Chapter 15: Living With de Luca Brothers

2K 49 18
                                    

Chapter 15: Living With de Luca Brothers
Written by BlackRavenInk16

NAGHIHIKAB pa si Rio habang palabas ng kwarto niya. Agad siyang nagpunta sa banyo at nagmumog at hilamos.

Pumunta siya sa sala para tingnan kung gising na ang mga amo niya na sa tingin niyang malabong mangyari dahil 6am pa lang ng umaga.

Siya nga, ni hindi man lang nakaramdam ng pamamahay. Kahit pa noong una ay panay ang isip niya kay Leandro, sobrang sarap pa rin ng tulog niya sa kwarto niya kagabi kasi malamig. Kahit kasi kwarto ng katulong, 'di hamak pa rin na mas malaki kaysa sa kwarto niya sa inuupahang bahay. Bukod doon, ang lamig-lamig pa at malambot ang kama. Pakiramdam niya nasa hotel siya kahit muchacha lang siya ro'n.

Hindi na sila umuupa sa bahay nila dahil pinalayas na rin naman sila dahil wala na silang pambayad. Nanghihinayang nga siya dahil pinagawan pa naman nila iyon ng second floor kahit na kahoy lang at doon na rin siya lumaki pero kailangan nilang isacrifice para makatipid at may pangtustos sila sa papa niya.

Ang mga appliances nila sa bahay, kinuha na lang din ng landlady pambayad daw sa utang nila. Damit na lang niya ang nadala niya at ang mama niya, doon na muna sa ospital tumitira. May private room naman kasi ang papa niya roon at si Gabriel ang gumagastos para roon.

Nag-iinat pa siya ng katawan ng pumunta sa sala pero nanlaki ang mga mata niya nang mapansin na naroon na pala ang tatlo niyang amo!

"Sir, kanina pa po kayo riyan?" kinakabahang tanong niya.

Ang sabi ni Donya Agatha, 8am ng gumigising ang tatlo at 10am ng umaga kapag sabado at linggo. Pero ngayon, 6am pa lang gising na ang mga ito.

"What do you think?" nakasimangot na tanong ni Leandro.

"Sorry po, sige po, magluluto na ako!"

Agad na siyang tumakbo papunta ng kusina at inasikaso ang kakainin ng tatlo.

---

Maya-maya...

Hindi makapaniwala si Rio na walang kalaman-laman ang ref doon kung hindi itlog, ham at hotdog. Naturingang mayayaman pero walang laman ang ref.

Siguro dahil nasisira lang ang mga karne kapag bumibili ang mga naglilinis doon dahil kapag weekdays, palagi raw wala ang tatlo roon. Kaya siguro trabaho niya ang mamalengke kapag sabado o linggo.

"Pasensya na po, ito lang ang laman ng ref ninyo, e. Hindi bale, pagkatapos kong maligo, pupunta po agad ako sa malapit na grocery para mamalengke--"

"I'll go with you," halos sabay-sabay na sabi ng tatlo na parang nabubulol pa.

Nag-iwas ang tatlo ng tingin sa isa't-isa nang marealize na mukhang nag-uunahan ang mga ito.

"Hindi n'yo na po kailangang sumama mga senyorito dahil may shopping cart naman. Hindi ako mabibigatan do'n," sabi niya.

"Can you just stop arguing with us? Kung gusto naming sumama sa 'yo, wala ng dapat pag-usapan pa ro'n," antipatikong sabi ni Leandro.

Bahagyang kumunot ang mukha niya dahil sa pinipigilang inis. Palagi nitong sinasabi na gusto siya nitong pakasalan pero palagi naman siyang inaaway. Ang toxic masyado.

Pigilan mo sarili mo, Rio. Boss mo 'yan, sabi ng isip niya.

"We want to go with you, Rio, please can't you just let us?" nakangiting sabi ni Enrique.

Nawala ang simangot sa mukha niya nang makita ang nakangiting mukha ni Enrique. Hayy, ang sarap magising sa umaga na nakikita niya ang mukha ng idol niya. Hanggang ngayon, para pa rin siyang nananaginip. Parang dati lang, pumipila pa siya sa booksigning nito para lang sa pirma nito pero ngayon, naipaghahanda pa niya ito ng pagkain. Hayy, heaven...

Made for 3 (SPG) Obsession Series # 7 COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon