Tigilan niyo ang pagtingin sa akin ng ganyan. Ang papangit niyo." Tinignan kami ni Jec ng may pagmamalaki. Lalo kaming napangiwi.
"Eh kung sapakin kaya kita?! Kami pa ang tinawag mong pangit ha! Ang kapal mo." Singhal ni Yna sa kay Jec na ikinatawa naming lahat.
"This is why I can't decide! Mamimiss ko ang kapal ng mukha ni Jec sa klase eh." And it's true talagang nakakamiss ang mga kabaliwan niya sa klase lalo na kung nagiging boring na iyon.
Nagpatuloy ang kwentuhan naming lahat. Napunta iyon sa status nina Van at Yna na todo ang pang-aasar na inabot galing kay Kahlia. Hanggang sa napunta doon sa photographer na hinahangaan ni Loy at ang pinakanatagalan kaming topic ay iyong lalakeng nagugustuhan din ni Jec.
"Alam mo yun? Ang lagkit niya tumingin lagi sa akin?" Maarte at nangingisay na kwento ni Jec.
"Baka naman kafederacion mo iyon ha!" Pangbabara sa kanya ni Loy. Siya lamang ang nakakakilala doon sa lalake maliban kay Jec at ang sabi pa niya ay may hitsura daw iyon yun nga lang ay parang malambot din ang puso.
"Wala akong pake. Lumapit lang talaga siya sa akin at magyaya, papatulan ko siya. Ang yummy niya tingnan! Keber na kung beks din." Nagtawanan kami sa naging sagot ni Jec.
Nagtatawanan kami nang mahagip ng paningin ko ang parehang papasok sa restaurant. Nakatingin sila sa akin pareho at naglalakad patungo sa table namin.
Shit...what are they doing here?!
"Tita...Ford!" Gulat na sambit ni Kahlia at nakita ko pa ang pamumula ng pisngi niya ng tignan siya ni Ford.
"Eli..." Mahinang tawag sa akin ni Aida. Tinignan ko siya ng may blankong ekspresyon. "Please sumama ka sa amin sa hospital." Pinagtaasan ko siya ng kilay saka ngumisi.
"Inatake si Papa at ikaw ang dahilan, wala ka man lang bang pakealam?!" Igting ang mga panga at mariing pahayag ni Ford. Binalingan ko siya at siya naman ang nginisian.
"Kung sabihin ko sayong wala, anong gagawin mo?" Narinig ko ang pagpigil sa akin ni Kahlia at Yna na magsalita pa. Nakita ko din na mas umigting ang panga ni Ford sa galit sa sinagot ko.
"Ford" Pigil ni Aida sa anak nang makita kung paano na ito napipikon sa pagbabalewala ko. "Eli, sana puntahan mo siya. He wants to talk to you and explain. Sana pakinggan mo siya this time. Sana mapatawad mo ang Papa mo kahit huwag na ako. It's for your own peace of mind too." Yun lang at tumalikod na ito sa amin kasama ang anak. Napataas ang kilay ko nang hinabol ni Kahlia si Ford at nang bumalik siyang nakasimangot.
"So, ikaw at si Ford?" Malisyosang tanong ko. Tumawa ang tatlo at nakiusyoso na din kay Kahlia. Sumimangot siya sa amin.
"Shut up!" Angil niya saka sumimangot lalo at umirap. Nagtawanan kaming apat sa ginawa niya. "You kasi!" Napamaang ako ng naiinis na tinuro niya ako. Tinuro ko din ang sarili ko.
"Anong ako?" Natatawa ako.
"You make him pikon ayun tuloy pati ako sinungitan na naman!" Nakabusangot pa rin ang mukhang pahayag niya. Tumawa lamang ako saka umiling. Ako pa ang sinisi eh para namang natural nang masungit iyong Ford na iyon.
Nakahiga ako sa dibdib ni Kage at tahimik na pinapakinggan ang pagbagal ng tibok ng kanyang puso. Hinahaplos niya ang aking ulo.
"Kinausap ako ni Aida kanina nasa hospital daw si Ezekiel." Wika ko habang gumuguhit ng paikot sa kanyang dibdib.
"Hmm..I know, she asked me where you are." Sagot niya kaya tiningala ko siya ngunit bumaba din agad ang tingin ko at nanatili akong tahimik. May parte sa aking gustong puntahan si Ezekiel. Hindi na naman ako galit, tapos na kung anuman ang mga nangyari noon at wala na akong magagawa pa para baguhin iyon. Siguro sapat nang malaman niyang wala na akong galit sa kanya kaysa sa hinihingi niyang patawad na sa ngayon ay imposible kong maibigay.
"Gusto ko siyang puntahan, Kage pero natatakot akong hindi ko na naman makayanan ang sarili ko at sumbatan ulit siya." Mahinang anas ko at lalong sumiksik sa kanya. Niyakap niya naman ako ng mas mahigpit.
"You want me to be with you pag pinuntahan mo siya?" He asked and I looked up at him directly in the eyes.
"Will you? Pigilan mo ako kapag nagiging harsh na naman ako, pwede ba yun?" Tumawa siya pagkatapos ay hinalikan ako sa labi at noo.
"Pwedeng-pwede. Now let's sleep pupuntahan natin siya bukas okay? I love you, miss." Malambing niyang bulong sa may noo ko.
"Thank you. I love you too, Kage." Pumikit na ako at sinubukang matulog.
BINABASA MO ANG
Stealing Love
General FictionIsang babae ang iibig at magiging makasarili hanggang umabot sa puntong kaya niyang manakit ng damdamin ng iba. Isang babae ang magnanakaw para lang sumaya. Lahat para sa pag-ibig na hindi kanya. Isang babae. Isang kabit. Isang malaking bakit. Ba...