Chapter 31

348 3 0
                                    

CALIX POV.

Ilang minuto lang ay namiss niya kaagad si krimp para siyang lalagotan ng hininga kapag nawawala sa kanyang paningin si krimp. Malalim na ang relasyon na meron sila kaya normal lang na maramdaman niyang mabalisa kapag wala sa tabi niya ang kasintahan. Ilang minuto lang ang lumipas ng makaalis ang mom niya at si krimp ay napagpasyahan niyang magtungo sa mismong kuwarto ni krimp sapagkat kukunin niya ang paborito nitong teddy bear noong bata pa lamang si krimp, naisipan niyang kunin ito maibsan lamang ang pagkamiss niya kay krimp. Nang makapasok siya ay tila nanghina siya sa kanyang nakita.

Dammit! Shit! pagmumura ni calix nang makita nang dalawang mata niya, na wala na ang mga damit ni krimp sa loob nang closet room nito, tented glass kasi ang closet ni krimp kaya makikita kaagad ang laman niyon, kitang kita niya na kahit isa walang natira, agad niyang inilibot ang buong paningin niya sa kabuuang sulok ng kuwarto nakita niyang tanging mga picture frame nilang dalawa ang tanging naiwan sa loob ng kwarto ni krimp, biglang bumilis at lumakas ang kabog nang puso niya, halos sasabog na siya sa subrang kabang naramdaman niya, hindi siya nag alinlangan, agad siyang lumabas mula sa loob nang kuwarto ni krimp, dali-dali niyang tinungo ang kuwarto nang mommy niya, nang nakapasok siya sa loob, tinungo niya ang closet room nang mommy niya, pagbukas niya sa naturang closet room, wala ni isang damit nang mommy niya ang kaniyang nakita, agad niyang  inilibot ang buong paningin sa kabuuang sulok nang kuwarto at nakita niyang wala ni isang gamit ang natitira sa loob nang kwarto.

"Shit! Dammit! Wala sa sariling nasabunutan niya ang sariling buhok, walang alpas sa pagkabog ng kanyang dibdib tila naghuhurumintado na ito dahil sa lakas ng pintig ng puso niya, bahagyang naikuyom niya ang kamao, pakiramdam niya binagsakan siya nang langit at nang lupa sa subrang bigat nang kalooban niya, tila may kung anong mahabang karayom ang nakatusok sa puso niya at hindi siya makahinga nang maluwag, tila mawawala siya sa sarili sa kanyang nakita.

"Anong ginawa mo kay krimp mommy!"sumisigaw na saad niya, at hindi na siya nag alinlangan pa, patakbo siyang lumabas mula sa loob ng kwarto nang mommy niya.

Nang makababa siya sa sala biglang nanghihina at nanlumo ang buong katawan niya, tila wala na siyang lakas para tumayo pa, hindi niya lubusang  maisip nagawa siyang lokohin nang mommy niya, tila pinatay siya sa isiping subrang unfair nang mommy niya sa bahagi na hindi siya nagawang hayaan nang mommy niya na mahalin si krimp.

Wala nang mas masakit pa sa katotohanang wala palang pinagkaiba ang mommy niya kung ikumpara sa mundo, mas malupit pala ang mommy niya kung ihalintulad sa kalupitan nang mundo, buong akala niya kakampi niya ang mommy niya, ngunit nagkamali siya nang buong inakala dahil pinaniwalaan lamang siya nang mommy niya sa mga kasinungalingan nito, tila mas gugustuhin na lamang niyang magpalamon sa ilalim nang lupa sa subrang sakit nang kalooban niya, wala nang mas malungkot pa sa ginagawa ng mommy niyang pagtakas sa kanya kay krimp, makikita sa mukha niya na hindi siya makapaniwalang nagawang ilayo nang mommy niya mula sa kaniya si krimp, alam niya ang hindi ito matanggap ng mom niya dahil buong buhay niya ang tanging alam niya ay magkapatid ang turingan ng dalawa.

Mommy bakit mo nagawang ilayo mula sa akin si Krimp!, alam mo naman kong gaano ko yan kamahal! alam mo naman diba, hindi ako mabubuhay kapag wala yan sa tabi ko! sumisigaw na saad niya at isang "PACKKKKKK!! BOOOOOOGS!"
isang napakalakas na suntok at napakalakas na sipa ang pinakawalan niya na siyang tumama sa malapad at mahabang mini table nakalagay sa kalagitnaan nang malawak na espasyo sa may sala, wasak at basag ang lamesa.

"please baby bumalik ka dito sa bahay huwag mong hayaan si mommy na itakas ka! Hindi ko kakayaning mawala ka sakin.!" sumisigaw na saad niya at isang

"PACKKKKKKKK! BOOOOOOGS!"
isa nanamang napakalakas na suntok at sipa ang pinakawalan niya na siyang tumama sa wall glass nang sala, tagaktak ang dugo mula sa kamao niya ngunit tila wala siyang naramdamang bahid na sakit.

Friends to Lovers (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon