Chapter 32

363 3 0
                                    

Tahimik na umiiyak si yuri habang nagmamaneho, tila may kung anong karayom ang nakatusok sa puso niya dahil sa subrang kirot at sakit nang dibdib,  pakiramdam niya parang binagsakan siya nang langit at nang lupa dahil sa subrang bigat nang kalooban niya, wala sa sariling napailing iling siya habang lumuluha, halos gusto niyang sumigaw dahil sa subrang  bigat nang kalooban niya, habang papalapit siya sa airport mas lalo siyang napaluha, hindi kaya nang pakiramdam niya na iwan ang anak niya, masakit isipin para sa kaniya na hayaan ang anak niyang mamuhay nang mag isa lalo na't alam niyang napamahal na ito kay krimp hindi kapatid kundi bilang isang kasintahan.

Sa buong buhay niya, ito ang pinaka mabigat na desisyon nagawa niya ang iwan ang isang anak niya at hayaang mamuhay nang mag isa, halos gustuhin nalang niyang magpakamatay ngunit kinailangan niyang magpakatatag dahil kailangan  siya nang mga anak niya.

"Tama ba itong ginagawa ko? tama ba na hayaan ko ang aking anak na mamuhay nang mag isa para lang sa reputasyon nang pamilya ko?"lumuluhang saad ni yuri sa isipan. "Oo, bagaman hindi sila magkapatid ngunit para sa akin itinuturing kong isang tunay na anak si Krimp, siya rin ang napakagandang nangyaring dumating sa buhay naming dalawa ni calix, ngunit hindi ko kayang tanggapin kung anong relasyon ang meron sila at isa pa na pareho silang lalaki ay hindi ko iyon kayang tanggapin at baka
kung ano na lang ang masasabi ng iba sa mga anak ko." saad niya na patuloy na gumugulo sa kanyang isipan.

"Tita malapit naba tayo? tanong ni krimp na siyang nagpatigil sa kaniya sa pag-iyak  agad niyang pinahiran ang mga luhang nagsidaloy sa mala diyosa niyang mukha gamit ang malambot niyang mga palad, bumuga muna siya nang malalim na hininga bago magsalita "oo baby malapit na tayo"malamig na saad niya sa garalgal na saad na tono nang pananalita, hindi na muling nagsalita si krimp, muli niyang tinuon ang buong atensyon niya sa harapan nang sasakyan.

Pinilit ni yuri na iwaksi sa isipan niya si calix, at tinuon na lamang niya ang buong atensiyon niya sa pagmamaneho, makalipas ang ilang minuto, narating narin nila ang airport, hindi nag alinlangan si yuri, nauna siyang lumabas mula sa loob ng magarang sasakyan upang pagbuksan nang pinto ang bunsong anak niya, agad lumabas mula sa loob nang sasakyan si krimp nang makita niyang nakabukas na ang pinto,.

Agad dinala ni yuri ang bunsong anak niya patungo sa erya kung saan nakalapag ang private plane na pagmamay-ari niya.

"Tita bakit kailangan nating sumakay sa eroplano, diba ang sabi mo ipasyal mo lang ako?" pagtatakang tanong ni krimp habang papalit sila sa erya kung saan nakalapag ang eroplano.

"Medyo malayo ang lugar na pupuntahan natin anak kaya kailangan nating sumakay nang eroplano para mapadali ang pagdating natin, para mapadali din ang pagbalik natin dito sa bangkok, excited kana bang pagmasdan ang kalawakan anak?"malumanay na saad ni yuri sa garalgal na tono ng pananalita, habang mapait na ngumiti.

"Oo tita, gusto kong makita ang hugis nang mundo mula sa kalawakan na kasama ka." nakangiting saad ni krimp, hindi mapigilan ni yuri ang sarili niya at muling bumuhos ang mga luha mula sa mga mata niya.

"Tita, teka umiiyak ba kayo?" pagtatakang tanong ni krimp nang marinig niya ang mumunting pag-iyak ni yuri, "hindi ako umiyak anak"malumanay na saad ni yuri sa garalgal na tono nang pananalita, "tita maganda ba ang lugar na pupuntahan natin?" muling tanong ni krimp, "Oo anak, subrang ganda"saad naman ni yuri.

Ilang hakbang nalang ang layo nila mula sa eroplano nang biglang tumunog ang cellphone ni yuri, hindi siya nagdalawang isip agad niyang pinatay ang tawag nang kung sino man ngunit masyadong makulit ang tumawag at paulit ulit paring tumunog ang cellphone niya, kaya nagpasya na lamang siyang sagutin ang tawag.

"Baby hintayin muna si mommy sa loob nang eroplano mayroon lang akong kakausapin" saad ni yuri, hindi umimik si krimp bagkus tumango lamang ito bilang tugon,

Friends to Lovers (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon