Chapter 18

42 4 0
                                    


Mabilis lang ang naging labanan nila, ibang klase pala maglaro si Zhey. Ibang iba galawan niya sa basketball kanina. Dito she's on fire.

Bawat hampas nya sa bula siguradong pupuntos e. Ewan ko ako lang ata nakaramdam nito pero bakit parang galit ito ang binubuhos nya sa laro.

Siya lagi ang spiker, and kita ko na nahihirapan ang kalaban e block mga shots nya.

I may not know that much about volleyball but I know the difference of each teams strength. Nararamdaman ko, magkaiba ito ng galawan. Luging lugi sila sa kay Zheyrine and hindi din papatalo ang mga kasama nito. Halatang experto sila sa volleyball and hindi basta basta kinuha ng couch.

Kung titingnan nakakatakot sila kalaban.

Kung kanina nasa bench ako cheering for her. Sa kalagitnaan ng laro bumaba na ako para pag natapos ang laro ako una bibigay ng tubig and panyo sakanya.

Feeling close lang. E close naman talaga kami hinalikan nya nga ako e. Bakit pa ako mahihiya sa kanya. She said she likes me two times. Hinding hindi ko makakalimutan yun. And she can't deny or take it back also.

Naka record yun e. May cctv kaya apartment ko. Pag talaga binawi nya ipapa broadcast ko talaga iyon.

Kasi kanina ko pa napapansin ayaw nya tumingin kung nasaan ako. Sigaw ako ng sigaw sa ngalan nya tuwing nakaka score sila ako pinakamalakas sumigaw nabaguhan nga mga kaibigan ko tinatanong kong may lagnat ba ako kasi naman ngayon lang nila ako nakita ganito at sumisigaw.

Kaya ako bumaba para mapansin niya. Kanina nya pa ako hindi nililingon pero alam ko nararamdaman ko na alam nyang andito ako. Ayaw nya lang talaga ako lingonin kahit anong papansin gawin ko.

Hindi ko alam bakit ayaw nya lumingon sa gawi ko, ngiti naman dyan sa pwesto ko Zheyrine kahit isa lang. Parang hindi mo ako hinalikan ah. Ay wag baka mahimatay ako sa ngiti nya mahinto pa ang laro tapos ako sisisihin nyan. Pero pwede narin para lumingon siya dito kahit ikahimatay ko ang corny.

Natawa ako sa sarili kong pinagsasabi. Hindi ito ako. Yung dating ako. Something about me change, and alam nyo na kung sino dahilan.

And ngayon tapos na nga ang laban and panalo sila. Marami akong narinig, phrasing Zheyrine, hangang hanga sila. Yung iba naman tinatanong kung may jowa ba. Napaikot tuloy mata ko sa nagcomment non. Connect ng may jowa siya sa laro? Mananalo ba pag may jowa ka sa laro? Single yan wala yang jowa. Pero hindi ko rin sinasabi na open siya para jowain.

Ako na nagmamay ari nyan e. Need nya ako panagutan. Ninakawan nya ako ng halik need ko gumanti.

Sarap ihulog ng dalawang lalaki sa likuran ko e.

Binalewala ko nalang iyon dahil papunta na dito si Zhey, ang angas nya tingnan. Hindi maganda sa puso ko nagiging abnormal na naman.

"Zheyrine" I whispered her matching a smile, may bottled water sa isang kamay and panyo naman sa kabila ready na siyang salubungin ng to my dissapointment.

"Ate Rine!!!!!" takbo nong first year, inabutan nya ito ng tubig and pinunasan agad si Zhey.

Pusang gala! Who's she? And Rine? Nickname nya yun? What?

Suddenly. A burning annoyance was building inside me.

Bakit ayuko may umaaligid sakanya. Naiinis ako.

Inimagine ko kinain yung bata ng T-rex tas duguan sa harapan ni Zheyrine, nagsigawan ang lahat, maraming dugo lumabas sa bibig ng dinosaur. Flooding the entire gym with her blood. Si Zheyrine tulala at hindi makagalaw bathing the blood of the child. Just kidding.

Ang totoo talaga nyan, ano gagawin ko sa dala ko. Tss. Lumapit ako sakanila.

Iinumin na nya sana yung bigay na tubig ni first year, I didn't catch her name and I don't care.

My story. My Life. BeginsWhere stories live. Discover now