Warning 🔞
Araw ng Biyernes, naging abala ang bawat studyante, naging mas dumarami ang mga tao sa kanilang unibersidad dahilan sa magaganap ang larong laban mula sa ibang unibersidad.
Varsity player si Calix, tampok ang kanyang pangalan mapa saan mang lugar o unibersidad dahil sa kanyang angking galing pagdating sa larong basketball, hindi maikakaila na talagang kinatitilian siya ng kababaehan.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Samantala habang abala si Krimp sa pag tutor ng studyanteng nasa junior highschool. Bukod kasi sa pag-aaral niya nagiliwan niyang maging tutor, dahil ayaw niyang lahat iasa ang kanyang pangangailangan sa ina ni Calix, gusto lang rin niyang maging independent na tao na kaya na niyang tumayo sa sarili niyang mga paa.He was late. He keep staring on his watch. Napansin ito ng kanyang studyanteng tinuroan niya. "What's wrong, senior?"
he respond. "I forgot I have something to attend to."
"Oh. No problem po, you can go now po senior, next meeting nalang ulit."
"Okay, thank you Janine. I have to go, bye."
~~~~~~~~~~~~~~~~~
Habang naglalakad siya palabas ng library, sa lawak ng university ay nagmadali siyang maglakad papunta nang basketball court ng college department.While walking, he suddenly called her friend on the phone. "Hello bes, saan ka?"
"I'm on my way papuntang college department, why where are you too?"
"Papunta rin ako, teka nakita na kita." saad niya habang kinakawayan ang kaibigan.
"Sino naman ang papanoorin mo, bukod sa pinsan mo?" saad nito habang magkakrus ang balikat.
"Asus, you know me bes, mga yummy hot boys." pabiro niyang sagot.
"Loka loka." tawanan nila.
"Ehh ako alam ko na kung sinong sadya mo,. Ang poging crush ng lahat, except sakin. Jowa mo na eh kaya ekis nako dyan." humagalpak ito ng tawa. Tumango naman si Krimp bilang pagsang-ayon.
"Wow bes, napakasuportive jowa naman niyan. Ganda ha, alagang nadidiligan ni Calix." walang alpas nitong pang-aasar kay Krimp.
"Ano ka ba? yung bibig mo talaga walang pinipiling lugar kung makabulyaw ka dyan, haynaku." malumanay niyang sabi habang sapo sapo ang noo.
Magsasalita pa sana ang kaibigan nang may lumapit sa kanilang harapan. It's P'Tam "Hi, Krimp can I treat you outside once I won this game?"
"Sorry, but I have a lot of work to do."
You don't have to say no."Sunduin kita mamaya, l'll text you later, bye." saad nito habang napakindat.
Pagtingin niya sa kaibigan tila nangungusap ang mga mata nito na kailangan ng panibagong kwento na naman. "Alam ko na yang mga titig mo, di ka talaga hihinto kapag walang nalalaman sa buhay ko."
"Aba'y buti alam mo."
"Oo na, later ikwento ko. Tara na pumasok na tayo."
Walang pasubali umupo agad sila sa unang palapag ng mauupuan. Marami nang mga tao ang nasa loob iba't ibang mukha dahil galing sa ibang university ang makakalaban. Nagtagpo naman agad ang kanilang mga mata.
CALIX POV.
Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang game, natutuliro siya sa kakalingon kung bakit wala pa si Krimp. Kaya ng kanyang mahagilap si Krimp ay tila nabuhayan ang kanyang damdamin sa labis na saya dahil sa wakas nariyan na ang kanyang lakas.
Nang magtagpo ang kanilang mga mata ay pareho silang nagpalitan ng ngiti.
BINABASA MO ANG
Friends to Lovers (COMPLETED)
RomanceIto ay BL story, na naglalaman ng mga mature contents, kung hindi ito angkop o hindi para sa'yo wag mo nang tangkain pang basahin. DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT THANK YOU!