Chapter 5: Rodel's Condition.

1.8K 42 1
                                    


Chapter 5: Rodel's Condition.
Written by BlackRavenInk16

SA OSPITAL ang kinabagsakan ng ama ni Rio na si Rodel. Tumaob ang sinasakyan nito kanina at mabuti na lang, bago pa sumabog iyon ay nahanap na agad nila ito ng amo nito na Gabriel ang pangalan kanina.

Iyak nang iyak ang mama niya nang malaman nila mula sa doktor na lantang gulay ang ama nila at nasa vegatarian state ito. Wala raw malinaw na panahon kung kailan ito magigising.

Nangako naman si Gabriel na sasagutin ang lahat ng gastusin sa ospital at humingi pa ito ng tawad sa kanila dahil pakiramdam nito, kasalanan nito ang nangyari.

Sa kabila ng lungkot, hindi ito magawang sisihin ng mama niya dahil alam ng ina niya kung gaanong kabait ang ama niya. Kahit sarili nitong buhay, isasakripisyo nito para sa ibang tao.

Nagulat siya nang bigla na lang may inabot na kwintas sa kanya si Gabriel.

"Para po saan ito?" nagtatakang tanong niya.

"I know that it's your birthday today. Nasabi sa akin kanina ng papa mo bago siya naaksidente. I'm sorry this had to happen on the day of your birthday. This is the least that I can do. Please accept my gift," sabi pa nito.

Naroon sila ngayon sa waiting area sa labas ng kwarto ng papa niya habang ang mama niya naman, kausap ng doktor sa loob ng kwarto.

Napatingin siya sa kwintas. Mukhang mamahalin iyon. Purong ginto at may diamond pa sa loob. Dahil ba walang dalang kahit ano ngayon si Gabriel kaya kahit ano na lang na mayroon ito ngayon, ibibigay nito kahit malaking halaga?

"Sorry po, hindi ko po matatanggap iyan. Mukha po kasing mahal--"

"No, I insist..."

Wala na siyang nagawa nang ito na mismo ang nagsuot ng kwintas sa leeg niya. Bigla siyang nakaramdam ng kaba nang mapalapit ito sa kanya ng kaunti. Ang bango nito...

"Happy birthday, Rio. Alam ko na kahit nasa ganyang kalagayan ang papa mo ngayon, gusto niya magcelebrate ka pa rin. Palagi kang nasa isip niya kahit nasa trabaho siya. This day should still be celebrated..." sabi ni Gabriel.

Hanggang maya-maya, may mga nagsilapitan sa kanilang mga taong may dala ng cake, pancit, shanghai at spaghetti. May lechon din at may dalang maliit na table.

"I know this day is really shocking for you but you still need to eat to gain your strength. Have some, Rio," sabi pa nito.

"Salamat po!" Halos napapaiyak na sabi niya.

Dahil sa nangyari ngayon, ni nawala na nga sa isip niya na icelebrate pa ang birthday niya pero narito si Gabriel para ipakita na walang masama kahit gawin pa niya iyon.

Napakabait nito. Hindi na siya magtataka kung bakit sinakripisyo ng papa niya ang buhay nito para rito.

---

NIREPORT ni Gabriel sa pulis ang mga nangyari at nahuli naman agad ang mga gumawa no'n sa tatay niya pagkatapos ng dalawang araw.

Ayon sa mga lalaki, hinabol daw ng mga ito ang sasakyan na minamaneho ng ama niya pero si Gabriel daw talaga ang interes ng mga ito. Gustong pagnakawan at paghigantihan ng mga ito si Gabriel dahil sa kapatid nitong mafia na totoong kinamumuhian ng mga ito.

Sa madaling salita. Nadamay lang talaga ang ama niya at si Gabriel sa gulo. Pinagbabaril ng mga ito ang gulong na minamaneho ng papa niya kaya tumaob iyon nang lumihis ito ng kalsada.

"You should rest even a little bit, Rio. You look so exhausted, mukhang hindi ka na nakakatulog ng maayos, ah?" Isang araw ay sabi sa kanya ni Gabriel noong nasa ospital sila.

Nakaupo sila sa gilid ng kama ng ama habang nakatingin dito. Magkatabi at malapit sa isa't-isa.

Katulad niya, palagi rin itong nasa ospital. Laki nga ng paghanga niya sa boss nitong papa niya dahil personal talaga ito na araw-araw pumupunta roon sa ospital para samahan siyang magbantay sa ama. Ang mama kasi niya, may trabaho bilang katulong sa mansyon ng mga ito kaya tuwing gabi lang ito nakakapunta roon. Siya, paggaling sa school, diretso agad sa ospital.

"Hindi po ako pwedeng mapagod para sa papa ko. Kailangan niya po ako. Kayo po ang magpahinga. Nakakahiya, palagi po kayong nandito," sabi niya kay Gabriel.

Umiling ito. "It's my fault that he's here in the first place. Ito na nga lang ang magagawa ko para sa ama mo. Your mother even refuse my help to pay his hospital bills in full. Gusto niya 50/50 kami. I know how expensive your bills here kaya palihim ko na lang binabayaran ang iba para hindi masyadong mabigat sa mama mo but I think it's still not enough. Your father won't be in that state if it's not because of me," sabi pa nito.

Napangiti siya dahil sa pagiging sobrang mabait ng boss ng papa niya.

"Ang bait n'yo po talaga. Ang ibang mayayaman, matapobre at kapag may kinasangkutang gulo, nagbabayad na lang pagkatapos tapos na. Pero kayo po, talagang guilty po kayo sa nangyari at personal pa po kayong nagbabantay. Pero huwag n'yo na pong isipin iyon dahil ang papa ko, kahit kailan, hindi mapapakali hanggang may nakikita siyang mali. Tama para sa kanya na tulungan kayo at desisyon niya iyon kaya huwag na po kayong makunsensya. Proud po ako sa papa ko dahil para po sa akin, isa siyang hero," sabi pa niya.

"Yeah, you're right about that. But do you know that it's not the only reason why I'm here?"

Bigla siyang kinabahan nang mapansin niya na parang napako ang tingin sa kanya ni Gabriel. Ang lalim ng titig nito na para siyang lulununin ng buhay. Hindi siya sanay sa gano'n.

Palapit nang palapit ang mukha nito sa kanya at naaamoy na niya ang mabangong hininga nito at bawat lapit nito, tumitibok ng malakas ang puso niya. Sobrang gwapo naman kasi nito.

"Ah, Sir Gabriel, pwede po bang alis muna ako saglit? Bibili lang po ako ng mineral water, medyo nauuhaw po kasi ako!" Bigla siyang tumayo nang may naramdaman siyang kakaiba.

Ayaw niyang maging asumera pero pakiramdam niya, may gusto itong ipahiwatig sa kanya.

"Ako na lang ang bibili. Just stay here, Rio."

"Hindi na po, ako na! Gusto ko rin po kasing makalanghap ng simoy ng hangin. Pasensya na po, saglit lang naman po ako. Please po, pakitingnan lang po si papa saglit," sabi niya na natetense pa rin sa paraan ng pagtitig nito.

"That's fine. I will do everything for you, Rio..." sabi pa nito na ngumiti sa kanya.

Lalo lang lumakas ang tibok ng puso niya. Gwapo ang boss ng papa niya. Matangkad ito, maputi, mukhang mabango tingnan at malaki ang katawan. Unang tingin pa lang, mukha na itong may lahing foreigner dahil kulay green ang mga mata nito, matangos ang ilong, manipis ang mapula-pulang labi at may mahabang pilik na mata. Kung siya ang tatanungin, para itong isang Hollywood actor. Kahit sino siguro magkacrush dito. Feeling nga niya, kahit siya na teenager pa lang, parang nadadala rin dito. Malaki ang age gap nila pero kaya siya nitong pakabahin ng gano'n. He's so dangerous!

Ewan ba niya, imposible naman itong magkagusto sa kanya kaya hindi siya dapat ilusyunada.

"Sige po, Sir Gabriel, una na po muna ako. Thank you po!" sabi niya saka agad nang umalis sa kwarto ng ospital.

Bumuntong-hininga pa siya nang makalabas ng kwarto. Kailangan niyang bantayan ang puso niya. Hindi siya pwedeng mainlove sa mayaman at gwapong katulad nito dahil sigurado, masasaktan lang siya.

Made for 3 (SPG) Obsession Series # 7 COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon