Chapter 33

399 3 0
                                    

CALIX POV.
(Continuation)

Napatigil sa paghakbang ang mga taong nakakita kay calix , napatitig silang lahat sa binata habang bakas ang labis na awa at pag alala ang siyang namumutawi sa kanilang mga mukha, ang iba'y napailing-iling na lamang na halos tila mapaiyak dahil sa makikita na lugmok na lugmok na sa kalungkutan si calix dahil sa labis na sakit na halos hindi na niya alam ang gagawin.

"Kawawa naman ang binatang iyon parang wala sa katinuan, siguro subrang bigat nang pinagdaanan niya, at hindi na niya nakayanan kaya siya nagkaganyan, nakakaawa naman." sabi pa ng isang babaeng dumaraan.

"Hay! buhay nga naman, hanggang nabubuhay ang tao hindi talaga tatantanan nang problema, mawawalan ka lang nang problema kapag mamatay kana, katulad nang binatang yan, dapat sa edad niya, magpakasaya siya pero mukhang tinamaan siya nang pagsubok at hindi niya nakayanan."

"Sana sa sitwasyon niya, mayroong miyembro sa pamilya niya ang mag comfort sa kaniya at magsabi sa kaniya na maging okay lang ang lahat, ang hirap kasi sa ibang magulang, minsan tinuon na ang atensyon sa trabaho at hindi nabigyan nang oras ang kanilang mga anak, katulad nang binatang yan sana sa pagkakataong ito, nandiyan ang mga magulang niya para mag comfort sa kaniya, para magsabi sa kaniya na okay lang ang lahat "

"Sa panahon natin ngayon, iilan sa mga magulang ang naging pabaya, at naging makasarili, ang sariling kapakanan lang ang iniintindi, tingnan niyo ang binatang yan, hindi siya magkaganyan kung hindi sana naging pabaya ang magulang niyan"

Mga salitang lumabas mula sa bibig ng mga taong nakakita kay calix, ngunit tila walang narinig si calix, tila wala siyang nakikitang tao, hanggang ngayon tulala parin siyang nakatitig sa kawalan habang patuloy na lumuluha.

Ang isang calix dollehan na kinababaliwan at habulin nang karamihan ay nagawa niyang humiga sa ibabaw nang sahig sa kalagitnaan mismo nang mga taong dumaan, ganito ba ang nagagawa nang pagmamahal, na kahit pinagtitinginan na siya nang karamihan, kahit nagmukha siyang baliw sa mata nang lahat ngunit parang wala lang sa kaniya dahil tanging mukha ni krimp lang ang nakikita niya sa kawalan.

Makalipas ang mahigit isang oras, naisipan ni calix na bumangon, tahimik niyang inilibot ang buong paningin sa kabuuang sulok nang airport at isa-isa niyang tinitigan ang mga batang kasing edad lang ni krimp habang naglalakad sa kaniyang paligid, makalipas ang mahigit dalawang minuto dahan dahan siyang nagbaba nang tingin, wala na si krimp, nakaalis na sila nang bansa.

At isang patak na butil nang luha ang biglaang bumagsak mula sa mga mata niya, wala nang mas masakit sa naramdaman niya ngayon, hindi niya lubusang matanggap sa isang iglap, wala na ang kasintahan niya, iniwan na siya nang taong mahal niya nang wala man lang siyang kamalay-malay, kung alam sana niya na itatakas nang mommy niya ang taong mahal niya siguro gagawin niya ang lahat nang makakaya niya para pigilan ang plano nang mommy niya pero napaka tanga niya sa bahagi kung bakit hindi niya nahalata ang plano nang mommy niya, napaka tanga niya sa bahagi na na wala man lang syang magawa para pigilan ang pag alis nang taong mahal niya.

Wala sa sariling mahigpit niyang naikuyom ang kamao niya dahil sa subrang galit niya sa sarili, bumuga muna siya nang malalim na hininga bago niya muling inilibot ang buong paningin sa kabuuang sulok nang airport at muli niyang tinitigan isa-isa ang mga kabataang naglalakad natatanaw nang mga mata niya , makalipas ang mahigit dalawang minuto naisipan na lamang niyang umuwi sa bahay para makapag isip-isip kung ano ang dapat niyang gawin.

akmang hahakbang sana siya nang may kung sinong tao ang biglaang yumakap sa kaniya mula sa likuran bagay nagpatigil sa kaniya sa paghakbang

"Babe, bakit nandito ka?, sinundan mo ba kami ni mommy?" malumanay na tinig ang kaniyang narinig.

Friends to Lovers (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon