Nakarating na sila sa parking lot ng university pagka't may pasok silang dalawa. Habang abala aa pagtanggal ng seatbelt si Krimp ay panay naman ang pagnguso ni Calix. "Where's my kiss?" he pouted.
"Nasa school tayo. Ano ka ba"
"I don't care. Tsaka...." luminga linga siya sa paligid wala namang tao pa.
"walang tao babe, please? Para naman gana~~" hindi na niya ito pinatapos sa pagsasalita agad niya itong sinunggaban ng halik.
Nang bumitaw si Krimp sa labi nito, pinitik niya ang noo nito."Ang dami mo pang sinasabi, tara na malalate na tayo." sumilay naman sa mga labi ni Calix na kinikilig ito dahil sa wagas ito kung ngumiti.
Naunang bumaba ng kotse si Krimp sumunod naman ay si Calix nang makarating sila sa loob ng university, napansin ni Krimp na panay ang tingin sa kanyang gawi ang mga babaeng studyante tila ba kakainin siya nito ng buhay, ngunit pinagwalang-bahala niya na lang ito at diretso lamang ang tingin niya sa paglalakad. Ang iba nama'y rinig niya ang walang humpay na kilig at tilian ng mga babae dahil sa angking kagwapuhan taglay ni Calix.
"Maiwan na kita. Text me when you're class is over." tumango naman si Krimp bilang pagsang-ayon.
Lalakad na sana siya pakaliwa ng tinawag ulit siya ni Calix. "Wait..." humarap naman ito at lumingon naman agad sa gawi ni Calix.
Lumapit ito ng bahagya sa tenga ni krimp at bumulong. "I love you, babe." pilyong saad niya sabay ngising tumalikod sa kanya.
Pinigil niya ang sariling hindi kiligin, tumalikod siyang nagmadaling maglakad patungo sa building ng senior high. Isa siyang grade twelve student habang si calix naman ay kasalukuyang nasa third year college kaya magkalihis sila lagi kapag binabaybay ang bawat room nila.
Pagdating niya ng room ay wala pa ang instructor nila para sa unang klase. Habang papalapit siya sa kanyang inuupoan katabi ni Hailey ay napansin niyang panay ang titig nito sa kanyang gawi.
"Kanina ka pa?" tanong ni Krimp habang inilapag niya ang mga libro niyang dala.
"Kakarating lang rin."
Luminga linga si krimp sa mga kaklase niya na nakatitig sa kanyang gawi. "Bes? may dumi ba sa mukha ko? bakit kung makatitig sila sakin. Ang weird, may nagawa ba akong mali?"
"Hello, syempre wala no, sadyang nangingibabaw lang ngayon ang ganda mo." pang-aasar niya kay Krimp.
"Hailey, ano ba pinagloloko mo na naman ako."
"Sadyang tinawag mo na talaga ako sa pangalan ko ha, aishh fo na tayo." saad niya na pakunwaring nagtatampo.
"Hindi bagay sa'yo gumanyan."
"Hay, oo na teka." kinuha niya ang phone nito sa bag sabay ipinakita ang myday ni Tam sa ig account nito.
"I can't wait, i miss you already Krimp, see you sooner." nakalagay sa myday ni P'tam na nakalagay ang litrato nilang dalawa.
"Ano naman problema dyan, bakit big deal sa kanila ehh kaibigan ko naman yun. Natural lang na maramdaman niya iyun."
"Bes, alam mong hindi ganito dati si Tam, kitang kita ko kung paano ka itrato ni tam highschool pa lang tayo."
"Magkakasama tayong tatlo. Pinagkakaguluhan ang isang tulad ni P'Tam. Sino ba namang hindi magkakagusto dun, diba? Sa ngayon, nakakapanibago lang sa kung paano ka niya ngayon pinapahalagahan. Alam kong alam mo na ang sagot." nag-aalinlangan na tumango si krimp.
"Alam kong may tinatago ka sakin, na dapat sinasabi mo na sakin ngayon. Inaantay lang kitang kusang sabihin iyun sakin." seryoso niyang saad.
Napaayos si Krimp ng kanyang pagkakaupo, at napatingin sa kung saan. "Um, later ikwento ko sa'yo." ani ni krimp sabay ibinaling ang tingin kay Hailey. Sakto namang dumating ang instructor nila kaya nagpokus na sila sa pakikinig.
Paglipas ng apat na oras ay natapos na ang kanilang klase para sa umaga. "Let's eat, my treat.
"Ay tara, yan ang gusto ko kainan agad." napangisi naman si Krimp dahil simula pa lang napakatakaw na ni Hailey kahit hindi naman ito tumataba.
"Tara na" higit niya kay Krimp papuntang canteen.
"Ikaw na bahalang pumili ng makakain natin."
"Eto,eto, eto tsaka eto." pili niya sa menu.
Ilang minuto lang ay nasa mesa na nila ang mga pagkaing inorder ni Hailey. Kitang-kita naman sa mga mata nito na takam na takam sa pagkain.
"Abala lang ako sa pagkain bes, pero sa chika mo makikinig ako." saad nito habang puno ang bunganga ng pagkain.
"Aaminin kong....... Lihim kung nagugustohan si tam, kahit na kaibigan lang ang turing niya sakin, tanggap ko yun. Patuloy ko siyang gugustuhin hanggang sa mapagod ako at hanggang sa mawala yung nararamdaman ko para sa kanya. Hanggang sa umabot na tuluyan akong napagod at tinanggap ang katotohanang hindi kami para sa isa't-isa.
Ngunit nakatagpo ako ng lalaking matagal ko nang nakakasama, simula pagkabata siya na ang tanging kasama ko. Sa sandaling iyon doon ko napagtanto na hindi ko lang nagugustuhan si Calix kundi mas minamahal ko na ang buong pagkatao niya. Sa parte ni Tam na realized ko sa huli na magkaiba ang gusto mo lang sa mahal mo na, sa huli pagiging magkakaibigan na lang namin ang mahalaga sakin ngayon at wala ng iba.""Hay, tumpak ka dyan. Swerte mo kay Calix napakahot, gwapo at yummy, para siyang isang karakter sa libro na kagigiliwan ng lahat. Yung luluhuran, papakasalan." saad nito na inaasar si krimp.
Pinagdasahan naman ng masamang tingin ni Krimp si Hailey. "Okay, chill." saad nito na iniangat ang dalawang palad nito.
"Let's eat. puno na yang bunganga mo tapos nakukuha mo pang dumaldal" nginitian lang siya nito habang ngumunguya ng pagkain.
to be continue...
BINABASA MO ANG
Friends to Lovers (COMPLETED)
RomanceIto ay BL story, na naglalaman ng mga mature contents, kung hindi ito angkop o hindi para sa'yo wag mo nang tangkain pang basahin. DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT THANK YOU!