chapter 36

859 27 0
                                    

ZERIANA POV

"Halimaw ka!"

" pinatay niya ang kapated ko!!"

"bakit pa siya nabuhay dito"

Anong nangyayari? bakit ang init ? sinubukan ko igalaw ang katawan ko pero hindi ko magawa ,  ano bang nangyayari?
nilibot ko ang paningin ko sa paligid madaming tao , galit silang naka tingin sakin. 

Sila kuya ? asan sila kuya

" patayin ang malas na yan! "

" kamatayan!! "

gulong gulo ko silang tiningnan,Bakit ako nandito? anong ginagawa ko dito?

Sa kisap mata lang nakatayo ako sa sirang palasyo habang hawak ang itim na ispada, may nagtatakbuhan habang takot na nakatingin sakin, napatingin ako sa hawak kong ispada may dugong tumutulo doon kaya nabitawan ko ito. napa atras ako dahil sa takot , may mga bangkay din akong nakita na nagkalat. tatakbo na sana ako ng magbago ulit ang paligid ko.

pero ngayun nakikita ko ang sarili ko na  puno ng dugo habang may hawak na ispada , may nakita din akong lalaking nakaluhod ... bakit parang familiar siya.. nagulat ako ng makilala ko kung sino yun .
K-kuya Z-zack ..

A-anong.. pabalik balik akong nakatingin kay Kuya Zack at sa sarili ko.

No .. hindi ako yan.. hindi.. hindi ko kayang saktan sila kuya!  Sinubukan kong humakbang pero parang pinako ang paa ko sa lupa dahil hindi ko ito magalaw , sinubukan ko rin mag salita pero walang lumabas na boses sa bibig ko.

Nagulat ako ng lumingon siya sakin habang naka paskil ang nakakatakot na ngiti sa labi niya, n-nakikita niya ko?  inangat niya ang ispadang hawak niya at sinaksak si kuya dahilan para sumuko ito ng dugo.

No... napailing iling ako at pumikit , H-hindi , hindi ko kayang saktan sila kuya . Panaginip lang to .. tama panaginip lang.   Minulat ko ulit ang mata ko , bumungad sakin ang walang emosyon niyang mata na parehong pareho sa mata ko.

"W-who are you ! " lakas loob kong tanong pero ngumisi lang siya sakin dahilan para mas lalo akong natakot.

"Kill them Zeriana... all of them"     sabi niya bago nawala.

Pero bago siya tuluyang maglaho nakita ko ang Itim na paruparu na naka patong sa balikat niya..

Black butterfly.... why I felt i saw that before...

"no ...please don't hurt him " 

"Zackius!"

"gago lumaban ka ng patas!!"

bigla nalang may  boses akong naririnig sa ulo ko at ang mga pangyayaring hindi ko alam na nangyari pala samin ..


CYSTAL POV

nagising ako dahil sa uhaw , ganito talaga ako nagigising lang dahil sa uhaw. tiningnan ko muna si Zeriana na mahimbing na natutulog bago tumayo .

"May dala naman sigurong silang tubig dito"  nagsasalita lang ako dito mag isa habang  kinakalkal ang bag na dala nila Vin.

"Ayun!" 

ininom ko agad ang nakita kong tubig sa bag ni Blaize , hindi naman siguro yun magagalit .pagka tapos kong uminom pumasok agad ako sa tent para matulog , pahiga nako ng biglang gumalaw si Zeriana , para siyang nahihirapan kaya tinapik ko ang pisngi niya mahina lang naman noh hindi naman ako tulad ni Raven na babatuhin ka ng gamit magising kalang.

"Ze.. oyyy ayus kalang?" mas lalo kasi siyang nag likot at makikita din  sa mukha niya na takot siya. saan naman siya matatakot? .

tinapik ko ulit siya pero no effect parin. ano gagawin ko dito?

"Ze oyy"   ayaw niya parin magising , pero bakit ang likot niya , ganito ba to matulog? grabe naman .

"K-kuya.." paos na sambit niya , miss na ba niya kuya niya .. pero mali ehh para siyang takot na iwan hindi kaya binabangungut to? 

Pano ba to gisingin? nag linga linga ako, ng may makita akong maliit na plastic bottle, pwedi na to .

Itinaas ko ang plastic saka ng bilang ,

One

two

three 

*PAAAKK!*


nagulat ako ng bigla siyang bumangon at sinakal ako  , ang higpit ng sakal niya sakin kaya nabitawan ko ang plastic .

"Z--Ze...*cough*"  nanlilisik lang ang mata niyang nakatingin sakin , nahihirapan nadin akong huminga kaya hinawakan ko siya sa kwelyohan niya at inalog.

tang*na mamamatay ako nito ehh sana pala hindi ko nalang siya pinalo sa ulo. Medyo lumuwag ang pagkakasakal niya sakin hindi na din  nakakatakot ang mata niya.

"A--ayus kana ba *cough*" hinawakan ko ang liig ko at hinimas himas yun , ang sakit grabe.pero naka tingin lang siya sakin na nagtataka sabay tingin sa kamay niya at sakin.

"C-cystal....? " siguro na realized niya ang ginawa niya bigla nalang siyang umiyak.

"S-Sorry .. I'm sorry *sob*" 

"Ayus lang ako .. ano ka ba ang h-hina lang kaya ng sakal mo" sabi ko sa kanya at inalo siya , pero joke lang yun ang lakas niya manakal promise.

" I'm sorry *sob*"   niyakap ko siya at hinumas himas ang likod niya.

" sabi ko ayus lang ako ..   ako dapat ang mag sosorry noh  pinalo kita" totoo naman kung hindi ko siya pinalo eh di sana hindi siya magigising at mananakal .

naramdaman kong bumigat ang katawan niya , tulog pala , hiniga ko siya st kinumutan .  nakakatakot siya kanina.. hindi ko mga makita ang Zeriana kilala ko sa kanya.hyssst kasalanan ko to ehh bakit ba kasi ginaya ko si Raven yan tuloy..

















Unwanted Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon