Chapter 15

46 4 0
                                    


Hindi ko alam pano ako nakauwi kagabi or paano ko naalis sarili ko sa situation na iyon. Basta nalaman ko lang after she kissed me tulala akong nakabalik sa aking apartment.

I keep thinking about that kiss, lagi nag rereplay iyon sa utak ko like a broken record. Hindi ako makapag fucos sa isang bagay, habang naliligo napapakamot ako sa ulo ko kasi naalala ko yun. Habang nagbibihis, at habang kumakain.

Kasi naman, pano ko makakalimutan. First ko yun e.

I cannot forget how soft her lips were. How it touch to mine. How my heart rate speed up by the sudden contact. How the time stopped at that moment. How I remember every detailed. How she confessed. How she said she like me, two times! She said it two times!

Napahawak na naman ako sa labi ko ng walang ka malay malay.

I never get physical with anyone na naging kalandian ko. There's always boundaries, kahit friends ko walang exemption. Lahat may boundaries na kahit hindi ko sabihin, Instict alam na nila. Like ayaw ko magpahawak. I'm not the clingy type. Yung kakapit sa braso mo habang naglalakad or nakaakbay sayo. Ayuko ng ganyan.

Kaya pag first time na nangyayari saakin matagal natatangal iyon sa isip ko. Guguluhin ako nyan for 2 days. Pero ito, yung kiss? I think it will last internally fvck.

Pano ko siya haharapin mamaya? Dammit.

Ngayon nga pala ang intramurals, tatlong araw daw gaganapin. Ako na hindi sumali ng ang sports ay kailangan parin mag attend kasi for attendance.

Manunuod, aantukin at tutunganga lang ako duon buong hapon.

Hindi ako nagdala ng bag, cellphone ko lang at headphones. Cars keys ko, at tsaka wallet.

I stop on my tracks ng maalala ko na naman nangyari kagabi and it always lit my cheeks red. Kahit pilit ko isinasantabi para kalimutan walang epek. Pinapakabog nito puso ko, and knowing na magkikita kami dahil laro nila ng kaibigan ko ngayon mas lalo akong kinakabahan ewan ko nalang.

Shesh bahala na.

Nagmadali na akong pumunta kasi ako'y super late na dahil late na akong nakatulog kagabi dahil sa kakaisip non. Hindi ko nga alam kung matatawag mo bang nakatulog ako. Parang pinikit ko lang mata ko pero yung buong diwa ko gising pa rin e. Namalayan ko nalang umaga na at saklap late pa ako.

Ng makarating sa University, nag chat ako sa mga kaibigan ko kung nasaan sila. Sagot naman nito ay nasa classroom at ilang minuto ay magbibihis na sila kasi second game ang kanilang schedule.

Tatanongin ko sana kung kasama nila si Zheyrine pero obvious naman yan kasi laro nila.

Kaya imbes na maglakad patungo kung nasaan sila, andito ako sa hallway nagtatago.

Bakit ako nagtatago? Dahil may iniiwasan. Al mo kung sino? Alam mo na yun.

Hindi ko naman siya dapat taguan. Nagmumukha akong duwag pero wala din akong courage harapin siya. Lalo na makita ko chat nya first thing kaninang umaga.

We need to talk

Walang goodmorning deretso sa point.

Alam ko lang wala akong ginawa sa kanya na dahilan para mahulog siya saakin. Isa, siya humalik saakin. She should take responsibility. Kaya dapat lang mag usap kami.

So bakit mo tinataguan?

Actually. Hindi ko rin alam.

Ahhh basta. Mamaya ko na siya haharapin. Wala siyang sinabi ano oras o saan kami maguusap.

Nakita ko naman dumaan sina Ryan, Elloree and Jen na suot ang kanilang mamahaling jerseys. Kasama nila ang babaeng reason kung bakit nakahawak na naman ako sa labi ko at nakatingin sa pinkish labi nya.

Anak ng! I shake the image in my head.

Para akong stalker tuloy tingnan habang nakasunod sa kanila. Yung mga first years naweirdohan nga ata saakin.

I flash them an innocent smile.

My full attention was for them and her not to notice me following them. Kahit nag chat sila Jen na papunta na silang gymnasium. Sumagot ako pabalik sa chat na coming pa ako sa school paki sulat ako sa attendance. E signature ko nalang pagkadating e andito na naman ako.

Ng hindi ko na napansin may tao sa likod ko nakasunod kaya nagkabungguan kami ng bigla akong umatras.

"I'm sorry" mabilis na paumanhin ko.

Ng mapansin ko kung sino ito, tiningnan ko agad kasama nya.

"Janette?" nakakunot noo kung tawag sa kanyang pangalan. Tinulungan nito ang kanyang kaibigan na nabangga ko.

"Sorry pala" pag-uulit ko rito.

"Okay lang" ngiti nito.

Bumaling ang tingin ko sa kay Jane. For I don't know, ngayon ko lang siya ulit nakita.

"Hi, kumusta." Strangely. I don't feel anything. Ang nasa isip ko ngayon is need ko na umalis baka hindi ko na sila masundan. But me and my mouth, walang isip na tinanong iyon.

"Okay lang. You?" as always. She's short to reply.

Tumango ako with a smile. "I'm good"

And I really mean it. I'm much better this days and I think I know why but can't fully admit it.

"I gotta go, bye" paalam ko. I have someone to catch up.

"Cyle!" Napahinto ako sa bigla pagpigil nya, napatingin ako sa kamay ko na kanyang hinawakan. Agad nya itong nabitawan ng ma realize nya ang kanyang nagawa.

"Can we talk?"

"Yeah? Sure." Humarap ako sa kanya para makinig sa kanyang sasabihin.

"Ano ba yun?"

"I mean not now. Mamaya? Maybe?" Ano bang pag uusapan namin?

"Titingnan ko"

"Please." why or bakit that word does not work on me anymore. I mean whats there for us to talk about?

She wanted a friend, then treat me more than friends, made me assume, made me fall then ditch me. So? Bakit hindi ako galit? Kasi may kasalanan din ako. Kasalanan ko nag assume ako sa lahat ng pina experience nya saakin.

Sa tingin nyo masama ako kasi I'm glad na hindi naging kami and it never will! I don't hate her but I don't want to be around her or even involve her in my life.

She started cutting ties with me, I just followed her.

And right now I'm much happier than I was the time I met her.

"Sige" I'm not fund of closure. I'd rather we turn back to strangers but let's see what she has to say.

"I'll chat" I nodded as respond and didn't bother to look at her for a second kasi nawawala na sila sa paningin ko.

Nagmadali ako tumakbo sa gym.

Sa laki ng gym dahil iba't ibang department nanduon cheering for their teams saan ko sila hahanapin?

Hinanap ko nalang ang pwesto ng department namin. Kaya pala hindi ko sila mahanap kasi magsisimula na ang kanilang laro. How long was I out?

Nasa court na sila ngayon at ang kanilang kalaban ay ang IT department.

"Good luck guys galingan nyo!!!!" sumigaw ako.

She automatically turn to me which resulted for our eyes to lock gaze. And with that simple look from her, my heart pounded crazily.

And mas lalo itong bumilis ng ngumiti siya saakin before turning her attention to her teammates.

Damn. What was that smile.

My story. My Life. BeginsWhere stories live. Discover now