Chapter 26: New Friend.
Written By BlackRavenInk16"Kumusta ka riyan?"
"Kumain ka na ba?"
"Ano'ng oras uwian mo?"
"Wala ka bang kasamang lalaki?"
Sunod-sunod ang tunog ng cellphone ni Rio. Kanina pa siyang nagsabi sa gc na nasa school lang siya at may nagkaklase pero hindi pa rin tumitigil sa kakachat sina Leandro, Gabriel at Enrique.
"Kumakain ka na ba?"
"Ano ang binili mong pagkain?"
"May pambili ka ba ng pagkain?"
"Huwag kang sasabay sa lalaki."
"Send pictures, Rio!"
Kahit nasa canteen na sila ni Marie, panay pa rin ang send ng message ng de Luca brothers sa kanya. Panay ang hingi ng pictures, bawat kibot, gusto may picture.
Sa totoo lang medyo nakakairita na. Para sa isang katulad niya na ngayon lang naexperience makipagrelasyon at sanay na single lang, normal ba talaga ang ganito?
Napatingin siya kay Marie na kain ng kain lang. Panay din ang pindot nito sa cellphone. Magkasama sila sa iisang lamesa pero parang nasa cellphone lang ang mundo nito.
"Marie, kayo pa rin ba ni Ralph?" tanong niya sa kaibigan.
"Oo naman, bakit?" Nag-angat ng tingin sa kanya ang kaibigan.
"Siya ba ang kamessage mo ngayon?"
"Actually, ako nga lang ang nagme-message sa kanya, e. Sa totoo lang nga girl, nakakainis, parang mas gusto niya pa palaging magpractice sa pagbabasketball kaysa ang makipag-usap sa akin. Alam mo ba na ni hindi nga iyon magtetext kung hindi ko pa kukulitin. Parang tama ka nga sa tanong mo, hindi ko alam kung kami pa nga," sabi nito.
"Baka naman busy lang," sabi niya.
"Kahit pa busy, kung talagang mahal niya ako, gagawa siya ng effort na i-message ako 'no! Nakakainis nga, feeling ko, ako pa ang palaging naghahabol sa kanya! Kaya ikaw, Rio, kapag nagboyfriend ka, huwag ka nang maghanap ng lalaking sikat. Dahil palagi silang busy at dahil habulin ng mga babae, pakiramdam nila, utang na loob mo pa na nakipagrelasyon sila sa 'yo!" sabi pa nito.
Paano ba niya sasabihin sa kaibigan na may karelasyon na talaga siya? O dapat pa ba niyang sabihin? Baka husgahan siya nito dahil pumatol siya sa tatlong lalaki.
"Hindi naman siguro lahat ng sikat gano'n. May iba sa kanila na sa 'yo lang ang focus kaysa sa mga career nila," sabi niya.
Totoo naman. Sikat din ang tatlong boyfriend niya pero ang atensyon ng mga ito, na sa kanya lang. Si Enrique, hindi tumatanggap ng projects, si Gabriel nag work from home. Si Leandro naman, ewan ba niya kung ano ang trabaho nito pero ang narinig niya, mafia raw. Hindi na siya nagtatanong masyado sa trabaho nito dahil baka nagkamali lang siya ng dinig. Ano 'yun, parang Wattpad? Iyong mga lalaking badboy na palaging may hawak na baril? Basta ang alam niya, nakabakasyon din ito ngayon para raw makasama lang siya.
Ang tatlo ang buhay na patunay na hindi lahat ng lalaki, ipagpapalit ka sa career nila dahil kabaligtaran ang ginagawa ng tatlo ngayon para sa kanya.
"Hindi gano'n si Ralph, mas priority niya ang career niya kaysa sa akin."
"So hindi ba siya parang possessive sa 'yo? Or hindi ba siya nagrerequest sa 'yo na magsend ka ng pictures sa bawat ginagawa mo?"
"Friend, mag message nga sa akin, hindi niya magawa, iyong manghingi pa kaya ng mga pictures sa mga activities ko? Saka alam mo, mga lalaking insecure lang ang gumagawa ng mga gano'n. Usually iyong mga pangit na akala nila palagi silang aagawan ng girlfriends. O kaya naman, mga walang tiwala sa mga girlfriend nila kaya nagpapakaobsess!" sabi pa nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/357204803-288-k495312.jpg)
BINABASA MO ANG
Made for 3 (SPG) Obsession Series # 7 COMPLETED.
Romance3 brothers, fell in love with one innocent girl. Makakaya bang tanggapin ng pride nila na umibig sa isang katulong? At kalahati pa ng edad nila!