She's were ur waking up
She's got you making up such
Pretty boy excusesOhhh but I know one thing...
She can't stop it happening
In my mindGot me heavy breathing
Every time we're speakingGot me real real deep in
Want you so bad
Baby hurt my feelingsGot me messed up dreaming
That ur girlfriends leavingSabay ko sa bagong kanta ni Tate McRae, I'm scrolling in tiktok and now I'm somehow obsessed with this song of hers.
Katatapos lang ng report nong first group, hindi pa handa yung kasunod na group kaya sila ay currently pinapagalitan. Sinesermunan ni sir tank build. Laki kasi nya. Sa laki nya hindi mo na makita leeg nya.
Panigurado wala ng klase ito. Bago pa ma highblood si sir paaalisin na nya kami.
And yun nga ang nangyari.
"Saan tayo kakain?" tanong ni Elloree. Sometimes kasi sa labas ng university kami kumakain. May canteen naman sa loob pero mostly kumakain kami sa classroom.
Si Jenifer naman as usual hindi maseparate sa cellphone nya. Kahit hirap yung internet chat ng chat sa mga ka chat niya.
Tumingin si Ruan sakin. "Ikaw Clye saan."
"Bakit decision ko?"
"Boss ka namin eh." Line lagi ni Elloree. Boss amp.
"Baka kakain yan doon sa room ni Janette." Nakikinig pala itong si Jenifer.
"Yiee" humirit naman yung dalawa. Ang jeje.
Isang beses lang naman ako kumain doon sa first floor kung saan mostly makikita mo mga first years. And note. Kasama rin sila.
"Ewan sa inyo issue nyo."
I don't really talk much about it sa kanila. Si Jenifer lang may alam na gusto ko si Janette. Tinutukso ako nitong dalawa kasi first time ko makipag close sa iba except sa kanila and nafefeel din ata nila na kakaiba ako pagdating sa kay Janette.
"Dito nalang tayo sa room kumain." Sabi ko.
"Sige pero bili muna tayo ng ulam."
"And drinks." Dugtong ko sa sinabi ni Elloree.
Lumabas kami muna para bumili. Pagkabalik namin nagkasalubong kami ni Janette.
I smiled instantly.
Naramdaman ko namang pinauna ako ng mga kaibigan ko. Nasa likod ko sila habang kaharap ko si Jane and yung kaibigan nya. Galing ata sila sa comfort room.
"Kumain ka na?" tanong ko.
"Oumm" tango nya.
"Good."
"Ikaw?" pinakita ko sa kanya bitbit ko.
"Kakain pa lang. Bumili ako ng maiinom. Gusto mo?" Alok ko sa kanya ng royal ko.
"Cyle I told you, ayoko uminom ng softdrinks."
"Baka may exception, galing to sa labi ko." I blurted jokingly.
Natawa siya sabay lingo. Iinom na sana ulit ako ng sa biglang ginawa nya akoy gulat at dahilan ng paglakas ng pintig ng puso ko. Jusko lagi nya nalang akong ginagulat sa mga araw nato.
Lumapit siya saakin, naamoy ko ang favorite perfume niya sa distansya namin. Hinawakan nya ang kamay ko na may hawak ng inumin at sumipsip sa straw na sinisipan ko kanina.