SL30

4.7K 81 4
                                    

"Kailan mo balak ipakilala kay Kage si Paige?" Tanong niya. Kinakabahang tumawa ako.

"Bakit ko kailangan ipakilala yung dalawa?" Kunwaring nagtataka kong tanong.

"Dahil mag-ama sila? Duh!" Obvious na saad niya. Patuyang tumawa ako para itago ang aking kaba.

"Hindi nga si Kage ang ama." Katwiran ko.

"Gaga, lokohin mo ang lola ko baka sakaling maniwala din sayo pero huwag ako. Si Kage ang ama ni Paige at sigurado ako dun! Hindi ka naman pakawalang babae...kay Kage lang." Nakataas kilay na pahayag niya. Gusto kong maiyak sa sinabi niya. Tumawa nalang ako ng mahina sa kabila ng namumuong luha.

"Buti ka pa ganyan ang iniisip tungkol sa akin. You know, maybe despite what I told him, I was hoping Kage will never believe that the baby wasn't his but he did. Naniwala agad siya at alam kong he felt relieved na wala nang hadlang sa kanila ni Mercy." Kibit balikat kong pag-amin.

"Kaya hindi mo nalang ipapaalam ang tungkol sa anak mo? Ganon ba?" Titig na titig lang siya sa akin. "Eli, alam kong wala ako sa lugar para pagsabihan ka dahil alam ko ang hirap na pinagdaanan mo noon pero hindi ka ba nagiging unfair sa anak mo at kay Kage niyan?" Kinuha ko ang inumin ko at pinaglaruan ang straw noon.

"Eli.." Tawag pansin niya sa akin. Napabuga ako ng hangin.

"Alam ko naman iyon, Yna." Mahinang pag-amin ko. "Pero natatakot akong kapag nalaman niya ang tungkol kay Paige kunin niya sa akin ang anak ko. Hindi ba mas unfair naman na kukunin niya sa akin ang anak ko tapos ano, masaya pa siya kasama si Mercy...paano na naman ako? Natatakot akong maiwan ulit mag-isa, Yna." Malungkot kong wika. Yumuko ako at pinaglaruan ko ulit ang inumin ko. Tumigil na rin naman siya. Natigilan na lamang ako nang maramdaman na niyakap niya ako at pinunasan ang pisngi ko. Umiiyak na pala ako. Ganito na ba talaga ako kamanhid?

Maya-maya pa ay bumalik kami doon sa loob ng building para balikan sina Loy at Jec. Ihahatid na daw kami ni Yna, pinilit niya pa ngang sa condo niya na lang ako tumuloy pero tinanggihan ko na. Sosyalin ang gaga may condo na. Mas maigi nang kasama ko pa din sina Loy at Jec. Tuwang-tuwa naman ang dalawa na may maghahatid sa amin ngayon at hindi namin kailangan makipagsiksikan sa bus.

"Pwede bukas ulit ihatid mo kami?" Hirit ni Jec nang makababa na kami kaya siniko siya ni Loy sa sikmura.

"Nakakahiya ka!" Sita ni Loy. Natawa lamang kami ni Yna.

"Don't worry, this isn't the last then let's hangout pa if you guys are game." Nakangiting sabi ni Yna na ikinatili ng dalawa dala ng excitement. Nakakatuwa sila dahil agad naman silang nagkasundong tatlo, naaliw pa nga si Yna sa dalawa. Paanong hindi eh magkakasingbaliw silang tatlo...

"Eli, pahingi pala ng number mo para I'll text or call you nalang ulit."

"Ay, yung number nalang ni Jec wala akong phone." Nakita kong nalaglag ang panga ni Yna sa narinig.

"You don't have a phone?! Kahit yung cheap one lang? Gosh Eli!" Maarteng bulalas niya. Tumawa na lamang ako at kinuha na kay Jec ang numero nito saka ibinigay kay Yna.

Kage's POV

"Dude.." Tinapik ako ni Van sa braso bilang pagtawag niya kaya naman ay nagtatanong na tinignan ko siya. "You seem out of it. Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" Tanong niya.

"Sorry dude. I'm just preoccupied lately." Pag-amin ko saka uminom ng alak. Nandito kami sa pad ko at dito namin naisipang mag-inom.

"Preoccupied? Hmmm...let me guess, babae ba yan?" Nakangising tanong niya ngunit hindi naman ako umimik...mukha siyang may alam dahil sa ngisi niya.

"Alam mo dude, bago ulit yan ha. Matagal ka nang walang problema sa babae dahil masyado kang loyal kay Mercy...and ngayong nagbalik na naman si Eli bumabalik din ang problema mo." Napatingin ako sa kanya mula sa pagkakatitig ko sa pader.

"Paano mo nalamang bumalik na si Eli?"

"Nakabangga ko siya sa building mo and nagkausap kami." Pagkwento niya. Natahimik ulit ako. Simula noong dinala ko si Eli sa infirmary at iniwan siya doon ay hindi ko na ulit siya nakita. Umiiwas ako pero parang maging siya ay umiwas na din.

"Do you think may balak siyang manggulo ulit?" Tanong ko nalang sa kanya kahit wala naman siyang alam.

"Sa totoong lang...hindi ko alam." Natatawang sagot niya. "Pero sa nakita ko sa kanya, masaya siya. If that means anything then it means masaya na siya ng wala ka so bakit niya pa kayo kailangan guluhin, di ba?" Napaisip ako sa sinabi niya at dapat matuwa ako doon pero pakiramdam ko ay lalo lamang akong naguluhan.

"Buti pa siya masaya." I don't know what took over me that I was able to say this. Epekto siguro iyon ng alak at ng pait nito.

"You sound bitter, dude." Pinagtawanan niya ako ngunit bigla rin siyang natigilan sa kanyang sinabi. "Why are you bitter!?" Gulat na tanong niya sa akin.

Am I? Ano nga ba ang hindi ko matanggap?

"Yes, I am bitter!" Mahinang pag-amin ko. "Paano niya nagawang maging masaya matapos niyang sirain ang buhay ko noon? Isinuko ko ang lahat pati ang pagmamahal ko kay Mercy para sa bata na akala kong akin tapos malalaman kong niloko niya lang ako?! Nasira ang relasyon namin ni Mercy dahil doon, Van! And until now, sira pa din. She can't trust me fully anymore."

"So it all comes down to you and Mercy still but have you thought na baka hindi na kasalanan ni Eli ang sitwasyon niyo ngayon? Na baka nasainyo nalang ni Mercy ang mali dahil hindi niyo magawang magpatawad...o kaya naman huwag niyo nalang pilitin na ayusin ang matagal nang sira." Natigilan ako sa lahat ng sinabi niya. Bumaon lahat iyon sa akin. Mahal ko si Mercy pero aaminin kong hindi na ako masaya. Palagi naming pinipilit ibalik ang dati naming relasyon na dumating sa puntong nagsawa na akong subukan. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko dahil pinipilit kong maging isang perpektong boyfriend sa kanya.

Maybe Van is right, we were so busy fixing things that we actually forgot how to be real.

"Minsan kasi Kage, ang akala nating tama ay mali na pala. You don't feel miserable when in love cause if that's how you feel then maybe you should stop and let go." Tinapik niya ako sa balikat saka tumayo at nagtungo sa kusina.

Stop and let go? Is that what Eli did? Is that why she's happy now dahil she let go of the thing that made her miserable...her love for me.

Kami ni Mercy...

Alin nga ba talaga ang mas mahal namin, yung isa't isa o yung ideya na minahal namin ang isa't isa ng sobra?

Stealing LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon