third person pov
halos na libot nan i Mia ang buong lugar pero hindi parin niya nahanap si Zeria .
"asan ka na ba Zeria " lakad takbo ang ginawa niya pero hindi pa rin niya makita si Zeria.
"ahh may nakita kabang babaeng hanggang ganito ang taas niya tapos naka suot ng balabal ?" tanong niya sa batang naka upo sa gilid ng kalsada habang naka indian seat.
"Po? yung may puti pong buhok?" sabi nito habang napa kamot sa ulo nito.
"Oo siya nga! nakita mo ba siya ? san siya pumunta?" hinawakan ni Mia sa balikat ang batang lalaki .
hoh sana ok kalang princesa Zeria ' isip niya
"nakita ko po siyang kinuha ng mga bandido mula sa Arestris "
napatigil naman si Mia sa narinig
'Arestris ?" bulong niya
"ate ayus lang po ba kayo? Nako ate pasensiya na po kung hindi ko siya na tulongan ang lalaki po kasi nila at ang liit ko lang po"
ngumiti ng tipid Si Mia at tumayo
" wag kang humingi ng pasensiya sakin , alam mo ba kung asan ang Arestris?" tanong niya
"Opo ate! gusto niyo po samahan ko kayo?" nakangiti nitong sabi sabay tayo ,
napa tawa nalang si Mia bago tumango
"Sige"
naunang mag lakad ang bata kaya hindi niya nakita ang pagbabago ng ekpresyon ni Mia .
Arestris... umangat ang sulok ng labi niya habang walang emosyon ang kanyang mga mata.
hindi talaga kayo nag bago.. malas niyo lang at siya pa ang nakuha niyo .
"Ate tara napo!"
ngumiti si Mia bago humarap na parang natural lang bago maglakad.
"ate dito po ang kuta nila"
nag tatago sila ngayun sa lumang pader habang naka silip sa hindi kalakihang Bahay , may mga bantay ito sa paligid .
"ate.."
hinarap ni Mia ang bata sa gilid niya
" bakit? " hindi niya pala alam ang pangalan niya , mamaya ko na siguro siya tatanongin.
" pwedi ko po kayong tulungan.." habang naka tingi nsa kanya .
" mapapahamak ka lang bata , salamat sa tulong mo" ginulo niya ang buhok nito bago tumingin ulit sa bahay .
" ate kaya ko po silang patumbahin" sabi nito habang nakangiti .
napa ngiti nalang si Mia.
" pano naman ? " alam niya na may tinatagong kakayahan ang batang to dahil hindi ito nag panic kanina. ngumiti ito sa kanya bago tumingin sa mga bantay , naka titig lang siya kaya napa kunot ang noo ni Mia dahil sa ginawa nito
Anong gagawin niya ? ; tanong niya sa isip niya
nagulat nalang siya ng bigla nalang bumulagta ang mga bantay sa labas.
"heheh ate may kakayahan po akong gumawa ng illusion sa kahit sino basta nasa loob sila sa lugar ko"
" Lugar? " takang tanong ni Mia
" Opo , pag naka pasok po ako sa isip nila don po ako gagawa ng lugar utak nila bago ekokontrol ang isip nila para malaman ko ang kinatatakotan nila"
BINABASA MO ANG
Unwanted Princess
FantasyNakatulala Kong tiningnan ang katawan niyang unti unting bumabagsak sa harapan ko... What's happening? Why I'm here? I saw how he smile to me.. "W-ake up Zeriana" I stopped at what he said I approached him while trembling. Why is this happening...