A year passed, sa wakas gagraduate narin si Krimp sa highschool at si calix naman ay graduate bilang pagtatapos sa college.
"Bes, graduate na tayo." saad ni Angel habang kaharap sina krimp at tam, tuwang tuwa siyang itinaas ang suot nito sa ulo. "Kahit anong mangyari kung saan kayong university doon rin ako, kahit syempre magkaiba yung courses na gusto natin."
"Napakadaldal mo, halika nga let's take a picture." hila ni krimp kay angel.
Nasa gitna nila si Angel habang si krimp ay nakaakbay kay angel at si tam naman ay nakahawak sa bewang ni Angel.
Sa kalagitnaan ng pagiging abala nila sa picture taking ay sumulpot si calix na suot parin ang toga at may hawak ng isang bouquet of flowers na ikinahinto sa kanilang ginagawa.
"Oh pak... panalo na ang ate ko. Haba ng hair oh. Go na." saad ni Angel na tila naiingit at nasisiyahan para sa kaibigan. Binalingan naman niya ng tingin si tam na tila nag iba ang timpla ng mukha dahil nakabusangot ito na kanina lang ay malapad ang ngiti nito dahil sa saya.
"Anong mukha yan?" pang-aasar ni Angel kay tam.
"Tsssk. Wag mo nga kong pansinin."
"Asus, maging masaya ka nalang para sa kaibigan natin."
"Masaya naman ako para sa kanya, sadyang hindi ko lang maiwasan na...."
"Na ano?"
"Hay, dami mong tanong."
"Krimp, calix maiwan muna namin kayo ni tam. Mag enjoy kayo sa moment niyo ngayong araw, este bilang isang graduate na." saad ni angel habang nakatingin kay tam na tila nang-aasar.
Tumango lang si krimp. "Congrats to the both of you." saad ni calix at naki pag shake hands sa dalawa. "Congrats rin sa'yo bro." ani ni tam.
"Sige maiwan na namin kayo." hatak niya kay tam at kumaway naman si krimp habang papalayo ang dalawa.
Habang palabas si Angel at Tam sa may bandang hallway ay nakita nila si Franky ang kanyang pinsan at si Dryl na magkasama na parang hindi mapaghiwalay sa sobrang dikit ng isa't-isa. Lumapit sila rito at binati nila ang bawat isa, at ganung inalis din kaagad. "Let's go, mag celebrate naman tayo." Ani ni Angel kay tam. "Sa dami ng makakasama bat ikaw pa ngayon, kain ka ng kain, gastos ka eh." saad ni tam habang napatawang magpaumunang nagtungo sa parking lot.
"Wala lang choice." saad ni angel habang hinabol niya si tam na kinaltukan, napuno ng asaran ang dalawa hanggang sa makarating sa kanilang pupuntahahan.
"Oh, Mom's calling." ani ni calix dahil sa patuloy na pagtunog ng kanyang cellphone.
"Oh hello mom, we're graduate na. Sayang at hindi ka nakapunta. Look." pinakita ni calix ang mga certificates nilang dalawa marami lamang kay krimp na tila hinakot na ata lahat ng certificate.
"I'm so proud to the both of you. Pasensya na mga anak, hindi ako nakauwi sa mismong araw ng graduation niyo. Babawi ako. Surprisa nalang ang pagdating ko. Miss niyo na ba ako?" ani ng mom ni Calix na si Yuri.
"Of course Mom, Yes Tita Yuri sobra." sagot nilang dalawa.
Isang linggo lang ang lumipas ng graduation nila ay darating na si Mrs Yuri. "Babe, sunduin ba natin mamaya si tita sa airport?" malumanay na tanong ni krimp habang tinitigan sa mukha si calix.
"Oo naman, tayong dalawa ang susundo sa kaniya mamaya kaya magpalakas ka, para maisama kita mamaya sa pagsundo kay mommy " malumanay na tugon naman ni Calix habang dahan dahan niyang kinurot ang mapupulang pisngi ni krimp kahit na may sinat ito.
"excited na akong makita si tita, gustong gusto ko na siyang mayakap" malumanay na saad ni krimp habang nakangiti, "excited narin akong makita siya baby, kay habang panahon na ang lumipas." malumanay na saad ni calix habang bahagyang nakangiti. Hindi na umimik si krimp, bagkus sinubsob niya ang mala anghel niyang mukha sa bandang tiyan ni calix niya habang bakas ang labis na kasiyahan at kagalakan ang siyang namumutawi sa mala anghel niyang mukha.
BINABASA MO ANG
Friends to Lovers (COMPLETED)
RomanceIto ay BL story, na naglalaman ng mga mature contents, kung hindi ito angkop o hindi para sa'yo wag mo nang tangkain pang basahin. DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT THANK YOU!