Chapter 9: The Future Mother In Law

1.6K 46 7
                                    

Chapter 9: The Future Mother In Law
Written by BlackRavenInk16

"ANO KA ba naman, Aling Susan! Alam mo namang ingat na ingat ang asawa kong si Lucio para hindi niya maoffend ang anak niyang si Leandro dahil malaki ang kasalanan niya rito, gusto niyang bumawi tapos nakisabay ka pa! Alam mo bang mainitin ang ulo ng lalaking iyon? He's a mafia boss! Do you even know what it means? He can kill anyone without blinking an eye at walang magagawa ang hustisya ng Pilipinas para mapigilan siya! Even his own father is scared of him, bakit ikaw, ang lakas ng loob mo?!"

Panay ang sermon ni Agatha kay Aling Susan at siya naman, walang magawa para ipagtanggol ang sarili.

"I'm sorry, ma'am, aminado ako, wala talaga ako sa sarili ko nitong mga nakaraang araw dahil nag-aalala ako para sa asawa ko. At ang anak ko, hindi na siya nakakapag-aral ng maigi dahil palagi siyang puyat dahil sa pag-aalalaga sa tatay niya sa ospital. Sana po ay mapatawad ninyo ako. Kailangang-kailangan po namin ng pera..." Halos maiiyak na siya dahil sa sobrang pagkaawa sa sarili.

Ang sabi ng doktor, milagro na lang daw ang makakapagpagaling sa asawa niya. Maaari raw umabot ng taon ang gamutan sa ospital at kapag nagpatuloy pa iyon, magkakabaon-baon sila lalo sa utang.

Nagbigay ang doctor ng option na tanggalin na lang ang life support ng asawa dahil mababa na lang daw ang chance na magsurvive ito at para hindi na sila gumastos pero ayaw nilang mag-ina. Kahit ang anak niya ngayon na si Rio, mukhang problemado na rin. Ni hindi na ito humihingi sa kanya ng kahit ano para sa pag-aaral nito. Alam niya, palihim na nagpapart time job ang anak niya para matustusan ang sarili nito at pagkatapos, nagbabantay pa sa ospital.

"Naiintindihan ko ang sitwasyon mo pero kapag ginusto ni Leandro, iyon ang masusunod. Alam mo naman na gagawin ni Lucio ang lahat para makuha lang ang loob ng anak niya."

"Pero ma'am, kailangan ko po ng trabaho, maawa na po kayo!" Halos lumuhod na siya sa harapan ng amo. Ito na lang ang source of income nila. Kahit pa pumayag siya na si Gabriel na lang ang sumagot sa lahat ng gastusin sa ospital, kailangan pa rin niya ng trabaho para sa mga gastusin nila sa bahay at pag-aaral ni Rio.

"Alam mong malaki ang utang ng loob ng pamilya namin sa mga ninuno ninyo, Aling Susan. Kaya nga sa bawat henerasyon ay palaging kinukuha namin ang serbisyo ninyo. Iyon din ang dahilan kaya kahit may edad ka na, kinuha ka pa rin naming katulong dito. But there's nothing that I can do about this now. Ang panganay na ni Lucio ang nagsalita. Leandro doesn't want you here so I have no choice but to fire you," sabi pa nito.

"Maawa na po kayo, Ma'am, gagawin ko ang lahat, huwag lang kaming mawalan ng pagkakakitaan. Kailangan po ng anak ko ang trabaho kong ito!" umiiyak na sabi niya. Hindi na niya pinigilan pa ang luha.

"Tama! Ang anak mo, Aling Susan!" Biglang parang nakaisip ng idea si Agatha.

"Anak ko po?"

"Ayaw ko rin naman na tanggalan kayo ng kabuhayan dahil konektado na ang mga angkan natin sa mga nagdaang henerasyon kaya bibigyan kita ng pagkakataon. Ang anak mo na lang ang pagtrabahuhin mo rito."

Nanlaki ang mga mata niya.

"Ang anak ko po? Pero nag-aaral pa po siya! Hindi po niya kaya ang mabibigat na trabaho ko rito," sabi niya.

Ayaw niyang pagdaanan ng anak niya ang pinagdadaanan niya sa mga matatapobreng pamilya na 'to.

"Aling Susan, hindi ko naman siya bibigyan ng mabigat na trabaho. 16 pa lang siya, hindi ba? At alam ko rin na nag-aaral siya kaya bakit ko naman siya pahihirapan? Let's just say that it's temporary. Narinig mo naman ang sinabi ni Leandro kanina, kapag nakita niya na iyong babaeng hinahanap niya, aalis din siya rito. Kapag alis niya, pwede ka nang bumalik. Ayaw mo no'n, maaalagaan mo ang asawa mo at kikita ka pa rin ng salapi kahit nag-aaral ang anak mo."

Made for 3 (SPG) Obsession Series # 7 COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon