Chapter 9

35 3 0
                                    

Haist wala parin. Paulit ulit lang tingin ko sa messenger ko bakasakaling mag chat na siya sakin. Kaninang umaga pa siya hindi online. May problema kaya? O baka busy lang.

Ito na nga kami ng mga kaibigan ko, pabalik na ng classroom. We took our lunch outside of university.

Nagsabi ako sa tatlo na sisilipin ko sa first floor baka andon si Janette. Sinamahan nila ako.

"Jane!" Tawag ko sa pangalan nya dahil nakasalubong namin sila, kasama nya ngayon yung kaibigan nyang palagi niyang kasama. I don't ask names kaya hindi ko siya kilala.

Ang alam ko lang siya lagi kasama ni Janette.

Gulat ang expression ni Janette. Hindi kagaya kagabi na masaya yung expression sa mukha nya. Parang may mali e. I can feel it. I have this strong trust in my gut feeling. And ang kutob ko ay hindi ko nagugustuhan.

"Are you okay?" pag uuna ko.

"Yes, okay naman ako. You?" Is it just me o parang ibang tao kausap ko. There's distance in her voice. Kagabi lang okay kami ah. She even admitted na may crush siya sakin. So I wasn't expecting this treatment.

But I don't want to overthink. Baka masama lang gising.

"You haven't replied with my chat. Kaya andito ako cause I got worried. Akala ko nga hindi ka pumasok."

"I'm fine. Na busy lang kaya hindi ako nakapag online." Ngumiti siya, pero parang may tinatago yung ngiti nya.

And I won't lie. The way she's treating me now. Kumikirot ang puso ko. I just want to ask her straight up whats going on? Bakit bigla hindi nalang mag chchat pagkatapos sabihin na crush nya ako. Parang iniiwasan nya ako e. I just want her to talk. Mahirap ba e communicate iyon?

Kasi umaasa ako e.

Tapos biglang ganito. Hindi ko alam.

"May long quiz pa kami mamaya. Wala ka na bang tanong?" I can't believe this. Gusto ko pa sana magsalita. But something is stopping me.

I shook my head. "Wala na. Goodluck sa long quiz. Ace it hmm?" At ngumiti ng pilit.

"Oum. Dito na kami." Yun at nilampasan nya na ako. I didn't turn to look at her baka kasi bigla ko siyang pigilan. Hindi ko alam ano nangyayari. Gusto ko magtanong, pero wala akong karapatan. Yun din ata nagpipigil saakin.

Hindi ako nagsalita. Sumunod lang sakin mga kaibigan ko at hindi nagtanong. Wala ako sa mood buong klase.

My friends asked out of concern kung okay lang ba ako. Obviously alam nila ang tanong doon. Pilit na ngiti lamang naisagot ko, nagpaalam akong mauuna na sa kanila umuwi sa dahilang hindi maganda pakiramdam ko. Naintindihan naman nila.

Habang nasa byahe, bumabalik sa isip ko yung gabing nagsabi si Janette sakin and sa nangyari ngayon lang. Hindi ko maintindihan ano bigla nangyari. At kahit gusto ko siya tanongin. Pero sa ginawa nyang pag-iwas sakin. Hindi ko alam ano dapat gawin.

Why am I left like this?

Sa pagmamaneho bigla kung na e-preno ang sasakyan ko dahil sa babaeng iniligtas ang pusa na masagasaan ko dapat.

Shit! Anak ng tupa!

Buti nalang talaga nakaapak ako sa brakes. Damn woman why so stupid?

It's a mere cat!

Lumabas ako na galit. Badtrip na nga araw ko meron pa to!

"Hey!" Yung magsasalita na sana ako pero ako pa yung nasigawan nya. "Gagu ka muntik mo na ako masagasaan!"

Wait.Her again?

And ano sabi nya? Ako? Muntik na silang masagasaan e siya itong tumawid para sa pusa!

"Bulag ka ba? Marunong ka ba talaga mag drive hah!?!" Bakit siya pa tong galit?

"Alam mo may sasakyan niligtas mo pa yang pusa, kung hindi ako naka preno agad pati ikaw masagasaan ko na. Ako dapat nagagalit dito e!" Nagsalita na ako.

"Huy nasa gilid kami. Tingnan mo nga!" Doon ko pa napansin na masyadong kilbit pala ang dinadaan ko.

Napansin ko sugat nya sa tuhod ng tingnan ko sila ng maayos ng pusang pinapakalma nya ngayon pati sarili nya.

"I-I apologize."

"Tsk." Yun lang and akmang aalis na sana siya pero pinigilan ko. Nahihirapan siya maglakad and kasalanan ko bakit siya nasugatan alangan naman pabayaan ko lang.

"Wait." Pigil ko. "May sugat ka."

"So?" Pagsusungit nito. Parang kaninang umaga lang nauutal to sakin e. Now she's giving me the attitude. Ikaw ba naman muntik na ma disgrasya. Can't blame her. Yung mata nya kitang galit ito ngayon sakin.

"Let me apologize. Hatid ko na kayo." I suggested.

"Wag na. Kaya ko maglakad." Pero kita mo namang nahihirapan ito. Paikang-ikang nga ang lagay.

"Sige na." Pinilit ko parin ito.

"Subukan mo akong hawakan." Banta ni Zheyrine kaya hindi ko nagawa, I was about to cause words can't get to her. Pinipilit ko ayaw.

Hinayaan ko siya maglakad. Pumasok ako sa kotse ko and sinabayan ang lakad nya. Nasa gilid nya lang ako. Naglalakad siya bitbit ang pusang puti while I'm driving still encouraging her for a ride.

"Tigas ng ulo mo." Commento nya na halatang subrang inis na saakin.

"Well that makes two of us." And susundan talaga kita hanga't hindi ka pa nasakay.

Patungo siya sa apartment building namin, alam ko dahil sa daang tinatahak nito.

"Sakay na kasi." Pagpupumilit ko talaga.

And finally. Looks like she's giving in. Malayo pa lalakarin nya e.

"Tsk." Pumasok siya sa kotse ko dahilan para mapangiti ako. Stubborn but cute.

"Ano?" Sungit rin.

"Drive na!"

Okay boss? I said in my mind sarcastically. Baka kasi pag nagsalita pa ako. Lalabas to bigla sa kotse kahit mabilis ang takbo.

Buti pa yung kandong nyang pusa. Behave pa.

Nakarating agad kami sa apartment building na that we're occupying. Akala ko didiretso siya sa apartment nya but ibang tahak tinungo nito.

Ako naman sinundan siya.

Nakarating ako sa convenience store. Kung saan siya nagpa-parttime.

"Oh bakit ka nakasunod?" Tanong nya ng makapasok ako sa pinto.

I shrugged my shoulders. "I followed you, you're injured."

"Pake mo ba?" Malaki pake ko kasi ako dahilan nyan. And ganto ba talaga ugali nya?

"Magtatrabaho ka na?" Tanong ko pero hindi nya sinagot. "Kunan mo ako ng first aid kit. Magkano ba? Gagamutin ko lang muna sugat mo sa tuhod."

"Wag na."

I was going to complain ng pinasa nya bigla sakin ang dala nyang pusa.

"Don ka." Turo nya sa gilid. "Maghintay ka dyan and bantayan mo siya." She said with authority.

She didn't give me a chance to complain when I was about to dahil nakita ko nalang nandon na siya pumasok sa employees staff room. Kung saan magbibihis ata ng damit pangtrabaho.

Umupo ako sa gilid yung tinuro nya kanina. Does she expect me to wait here until her shift ends? Ano siya?

Tumayo ako, aalis nalang ako dito bahala siya. Napunta ang tingin ko sa pusa na nakatingin pala rin saakin, lumipat naman ang tingin nito sa amo nyang lumabas ng staff room.

Nakabihis na ito and nagsimula ng magtrabaho. Na consensya naman ako ng matingnan ko sugat nya. Shesh. Bumalik ako sa inuupuan ko kanina.

Ewan.

Aaliwin ko nalang sarili ko sa pusa hangang sa matapos siya.

My story. My Life. BeginsWhere stories live. Discover now