"Welcome to Prescott University!" Malakas na sigaw ni Yna nang tumapat kami sa mismong gate ng eskwelahan.
"Oy Eli, si Kage o!" Malakas pa ring sigaw nito sabay turo sa malaking tarpaulin na hanggang ngayon ay nakapost sa pader ng university.Hinampas ko ang kamay niya na nakaturo doon sa hiya dahil pinagtitinginan kami ng mga dumadaang estudyante.
"Tumahimik ka nga, ang ingay mo! Nakakahiya! Tara na, pumasok na tayo!" Hinigit ko siya papasok.
Naglalakad na kami sa corridor ng isang building. Ang sabi ni Yna ay puro offices lang itong building na ito at ang room ng first class ko ay nasa may kabilang dulo pa.
"Malayo pa ba tayo?" Tanong ko nang mapansing dalawang building na ang nalampasan namin. Dito kitang-kita ko ang malaking field, mas open kasi ang building na ito kaysa sa dalawa kanina.
"Dun pa ang building mo." Itinuro ni Yna ang halos pangatlo pang building galing dito. Nakikita ko iyon na nakaharap sa field.
"Parang mas mabilis kung sa field tayo maglalakad?" Patanong kong turan. Nakakadrain naman ito ng energy buti nalang kumain kami ng almusal kanina.
"Pwede, pero kasi itotour pa din kita sa cafeteria, library at student's lounge tsaka dadaanan din natin yung building namin para alam mo kung san ako hahagilapin." Nakangiting wika nito na tila ba excited maging tour guide, sabagay kaya nga ito kumuha ng tourism dahil iyon naman ang hilig niya.
Hinayaan ko na lang siya itour ako sa buong campus kahit na ang iba ay mukhang obvious na naman dahil bulag nalang ang hindi makakakita sa naglalakihang pangalan ng gusali. Bago pa kami makarating sa building ko ay nagkapaltos na ako sa paa. Kung bakit ba naman kasi nagpadala ako dito kay Yna sa pagsuot ng heels, pwede ngang kahit sandals eh. May nakita ako kaninang nakasandals at hindi lang isa kundi marami!
Nang makarating kami sa tapat ng room para sa first class ko ay mayroon pang sampung minutong natitira bago mag-time. Umalis naman agad si Yna dahil may kikitain pa daw itong kaibigan. Pumasok na ako at naupo sa unahan dahil ayoko sa likuran, masyado kasi akong mabilis madistract ng kung anu-anong bagay. Sa tapat mismo ako ng table ng prof sa gitna pumwesto.
"Hi, ako nga pala si Crystal." Pakilala sa akin nung katabi kong babae sa kanan ko, medyo chubby siya pero maganda. Ngumiti ako at nagpakilala na rin. Nag-uusap kaming dalawa nang umingay ang buong room. Sabay naming nilingon ang dahilan noon at nalaglag ang panga ko nang makita si Kage na nakaupo sa katapat kong upuan sa kabila ng gitnang aisle.
Pinagkakaguluhan siya ng mga kaklase naming babae. Ang iba ay humihingi pa ng autograph para sa isang magazine. In fairness sa kanila, handa sila at may props pa. Paanong alam nila na classmate namin ito? Kung alam ko lang edi sana dinala ko rin yung magazine ni Yna na may cover nito! Echos lang!
Echos daw pero may katotohanan! Pagkontra ng isang bahagi ng utak ko.
Ipinilig ko ang aking ulo at tinalikuran na ito para hindi na ako mukhang baliw na kinakausap ang sarili.
"Sikat talaga siya no?" Si Crystal. Ha? Sino kausap nito? Ako ba? Eh hindi naman sa akin nakatingin kundi kay Kage. Hindi ako umimik dahil baka hindi ako ang kausap, malay ko bang may tao nga sa likod ko, kahit feel kong wala, o kaya ay kausap din niya ang sarili? I can't interfere with their conversation. That's being impolite.
Natigil din naman agad ang gulo nang dumating ang prof. See? Sabi ko na kay Yna dadating ang prof eh, pinapag-absent niya ako dahil hindi naman daw madalas pumasok ang professor lalo na pag first meeting. Ugali talaga nun, first meeting ito kaya nga dapat papasok sila para magpakilala. Baliw yun!
Pagkaayos nito ng mga gamit sa mesa ay agad itong nagtawag ng mga pangalan ng estudyante para sa attendance.
"Very good. Almost complete attendance and even Mr. Samson is here on our first day. Mr. Samson kindly tell them how many absences I tolerate in my class before I give a grade of FA." Napatingin ako sa kay Kage at nakita itong pasimpleng umirap. Lahat nalang ng gawin ang gwapo pa din. Muntik na akong mapabuntong hininga kung hindi lang sabay na bumuntong hininga ng malakas si Crystal at ang babaeng nasa likod ko. Kunot noo namang lumingon sa banda ko si Kage at tumitig sa akin na para bang ang weird ko. Umiwas ako ng tingin at naupo ng maayos.
Damn it! Akala ba niya ako ang malakas na bumuntong hininga? Oh my gosh! Hindi ako iyon! Pero useless ang depensa ko dahil sa isip ko lang iyon kayang masabi.
"Three absences." Matamlay at seryosong sagot ni Kage nang bumaling ulit sa matandang prof. Nakita ko din ang tila gigil na pagtangis ng kanyang mga bagang.
Oo nga pala, bakit siya nandito? Ang alam ko ay ahead siya ng 2 years sa akin. Ilang sandali pa ay napagtanto kong siguro ay bumagsak si Kage sa subject na ito dahil sa attendance? Hindi iyon malayo lalo na kung busy ito bilang model.
"Yes, that's right. You are allowed only three absences. Three late comings are equal to one absent. So because of that, I'll be checking the attendance regularly. Class, attendance is very important to me and it's also 15% of your final grade." Nagsimula ito magsulat sa white board ng mga percentage.
Gusto kong magtaas ng kamay dahil kanina pa ako hindi mapakali dito. Nakapikit matang itinaas ko ang kanang kamay. Nang humarap ito ay nais ko sanang bawiin iyon dahil sa kaba ngunit huli na.
"Yes, miss?" Taas kilay nitong tanong sa akin at pailalim akong tinignan sa kanyang salamin. Ramdam kong nakatingin lahat sa akin at iniisip nila na ang tanga ko para istorbohin pa ito dahil unang kita pa lang ay malalamang strikto ito.
"Sir, I believe you forgot to introduce yourself to us." Kagat labi kong sabi. Lalong tumaas ang kanyang kilay. Dumausdos din ako pababa sa aking silya. God! Sabi ko na nga ba, wrong move ang ginawa ko. What a stupid stupid idea, Eli! Paepal ka talaga kahit kailan!
"At last someone noticed, very good observation skills, miss...?" Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya at nang ngumiti siya sa akin.
"M-Miranda po." Nauutal ko pang sagot dahil sa hindi pagkapaniwala. Tumango ito at nagtungo sa kanyang mesa at may isinulat doon sa isang page ng dala niyang malaking notebook. At saka siya bumaling sa white board at isinulat doon ang pangalan habang nagpapakilala. Doon na ako napabuntong hininga ng malakas dahil sa relief na nadama. Nakita ko ang paglingon ulit ni Kage sa banda ko.
Ngumiwi ako. Shucks! Oo na! Ako na ang bumubuntong hininga ng malakas huwag mo nalang ako tignan na parang ang weird ko.
BINABASA MO ANG
Stealing Love
General FictionIsang babae ang iibig at magiging makasarili hanggang umabot sa puntong kaya niyang manakit ng damdamin ng iba. Isang babae ang magnanakaw para lang sumaya. Lahat para sa pag-ibig na hindi kanya. Isang babae. Isang kabit. Isang malaking bakit. Ba...