Chapter 3

77 5 0
                                    


"Cyle alam mo ba, may sasabihin kami sayo. Si Ruan kanina" hindi pa nga ako nakakaapak sa loob ng classroom yan agad bungad sakin ng tatlo kung kaibigan.

Napataas naman dalawa kong kilay. Ano na naman ba ito ngayon?

Pero bago pa sila makapagsalita, binigay ko sa harapan nila yung dala kong folder.

"Bilis ah." Commento ni Jen. Ako pa.

"Salamat Caye." Elloree.

"Yung sasabihin namin pala, alam mo malapit na intramurals diba?"

Ou nga pala. Nabangit nila sakin na sasali sila ng basketball. Inaya ako ni Jen na sumali kami sa badminton as duo. Mahilig din kasi ako dyan, but I only play as a hobby. Tinatamad ako mag sign up para sumali. I decided not to.

Siguro pag archery ang usapan, kaso next year pa open ang archery club e. Next year pa raw sabi nong teacher na mag hahandle sa archery. Next year mga criminology students mostly kasama ko sa archery. Kasi teacher ng criminology yung maghahandle.

Tudo kwento naman sila Jen and Elloree sakin kung paano yakap ng yakap ni Ruan mga babaeng kalaban para agawin yung bola. Iba yung yakap daw e parang chansing na. Tawang tawa yung dalawa habang nag kwekwento sila, ako naman nakangiti lang nakikinig. Tudo depensa naman si Ruan na hindi ganun yung nangyari, ginagawa talaga siyang babaera. Pero wala siyang magawa dalawa kalaban nya e.

"May team mate pala kami magaling mag basketball, mabilis ko lang siya na kaibigan." Kwento ni Ruan sakin. "Maganda siya kasabay kalaro, malaking babae. Classmate natin."

Patuloy siya sa pag kwento pero hindi na ako masyado nakinig kasi nag pop up message ni Jennette sakin bigla. Napangiti ako.

Hi C nasaan ka? I need you

Miss ako nito panigurado.

Classroom. I have class this hour remember?

Nasabi ko naman sa kanya sa chat na may klase ako usap nalang kami pagkatapos.

Ah.

Akala ko yun lang ng bigla may kasunod.

May sasabihin ako sayo mamaya

Hindi na nya sinundan kaya na curious tuloy ako.

Ano ba yun?

I was left delievered and hindi na siya nag seen.

Hm sige. Hihintay ako sa mamaya na yan.

Natapos na klase ko, nagpaalam na kami kay Jen. Nasa labas naman nakahintay sila ate para sabayan si Jen pumunta sa dorm nila dito sa loob ng university. Nagpaalam narin si Ruan saamin kasi andyan na kuya nya para sunduin siya. Si Elloree naman ay makikisakay saakin. Minsan pag hindi kinukuha si Ruan ng kuya nya hinahatid ko siya sa kanila, si Elloree naman malapit lang bahay nya sa university. Pwede mo lang lakarin. Ayaw nya yung naglalakad siya kaya siya nakikisabay sakin.

Nag chat ako kay Janette na pauwi na ako.

She chatted me na ingat, hindi ko alam kung may kasunod pa ba yung chat nya kasi typing pa siya. Kaya nag chat nalang ako kung nasaan siya.

Playground

Alam ko na kung saan iyon. I chatted her that I'm coming there.

Hinatid ko na si Elloree bago ako nag drive patungo sa playground. Hinahanap ko agad si Janette, nakita ko siyang nasa duyan. Favorite spot niya.

Nong nakita nya ako ngumiti siya, pero kita ko yung longkot sa kanyang mata. Obviously may problema.

"Hi." Siya.

"Bakit ang lungkot ng ngiti natin my lady?!" I acted like a butler, natawa naman siya sa ka cornyhan ko.

Naupo ako sa kabilang swing.

"Anong problema hm!?!" She look at me straight in my eyes.

"Ang ganda ng moon." She blurt out. Alam nyang favorite ko ang moon. I would choose the moon over the sun. Napaangat naman ang tingin ko sa maitim na langit.

May moon pero natatakpan ito, maliit lang din ang stars na kumikislap sa langit.

"Y-yeah. I think." wala sa ayos na sagot ko.

"Okay ka lang ba?" Binalik ko ang tingin ko sakanya.

"Remember the guy who is courting me?"

She's referring to Ryan. I haven't seen him, ni isang besis. Iniisip ko nga na baka imaginary manliligaw lang iyon ni Janette. Pero sabi naman ng cousin nito na tinuturing na niyang baby sister na meron and nasa CIT department.

I'm not that interested nor curious about his being kaya I didn't take interest in seeing him. Ang alam ko lang mas pogi ako sa kanya.

That's a fact.

"I told him that we should cool off."

Hindi ako nagsalita and let her continue if she plan to tell me further and look like she is.

"I'm confused kasi sa nararamdaman ko."

Okay?

"Bakit naman?" Natanong ko.

"Hindi ko alam. He hasn't been updating me recently, minsan lang kami mag chat pag nag chat ako. Alam ko busy siya, I respect that. Busy din naman ako. Pero I feel like we're distancing."

Nakinig lamang ako.

"Kaya sinabi ko sa kanya na we need to talk personally. So kanina nag usap kami." Nagsimula na siyang umiyak.

Hindi ko alam anong nararamdaman ko.

Sanaol nalang.

Alam ko naman mahal nya yung lalaki. And ang sama ko naman kung aamin ko na sumaya ako nong narinig kong pinahinto nya sa panliligaw yung lalaki. Sabi nya kasi saakin na almost three months na itong nanliligaw and balak na nyang sagutin. Alam ko naman wala akong pag asa. Tapos bigla itong nangyari. Ano to opening?

"He said I become distant too kaya mas okay muna na ihinto muna namin, he planning on telling me. So parang cool off muna kami. Hangang sa maintindihan ko itong nararamdaman ko."

"I see." Tanging nasabi ko. I'm not really a comforting person. Honestly I don't know how to comfort anybody so this puts me in an awkward position. Hindi ko alam ano gagawin ko.

Tumango lang ako. Well, being here should comfort her right?

Hindi naman sa dahil ako lagi andito so sana naman makita nya ako. I mean I'm right here oh. Mas maayos pa ako doon sa manliligaw mo eh. Ako nalang kasi.

How I wish I could say that.

"Thanks for coming all the way here kahit na kagagaling mo lang sa klase mo. You haven't changed yet."

I awkwardly laugh.

"Alam ko kasing kailangan mo ako." I smiled staring her in the eyes. I shouldn't fall, not to her. Mayroon ng nag mamay ari sa kanya. If only I was a little earlier. Baka ako ang nanliligaw ngayon sa kanya. If only.

Tumayo siya, akma siyang matumba buti nalang mabilis reflexes ko at nahawakan ko siya agad.

"Okay ka lang?" Alala kong tanong.

"Y-yeah. Nahilo lang. Wala pa kasi akong kain."

"What? Dapat sinabi mo."

Ngumiti lang siya sa pag aalala ng boses ko.

Nagulat ako sa sunod nyang ginawa. She pud her arms around my waist, hugging me while her head is laying on my chest part.

"I'm glad I have someone like you Cyle."

Hindi ako makagalaw.

"Bakit kasi ngayon pa kita nakilala."

Napangiti ako. "Me too."

Call me an evil person for taking advantage of this moment but whatever. This is an opportunity.

Ngumiti ako at niyakap din siya.

Maybe I do have a chance.

My story. My Life. BeginsWhere stories live. Discover now