"Ito na lunch mo, akin na sukli haha" biro ko sa bestfriend ko pagkapasok ko sa office nila.
She's a criminology student ako naman nautusan lang.Natawa siya "Ge sayo na yan."
"Joke lang" nilagay ko yung dala ko sa table.
"Teka CR lang ako. Pake bantay muna pwede? Baka kasi ilang minuto kunin ng may ari." Turo nya don sa gilid ng table na may ID and cellphone.
"Lost and found? Isa lang ba may ari nito?" Taka kung tanong.
Tango ang tanging sagot ni Smith bago siya nagtungo sa CR na naka attached lang rin sa room nila.
Umupo ako sa dating inuupuan ni Jacklyn Smith and kinuha yung ID.
Zheyrine Cordovez
Basa ko sa isip ko.
Nagtataka pano nya to nawala pati cellphone nya!?!
Ililigpit ko sana ito sa drawer kasi kakain kami pagkabalik ng kaibigan ko ng may naramdaman akong tao sa pinto.
"Ano yun?" Tanong ko sa nakasilip lang. Ng nakita nya ako, sumenyas ako na pwede siya pumasok. Maingat siyang pumasok habang palihim na pinagmasdan ang loob ng office.
Ako lang tao dito at the moment. Tumae ata yung isa tagal eh.
"Ako pala si Zheyrine, sabi nila dito ko raw makukuha yung ID tapos cellphone ko nawala?"
"Ahh" tanging reaction ko and iniabot agad sa kanya yung hawak ko.
"Ikaw pala yun"
Ngumiti siya at tumango, pawisan ito at halatang tumakbo. Malaki siyang babae. Midyu mataas din saakin. "Sige po salamat. "
Ngumiti ako at tumango, sinundan ko ng tingin siya hanggang sa ito'y makaalis.
Inayos ko na pagkakainan namin and ilang minuto bumalik si Smith. Nagbiruan muna kami, umalis na ako doon pagkatapos ko kumain. First time ko mag lunch sa office niya, hindi kasi siya makaalis kaya ako inutusan. Buti nalang may time ako.
Mapuntahan nga siya. Midyu excited kung sabi sa isip.
****
Ni log in ko student ID ko para makapasok sa loob ng library building namin. Nag akto akong naghahanap ng libro at kumuha ako ng isang makapal tiningnan ko ito. Philosophy.
Dinala ko iyon and nagtungo sa may mga table, nahanap naman agad ng tingin ko ang babaeng rason kung bakit ako'y nagmamadali pumunta rito.
Napangiti akong lumapit sa table nya.
Galing sa libro umangat ang tingin nya sakin, lumaki ngiti ko sabay sabing "Hi."
Ngumiti siya.
"Pwede tumabi binibini?" I asked cheekily.
"Upo ka na nga." Siya at napangiti.
"Philosophy huh!?! " She read the book I put on the table and look at me with not so convinced that a person like myself would be interested in Philosophy.
"Hey don't judge."
Mas lumaki ang ngiti nya and napalingo. "Nagsasayang ka lang ng space rito."
"Gusto kita makasama eh kahit busy ka dyan sa ano ba yan?" Sinilip ko gawa nya not minding what she said.
"Report ko." Ikli nyang sagot bago tinuon ang full attention nya sa ginagawa. And I got the cue not to disrupt her.
Pwede ako pumunta rito and pagmasdan siya for all my hearts content basta wag lang siya isturbohin.
"Hoy." yugyug ng isang kamay sa braso ko.
"Cyle." Biglang tawag sakin ni Janette. "Let's go."
Nakatulog pala ako, agad naman ako nagligpit at sinauli namin yung librong kinuha.
"Grabe ka talaga. Ginagawa mong tulugan yung library."
"Sorry naman di ko namalayan. Ano oras na ba?" Tanong ko and sumilip sa relo ko.
"3 na. 30 minutes before start ng klase ko."
"Ikaw ano oras ulit klase mo?" Tanong nya sakin.
"Huh? Ah, wala na akong klase. Umaga lang tuwing Lunes." Sagot ko.
"What? Bakit hindi ka pa umuwi?" Hindi makapaniwala niyang tanong.
"Kasi gusto kita makasama?"
Napalingo lang siya. "Umuwi ka na nga."
"Hintayin na kita."
"No uwi ka na. 7 pa matatapos class ko. And susunduin ako ni Papa."
Wala na akong nagawa.
"Fine." I signed giving up.
"Good. Uwi na." Taboy nya sakin pero nakangiti.
"Cute mo." Bigla nyang bigkas.
"Tss." Natawa siya sa naging reaction ko. She likes teasing me dahil mabilis ako mag blush when it comes to her.
Hinatid ko muna siya sa room nya. I wave good bye, binati ako ng mga ka klase nya. First year si Janette, kaya magkaiba kami kahit same course lang kami dalawa.
"Hi Cyle hinatid mo girlfriend mo? Yiee" hirit ng isa.
"Tumahimik ka nga. Andyan na si sir oh. And you, uwi na." She gave me that stare. Napangiti nalang ako sabay talikod.
Sinabihan umuwi eh kaya uuwi nalang ako. Wala na naman akong gagawin rito.
She's Janette, she doesn't know I have feelings for her. And I don't plan on telling it's too risky for our friendship. And plus may manliligaw na yun. I don't want her confuse.
Ayoko manggulo o sumawsaw or whatever you call it. My feelings are mine alone. She doesn't have to reciprocate it cuz I know for the fact na wala siyang feelings saakin and well never have feelings. Kasi una pa lang sinabi nya na na she like a guy.
So I'll let this feelings of mine be in the dark and slowly kill it. Let's hopefully plan it that way.
But as we say. Not everything goes according to your plan.