Chapter 6: Forced Kiss

2.5K 59 16
                                    

Chapter 6: Forced Kiss
Written by BlackRavenInk16

"STOP the car and buy me something to drink," utos ni Leandro sa driver niya.

Kanina pa silang buong maghapon na paikot-ikot sa Manila at naghahanap ng wala. Nagtataka na rin siguro ang mga ito dahil ang utos niya, bagalan lang ang takbo sa sasakyan para makikita niya sa bintana ng kotse ang mukha ng iba't-ibang babae na madadaanan nila.

Dalawa lang sila ng driver sa kotse pero may mga kotseng lihim na nakasunod sa kanila. Mga bodyguards niya at kasama sa mafia niya ang iilan. Kahit walang alam ang mga ito sa tumatakbo sa isip niya, sinusunod pa rin siya ng mga ito. Pero marahil, pagtatawanan siya ng mga ito kapag nalaman na kaya sila dalawang linggo nang paikot-ikot sa Manila ay dahil may hinahanap siyang isang babae.

Yeah, nasa Pilipinas lang siya, hindi dahil sa pamilya niya na naroon kung hindi dahil sa babaeng nasa panaginip niya na hinahanap niya na mukhang pilipino. Malakas ang kutob niya na talagang nag-eexist sa totoong buhay ang babaeng iyon at hindi siya titigil hanggang hindi niya ito nakikita.

Kabaliwan nga siguro pero wala siyang pakialam. Naniniwala siya na ang babaeng iyon ang soulmate niya. Pero sa loob ng dalawang linggong paghahanap, parang unti-unti na rin siyang nawawalan ng pag-asa. Para siyang naghahanap ng karayom sa mga buhangin. Ni hindi niya alam kung sino at ano ba talaga ang hinahanap niya.

Bumaba sa sasakyan ang driver niya at pumasok sa 7/eleven. Nakatulala lang siya habang nakatingin dito mula sa loob ng bintana pero nanlaki bigla ang mga mata niya nang mula sa pintuan ng 7/eleven ay may isang babae mula sa loob ang lumabas doon.

May hawak itong mineral water at nakaschool uniform pa. Napatingin siya sa magandang mukha nito na mukhang inosente. Ang kilos nito ay mahinhin at babaeng-babae. Ni wala itong kamalay-malay na nakasunod siya ng tingin dito.

Hindi siya maaaring magkamali. Ito na ang babaeng hinahanap niya. Ang babae sa panaginip niya! Ang soulmate niya!

Awtomatiko siyang lumabas ng sasakyan at nasasabik na hinabol ang babae. Nakarating sila sa isang eskinita kung saan walang masyadong napapadaan na tao kaya naman nagulat ito nang bigla na lang niya itong hinawakan sa wrist nito at hinarap ito paharap sa kanya.

Hinila niya ito at sinandal ang likuran nito sa pader na naroon saka ito ikinulong sa mga bisig niya.

Niyakap niya ito ng ubod ng higpit. Finally, he found her!

"Sino po kayo?" Bakas ang takot sa magandang mukha nito nang tinulak siya nito palayo ng yakap pero wala siyang pakialam. Nasa harapan na niya ngayon ang babaeng pinapangarap niya! Ang babaeng dati ay sa panaginip lang niya nakikita ay nasa harapan na niya!

Hinaplos niya ang makinis na mukha nito at hindi maalis ang tingin niya rito. He can feel his heart beating so fast. Only this girl can make him feel like this. He's certain that he fell on love with her at first sight! Finally, nakaramdam din siya ng ganoon sa puso niya!

"I can't believe you're real... You're infront of me now, my love..." sabi niya habang hinahaplos ang pisngi nito.

"Ano pong pinagsasasabi ninyo? Sino po kayo?!" natatakot na tanong nito.

"You look younger than the girl in my dreams but you look exactly the same. Even your voice is the same. I can't believe this. You really exist..." masayang sabi niya habang parang nahihibang na patuloy pa ring hinahaplos ang mukha nito.

Lalo lang nangunot ang noo ng magandang mukha nito. Para itong nakatingin sa baliw pero wala siyang pakialam. Hinding-hindi na niya pakakawalan ang babaeng ito. Pakakasalan niya ito!

"You're mine. Only mine... I will never let you go now that you're infront of me. You need to marry me..." sabi pa niya rito.

Para naman itong kinilabutan sa sinabi niya pero wala pa rin siyang pakialam. What he wants, he gets and this girl is no exception. He will get her no matter what happens. No one can take her away from him.

Made for 3 (SPG) Obsession Series # 7 COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon