Chapter 4

75 6 0
                                    


"Cyle uuwi ka na?" Nilagay ko sa bag ko yung notebook and ballpen ko, tango lamang sinagot ko kay Jen.

"Kayo?" tanong ko sakanila.

"May practice pa kami e. Di ka ba manunuod?"

Napaisip muna ako.

"Nood kana Cyle. Panoorin mo pano maglaro si Ruan puro lang chansing sa kalaban alam." tumatawag sabi ni Jen.

"Gagi hindi ah." Depensa naman ni Ruan na nakangiti tapos sinakal ng pabiro yung isa.

Hapon pa naman, last subject ni Janette matatapos ng 5 pm.

"Sige sige manunuod nalang ako. Hihintayin ko nalang matapos klase ni Jane para sabay kami umuwi." At dahil sa sinabi ko nakatanggap ako ng mapanuksong reaction sa tatlo.

"Sanaol nalang noh?" Jen.

Baliw. Anong nakaka sanaol don.

"Bakit di mo pa yan ligawan kaya Cyle." Sunod na sabi nya.

I shook my head. "It's complicated. Soon siguro."

"Nabanggit ko sayo diba? May manliligaw siya."

Kinu kwento ko kasi kay Jen minsan mga nangyayari sa buhay ko. 1 year and a half ko ng kilala si Jenifer, hindi ko alam keylan nag start basta comfortable ako magsabi sa kanya kung ano problema ko sa buhay. Isa siya sa mga taong nasasabihan ko, besides kay Jacklyn Smith. Yung criminology kong kaibigan since elementary to high school. And kaibigan pa rin hanggang ngayon mag collage kami. May isa pa doon. Si Tath Raina. Super busy na babae ewan asan na yun, same university lang din kami na pinapasukan. Same course pero hindi section. Last balita ko sa kanya may kalandian sa fake account nya.

"Sabi ko sayo noun pa fall yang Janette mo eh."

Natawa ako."She's not mine."

Lagi ko yang sinasabi sa kanila. She's not mine. Soon to be pa. Pero pwede ko naman siya bakuran kahit hindi kami pa, sa mga gustong manligaw sa kanya now na alam nilang cool off muna sila ng manliligaw nya.

Sabi nya kasi saakin din noon. She's not ready. And she gets irritated and annoyed at one of her block mates asking how things are going about her and her manliligaw.

Nong sinabihan nyang cool off muna sila. Siya ang pinagkaisahan ng mga block mates nila. Kasi naawa sila sa guy. And they like him, sikat din silang dalawa ni Janette sa kanilang department inaakala na mag jowa na talaga sila.

At nong nalaman nilang ganon nangyari. Hindi sila makapaniwala. Her mortal enemy, Emily. Said na bakit nya pinayagan ligawan siya for almost 3 months kong alam nya sa sarili nya na hindi pa siya ready for commitment. Bakit nya ni-entertain yung tao?! Hindi siya nakasagot doon.

Janette told me everything about it that night.

Hindi ako naka react o nakapagsalita kasi para saakin totoo yung sinabi nong classmate nya.

But she herself is aware of what she did. Kaya kakausapin nya ulit yung guy para humingi ng patawad.

Hindi ako nagtanong kung ano ba talaga ang rason kung bakit nya pinahinto sa panliligaw yung lalaki. Ang alam ko nong una tinanong ko siya if she's in love with the guy. She said she has feelings and balak na nga sagutin. Tapos bigla ito. Hindi ko alam kung sino responsible kung bakit magulo isip nya ngayon.

Hihintayin ko muna siyang maging okay. Siguro pag ganun, yung hindi na magulo isip nya and malaman na rin niya kung ano nararamdaman nya. Saka lang ako gagawa ng galaw. It's too risky for our friendship.

Contented naman ako na kaibigan ko muna siya, at least nakakasama.

Nagpunta kami sa ball field. May court ito sa harap ng stage kung saan ginaganap mga events ng university namin. Matatagpuan ito malapit sa Criminology department.

Agad ko naman nakita si Jacklyn, pag hapon mahahanap mo sila nag titrain ng self defense or taekwondo rito sa ball field. May mga arnes stick na dala.

Hindi nya kami napansin kasi busy kakaturo sa iba nilang members.

Nagpatuloy kami ng lakad.

Dumiretso ako sa bleachers para panuorin sila maglaro. Nilagay nila mga bag nila sa tabi ko. Bago sila nagsimula sumali sa mga ka team nilang naglalaro na.

Habang naglalaro sila. Tatlo tatlo magkalaban. Napansin ko iyong isang babae. Familiar yung katawan nya e. Midyu madilim narin kasi and may kalayuan din itong inuupuan ko. Pero kamukha niya yung babaeng nawalan ng ID?!

Siya ba yun? Hindi siguro. Feel ko kasi parang nasa HM naman yun. Hindi ko kasi nabasa course nya.

Pero feel ko talaga siya yan e.

Sinundan ko lahat ng galaw nya trying to get a clear look kung siya ba talaga yan.

Para akong ewan, malapitan nga. Lalapitan ko lang naman and e co-confirm.

"Hoy!" Ruan snap a finger in front of me. Doon ko lang napansin na nasa harapan ko na pala sila.

"Gagi ginulat mo ako gagu." bigla bigla ba naman sumulpot. Nasa court lang naman to naglalaro sa pagkakaalam ko e. Bigla nalang nag pop up sa harapan ko. Hayup na yan.

"Kasalanan ko? Tutok na tutok ka kaya diyan kanina pa."

Kinuha nya tubig ni Elloree saka uminom.

"Sino ba kasi tinitignan mo na hindi mo ako napansin lumapit."

Tinuro ko naman yung babae.

"Ahh si Zheyrine."

Don ko pa naalala pangalan nya. Yeah it sounded like that.

"Kaibigan ko yan, naging kaibigan ko nong isang araw. Magaling siya mag basketball, siya nga ata bubuhat saamin sa laro eh. Panigurado ako siya MVP saamin. Galing nya mag threes, malaki din siya kaya kaya nya kalaban. Nahihirapan nga ako agawin bola sa kanya, pati si Jen. Tatlo na kami ni Elloree umaagaw, bilis nya kasi gumalaw." Pag nag start na mag kwento si Ruan about sa isang tao hindi na yan mahihinto.

"I see. Mabuti." Ede may chance sila manalo. Alam ko kasi wala silang pag asa. Mga walang experience players nila compare sa mga criminology students. Kawawa lang sila sa intramurals. Katatawan ng ibang department.

Inaya nga rin nila akong sumali but basketball is not my forte. Ni hindi nga ako maka shoot sa ring e.

I won't embarrassed myself just for a mere jersey.

Bigla tumunog ang phone ko sinyales na may tumawag. Pagkakita ko sa pangalan, lumilitaw nalang ngiti ko ng hindi ko namamalayan.

"Si Jane noh?" Mapanuksong tanong ni Ruan.

"Tss."

"Yieee." Hirit pa nya.

"Bahala na nga kayo. Alis na ako. Pakisabi sa kanila una na ako."

"Sige babye Cyle. Sasabihin ko may date ka."

"Baliw." Sabi ko pero nakangiti.

Nakita ko nakahintay saakin si Janette sa sasakyan ko.

Kumaway ako sa kanya, she wave back and ang hindi ko inasahan yung sunod na ginawa nya. Tumakbo siya sa akin and sinalubong ako ng yakap.

I'm taller than her kaya nakayuko ako habang gulat at hindi makagalaw. This is new.

"Pinaghintay mo ako." Nguso nya.

"Sorry, nanoud kasi ako ng practice nila. Tara na."

"Okieee." She's acting extra cute tonight. Is she having a fever? Hindi to ganto dati eh.

And mas nagulat ako sa kasunod na ginawa nya. Kumapit siya sa braso ko and pinagsagpo ang kamay namin.

She look up and smile at my reaction.

"Tara. Libre mo ako hshs." I let her dragged me to my car.

She giggled before getting in. Napapangiti nalang ako sa biglang nangyari.

I don't know what just happened and I'm not saying I don't like it.

My story. My Life. BeginsWhere stories live. Discover now