"Simula ngayon dito kana sa loob ng kwarto ko matutulog." sinserong saad ni Calix habang dala dala ni Krimp ang unan galing sa mismo nitong silid.
Nakahiga sila habang kayakap ang isa't isa. Nakasubsob ang kanyang maladiyosang mukha sa matipunong dibdib ni Calix. "Maaga pa, hindi pa ako inaantok babe." ani ni Krimp.
"Kwentuhan nalang kita hanggang sa makatulog ka." pagtango naman ang naging tugon ni krimp.
"Noong unang kita ko sa'yo nun sa Amusement Park ng Gwaseiland. Siguro hindi mo na maaalala yun pero ako nakatatak parin sa puso't isipan ko ang mukha mo. Ang saya mo nung mga araw na iyon, sa murang edad ko, ng makita kita naramdamang kong gusto na kita, gusto kong makilala't maging kalaro at maging kaibigan mo. Habang masaya ka nun sa pagsakay sa kabayo na nakaalalay sayo ang Mom mo, hanggang sa napatingin ka sa akin habang ako nun ay nakangising pinagmamasdan ka. Ngunit tinawag ako ng Mom ko sapagkat may mahalagang appointments silang pupuntahan kaya di na kita muling nasilayan. Ilang taon ang lumipas tanda ko parin ang mukha mo at dumating ang oras na hindi ko aakalaing makikita kitang muli palabas ako nun ng gate ng bumaba ka ng kotse habang palakad papasok sa kalapit naming bahay. Mas lalong ikinatuwa ko iyon dahil may tsansa na akong maging kaibigan ka't makilala. Nung una nahihiya ako pero ginawa ko parin para maging kaibigan mo hanggang sa tumagal para bang hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko saiyo. Nang nangyari ang trahedya sa buhay mo inisip ko na ipaampon ka nalang ni Mommy dahil wala ka nang kamag-anak na iba at nasiyahan naman ako dahil sa wakas bawat minuto araw araw makakasama na kita. At roon naliwanagan ako sa nararamdaman ko ngunit natatakot ako baka hindi ako tanggapin mo at ni Mom kaya pinili ko paring itago ang lahat dahil ayaw kong mawala ka sa akin. Kaya dahil dun ginawa ko ang mga bagay na akala ko makakalimutan ko tong nararamdaman ko araw araw mga layaw ginagawa ko, mga paglalasing, babae. Akala ko makakalimutan kita sa ginawa ko pero mas lalo lang lumala, mas minahal kita ng husto."
Hindi na napigilan ni Krimp tuluyang napahikbi ito dahil sa lahat ng nalaman niya at pagbanggit ni Calix sa magulang niya. Bigla namiss niya ang magulang niya.
"Umiiyak ka ba? Sorry nabanggit ko pa. Wag kang mag alala, ikaw at ikaw lang ang mahal ko kahit nagawa ko dati yun, mula ngayun lalayo na'ko sa mga bagay na ikakasakit mo, pangako. Iloveyou." Pinahiran niya ang mga luhang umagos sa mukha ni Krimp.
"Tahan na, sorry babe. I love you." Hinalikan niya ito sa noo.
"Namiss ko bigla si mama at papa. At ngayon mayroon akong ikaw sana wag ka ring mawala sa akin. Dahil hindi ko kakayanin. Wag moko iiwan kahit anong mangyari. Promise me?" hikbi nito.
"Pangako, hindi kita pababayaan. Kahit man ayawan tayo ng lahat. Kahit pag malaman ni Mom ang tungkol sa namamagitan satin hinding hindi kita iiwan. Gusto kong makasama ka habang buhay, gusto kong kasama ka sa pagtanda, mamahalin kita hanggang sa huling hantungan ng buhay ko. I love you Krimp."
"Kahit na hindi kita mabigyan ng anak?" sabi nito nang humihikbi.
"Kahit hindi, dahil ikaw lang naman ang gusto kong baby sa buhay ko."
"I love you Calix" napalingon ito kay Calix at marahang sinakop nila ang labi ng bawat isa't, naging matindi at mapusok ang bawat galaw, hanggang sa pinagsaluhan nila ang gabi na puno ng pagmamahal.
BINABASA MO ANG
Friends to Lovers (COMPLETED)
RomanceIto ay BL story, na naglalaman ng mga mature contents, kung hindi ito angkop o hindi para sa'yo wag mo nang tangkain pang basahin. DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT THANK YOU!