"Buntis ka ba?" Seryoso ang pagkakatanong nun ni Yna. Tinignan ko siya pero agad akong naduwal ulit. Shit! Habang naduduwal ay inaalala ko ang mga nakalipas na araw. Madalas ang pagkahilo ko at pagsusuka. Noong una ay akala ko dahil lang iyon sa pagod dahil sa dami ng gawain kasi malapit na ang finals, sumabay pa ang trabaho at sa mga kinakain ko pero ngayong nagtanong si Yna ay nagkaroon ako ng ibang ideya.
"Ano, Eli? May nangyari sa inyo ni Kage di ba? Mahigit isang buwan na ang nakakalipas." Seryosong seryoso pa din siya. Pumikit ako at sumuka ulit. Naramdaman ko ang mainit na likido sa aking pisngi. Umiiyak ako sa nangyayari sa akin ngayon.
Nang humupa iyon ay nanatili pa rin akong nakasalampak sa sahig habang pinupunasan ang bibig ko. Paano nga kung buntis ako? Isang beses lang iyong nangyari ngunit hindi imposible.
"Yna..." Humihikbi kong sambit nang tignan ko siya. Nasa mukha niya ang pagkadismaya.
"Tangina..." Pumikit siya at huminga ng malalim. "Sabi na eh! Ano ang gagawin mo ngayon kung buntis ka nga? Ha? Ni sarili mo nga hirap na hirap kang buhayin tapos..." Huminga ulit siya ng malalim para kalmahin ang sarili. Patuloy lang ang paghikbi ko. Naramdaman ko ang pagluhod niya sa tabi ko at ang kanyang yakap. "Eleanor, I'm sorry. Tutulungan kita okay? Huwag kang mag-alala. Nandito lang ako." Pagpapatahan niya sa akin.
Nang gabi ding iyon ay bumili si Yna ng pregnancy test kit para malaman namin kung buntis nga ba ako.
"Two lines..." Nanghihinang sambit ko.
"Oh my God! Three kits at lahat iyon positive." Gulat na gulat pa rin niyang sabi. Pabagsak na naupo ako sa kama. "Huy, mag-ingat ka naman sa pag-upo! Buntis ka, ayan o! Positive pa nga!" Suway niya sa akin na inilalahad pa sa harapan ko ang mga PTKs. Naiinis na hinawi ko ang mga iyon, ang dumi dumi tapos ilalapit niya sa mukha ko.
Paano na ako ngayon? Paano ang bata? Tama si Yna, sarili ko nga hirap pa akong buhayin tapos ngayon magkakaanak pa ako. I should do something about this.
Nang gabing iyon ay tulog na tulog pa rin ako sa kabila ng lahat ng nangyari at problema.
Pinagmamasdan ko si Kage mula dito sa classroom namin, nasa field siya at naglalaro ng football.
I need his help on the baby. Hindi ko kayang buhayin ang bata ng mag-isa. Ayokong maranasan niya ang hirap na dinadanas ko ngayon kung kaya namang ibigay ng ama niya ang lahat.
"Kage, pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko sa kanya nang maabutan ko siya sa may parking lot. Nilingon niya naman ako, basa pa ang kanyang buhok at halatang bagong paligo. He looks so fresh.
"We have nothing to talk about, we're done talking." Tinalikuran niya ako kaya ay hinabol ko siya ngunit nang makalapit ay naamoy ko ang kanyang ginamit na sabon. Ayoko ng amoy nun. Nakakahilo at nakakasuka ng amoy. Lumayo ulit ako sa kanya upang maiwasan ang maduwal. Ayaw kong magkalat dito kung saan makikita ng lahat.
"Kage, please..." Pagmamakaawa ko.
"No, Eli. Ayoko nang makipag-usap sayo! Walang kwenta lang naman ang mga sasabihin mo. Ano? You will only tell me how I should leave Mercy and love you. My answer remains the same. No...kaya tigilan mo na ako!" Naiinis na wika niya nang nilingon ulit ako.
"I am pregnant." Pahayag ko sa nanginginig na boses. Natigil siya sa paglakad, gulat ang hitsurang hinarap niya ako.
"What?" Parang hanging lumabas iyon sa bibig niya.
"Buntis ako, Kage." Ulit ko. Umiiling siya.
"Hindi. The baby can't be mine." Sabi niya na hindi pa din makapaniwala. Umiiling siya, pahina ng pahina rin ang kanyang boses at habang nagsasalita siya ay nasasaktan ako ng sobra sobra pero nanatili ang matapang kong mukha.
BINABASA MO ANG
Stealing Love
Fiksi UmumIsang babae ang iibig at magiging makasarili hanggang umabot sa puntong kaya niyang manakit ng damdamin ng iba. Isang babae ang magnanakaw para lang sumaya. Lahat para sa pag-ibig na hindi kanya. Isang babae. Isang kabit. Isang malaking bakit. Ba...