Cyle Ravenwood. I first type my name on our activity file na sinend ni maam sa messenger group chat namin to be pass on our next meeting kasi wala siya today.2nd year, BSBA.
Nagsimula na akong gawin yung dapat gawin and it took me 1 hour and 23 minutes.
Nakaramdam ako ng gutom napaisip naman ako agad ng gusto kong kainin. I want cup noodles, ugh just thinking of it nagugutom na ako. And I much love it with orange juice.
Lumabas ako, I'm leaving alone in an apartment building 30 minutes away from the university where I'm taking my study. Gusto ko kasi yung hindi masyado malayo and hind rin malapit sa paaralan and sakto na tito ko may apartment siya rito na hindi nya ginagamit kaya dito niya ako pina stay. He also pays for it. He's my titas husband and close ko siya kaya ganyan. Minsan inaaya nya ako uminom kasama si Kuya, asawa ng cousin ko. Pero I decline everytime. Not that killjoy or whatever you call it. But that doesn't mean I don't drink. I do drink. Pero once in a blue moon lang, kahit parties, celebration or any occasion. Depende lang talaga ako maaya sa pag iinom.
Sa ilalim ng building na tinitirhan ko, merong convenience store na katabi. Doon ako lagi bumili ng instant foods. I just wanna sa na ang convenient ng place na tinitirhan ko.
Namili na ako ng noodles, spicy. Kumuha narin ako ng maiinom ko which is orange juice. Dalawa kinuha ko.
Nagtungo na ako sa counter.
Nilagay ko iying pinamili ko, naghintay ako para sabihin nong part-time na babaeng nagtatrabaho dito kung ilan lahat ng binili ko. I can guess she's working part-time kasi base sa itsura nya ka edad ko lang siya or ka year pa nga. Lagi ko rin siya nakikita rito, pag wala akong klase. Parang pariho nga kami ng schedule eh.
Kung nagtataka ka bakit hindi ko nalang tanungin is because ako yung taong mas gustohin manghula nalang keysa magtanong. I don't approach first. Ako yung babaeng hinding hindi mag ffirst move.
And not planning on making first move to anybody. Siguro pride ko narin.
Binayaran ko na yung binili ko sabay kuha ng paper bag and alis.
Habang nag lalagay ng init na tubig sa cap noodles ko. Naalala ko ulit yung babae sa convenience store. Para kasing familiar siya. Hindi ko lang maalala saan ko siya nakita. Basta familiar mukha nya. Or baka familiar siya kasi naging isa siya sa pinakilala sakin ni Ruan na mga kalandian nya. Haha that girl. Hindi ko na mabilang ilang kalandian meron siya. Sa dami ba naman. She's well-known sa University namin dahil sa dami nyang kilalang babae every department.
Hindi siya matawag na babaera kasi wala naman siyang girlfriend. She's loyal to herself raw e. She just want the thrill she gets with new girls taking interest of her.
And speaking of thrill. There's Janette.
She's one walking red flag that girl.
First ko siya nakilala through Jennifer, kaibigan ko. I was looking for a pet rabbit. Jen said na may kilala siya, sabi ko e contact lang ako nong ka kilala nya sa messenger.
Meron agad nag chat sakin. And I thought she was the seller, turns out siya pala ang friend nong seller. Nahihiya raw mag chat sakin kaya account nya ginamit.
Sa friend ni Janette ko nabili si Luna. And from that day hindi na siya nag stop chat saakin. First she asked me random things, before asking to be wanting to have a friendship relationship with me.
First usap pa lang namin she already mentioned na may manliligaw siya. I couldn't care less at that time. She told me she wanted a sister. So ayun naging role ko. I fell in that role. But maybe too far. I actually fell. Literally fell for her.
And not a sister love like. But I'm not planning on telling her. Besides she's straight. Let's just continue being her big sis. I'm contented with just that wag lang siya lumayo sakin.
Sad for my love life to fucos on this situation but I don't hate it. I'm aware I'm acting blind that she's not for me pero hayaan nyo muna ako.
Mataas pa naman buhay ko. Anything can happen at any moment. Malay mo ma aksidente pala manliligaw nya, tapos ma realize nya feelings nya sakin and choose me charot.
Paupo ako sa sahig kaharap ang table ko, sumandal ako sa couch, I opened the tv in front of me bago ako nagsimula kumain. Naramdaman ko may presence sa gilid ko, pagtingin ko doon ay andon si Luna. Rabbit ko, tumakbo ito pabalik sa kanyang spot. Napangiti ako. Ang cute lang nya.
Nagpatuloy ako sa kain and inaliw ang sarili ko sa palabas na aking pinapanood.
****
'Cayeeeee!!!' I can already hear Elloree's voice the way she call my name everytime.
Nag chat ako ng ano sa gc naming apat.
Si Jennifer, Ruan, Elloree and Me.
Nag chat lang para e remind ako na wag ko kalimutan e print pati sa kanila and kung saan na ako.
Tapos na and ito na nga pa punta na akong university kaya maghintay sila. Chat ko sa gc.
Sa Lunes pa naman ito, pero ibibigay ko na yung sa kanilang tatlo para hindi na ako singilin kada araw.
Kinuha ko and jacket ko, nasa pocket nito ang susi ng sports car ko. BMW.
Before checking one last time kong may naiwan ba ako. Mukang wala naman. Lumabas na ako and ni lock yung pinto, sakto ring narinig kong pagsara ng pinto sa katabi ng apartment ko. Almost two months na ako rito naka stay pero hindi ko pa nakikita kung sino kapitbahay ko, alam ko lang pangalan nya kasi na banggit ng may ari ng building na ito. Kaso nakalimutan ko rin agad. Basta ang alam ko maganda pangalan nya and unique pero yun lang nga nakalimutan ko parin hahah
Hindi ko nalang iyon pinansin. Busy tayong lahat and wala akong interesado masyado sa buhay ng ibang tao.
Naglakad na ako sa sasakyan kong naka park. Pumasok ako and binuhay ito bago pinaandar paalis ng apartment building papuntang university.
Time check it's 6:00 pm...7 to 8:30 night class ko.
Good thing kumain na ako, naghihintay na sakin yung tatlong tuplok sa school.
I took my time driving hangang sa makarating ako sa school. Madilim na and some students are on their way home. Kunti nalang rin ang mga sasakyan na naka park sa parking lots.
Feel ko nga minsan kami lang may night class eh.
Taking my bag and pile of bondpapers with me. Nagtungo na ako sa classroom kung saan magaganap ang aking night class.