Chapter 20

53 3 0
                                    

Ayuko sa kinalabasan pero ito lang nakaya ng braincells ko 😅










"I like you"

Buong lakas na sabi ko sa kanya, kaya nakatanggap ako ng gulat na expression mula sa maganda nitong mukha.

"Ano?" Tanong nya ulit halatang naguguluhan sa biglang revelation.

Pakiulit pala non.

"I love you Zheyrine"

"Kanina like, ngayon love?" guluhan parin ang expression sa mukha nya.

"So nakikinig ka pala?"

"Gulat nga e." She manage to have that masungit expression on her now and rolled her eyes at me which earned her a small chuckle from me.

"Bakit ako?" Tanong nya bigla. The atmosphere got serious.

Napaisip ako ng wala akong maisagot ngumiti nalang ako looking back at her. "Yeah bakit nga ba ikaw" balik tanong ko sa sarili.

Hindi ko alam ang sagot. Basta bigla nalang siya lagi iniisip ko. Siya laman ng lahat ng ginagawa ko lately. Pag may bago akong na discover sa sarili ko dahil yun ay sa kanya. My future plan got rewritten dahil hindi ko na makikita sarili ko ng wala siya doon.

I want her all my life.

I never thought I'd want a person like this. Pero here I am. Completely won over her. She victors my heart without her even knowing. And I too.

"Do I need a reason to love you?" Lumapit ako sa kanya. "Pag sinabi ko I don't have a reason, I just realized I love you. What will you do?"

"Wala" malikot ang kanyang mga mata hindi makatingin saakin. Bigla siyang nailang sa aking paglapit.

I'm acting brave here ang hindi nya alam mamamatay na ako sa lakas ng kabog ng puso ko.

Pero kahit kinakabahan and gusto ng magpalamon sa lupa, naglakas loob parin ako. Kasi gusto ko siya at kahit alam na nya yun. Hindi yun sapat para ipaalam sa kanya.

I want to pursue her. I want a label with her. I want her to be mine. I want her to be my girlfriend.

But first.

"Pwede pumasok?" Kanina pa ako nakatayo dito sa labas and siya nasa pintuan nya.

"Hindi" walang dalawang pag-iisip nyang sagot.

Tatanong pa sana ako kung bakit ng nagsalita siya ulit.

"Pinaiyak mo ako kanina tapos gaganto ka ngayon?"

"Ba't ka umiyak?" Hindi siya sumagot kaya iniba ko nalang tanong ko "dahil ba don kaya ayaw mo ako kausap kanina? Kaya iniwasan mo ako?"

Sabi ko nga ba may problema.

"Anong nakita mo?" Hindi ko alam napapangiti ako. This means she feels the same right?

"Kung ano man nakita mo, hindi ganun pagkaintindi mo don." Pagpapaliwanag ko.

"So ano yung yakap na nakita ko?"

"Wala yun"

I reach for her, hindi siya lumayo sa paghawak ko sa pisngi nya.

"I'm sorry kung nasaktan ka sa nakita mo, but swear. Walang meaning yun."

"Tss nasaktan parin ako, siya kaya yung former babaeng gusto mo" pagmamaldita nya.

"Word former, alam mo pala ikaw na ngayon"

"Kakasabi mo lang duh!" There she is rolling her eyes again. Ewan pero am I a weird one pag sinabi ko mas lalo siya gumaganda pag nagsusungit? Or rolling her eyes at me.

My story. My Life. BeginsWhere stories live. Discover now