Louisse
Louisse : Bayad po manong.
Manong : Sukli mo miss.
Naglakad na ako papasok sa gate namin. Bakit madilim sa bahay namin?
Baka wala pa sila mama at Jaja. Pagbukas ko ng pinto ay may nakita akong mga lampara na nakasindi.
Louisse : Ma?
Lovel : O, anak, nandito ka na pala.
Louisse : Bakit naka lampara po tayo?
Lovel : Naputulan tayo ng Meralco, anak.
Napasapo na lang ako sa noo ko.
Jaja : Ate, ang init init! Wala tayong electric fan!
Louisse : Babayaran ko agad bukas.
Lovel : Salamat, anak.
Ubo ng ubo si mama. Hinagod ko naman ang likod nya.
Louisse : Ja, maghain ka na.
Jaja : Opo, ate.
Kumain na kaming tatlo.
Wala na si papa, kaya kaming tatlo na lang. May sakit pa si mama. Simula ng mamatay si papa ay parang nawalan na ng gana si mama....mabuhay. Nagkasakit na ito sa baga. Pneumonia. Humina na ang baga nya.
Jaja : Ate, wala na tayong bigas. Last na ito.
Louisse : Bumale ka muna kila aling Loring bukas.
Jaja : Ate, tatalakan na naman ako non! Mahaba na raw listahan ng utang natin sa kanya!
Nagkatinginan kami ni mama.
Lovel : Ako na makikiusap. Kaibigan ko naman yon. Matalak lang yan pero pagkatapos sa sermon nya ay pauutangin ka pa rin.
Napangiti naman ako.
Jaja : Nakakahiya kaya, ma! Ang dami pa namang nakakarinig!
Lovel : Hayaan mo na lang. Ang importante may masasaing tayo bukas.
Louisse : Pambayad lang kasi sa meralco at pambili ng gamot mo ma ang pera ko. Tapos pambili rin ng ulam natin bukas.
Lovel : Ako na bahala, Louisse.
Jaja : Mabuti na lang at di tayo naputulan ng tubig!
Lovel : Yan ang hindi mangyayari. Napaka importante ng tubig! Pang ligo, pang linis, pan dilig ng halaman,, pang saing din at marami pang iba! Ang ilaw sa gabi lang naman yan at tsaka matutulog na rin naman tayo!
Louisse : Hayaan nyo, may pababantayang bata sa akin si Mrs. Morente. Baka makabale ako. Suki ko naman yon.
Jaja : Bili ka ng hotdog, ate.
Louisse : Kung makakabale ako!
Jaja : Makakabale ka! Think positive!
Nagtawanan kaming tatlo. Kahit napakahirap ng kalagayan namin ay nakakatawa pa rin kami.
Naghugas na ako ng pinagkainan namin. Pagkatapos ay umakyat na ako.
Naglinis ako ng katawan at nagbihis na.
Nakatanaw lang ako sa labas. Nakaupo ako ngayon sa may bintana namin.
Maayos ang buhay namin nong buhay pa si papa. Maganda ang trabaho nya. Kaya nga nakapag pundar sila mama ng ganitong bahay.
Two storey ang bahay namin. May tatlong kwarto sa taas at isang master bedroom sa baba at isang kwarto para sa katulong. Oo, may katulong kami noon. Pero nong maaksidente si papa at tinakbuhan sya ng nakasagasa sa kanya ay nabaon kami sa utang. Naubos ang ipon nila mama at papa. Nabenta ang lupang minana ni papa sa kanyang mga magulang para pambayad sa utang namin. Umabot ng dalawang linggo si papa sa hospital. Pero, wala rin. Namatay din sya.
Sa bahay lang si mama. Plain housewife.
Napabuntunghininga ako. Hanggang kelan kami magiging ganito.
Natigil na rin ako sa pag aaral. Hanggang second year college lang ako.
Dalawang taon na rin na nawala si papa. Dalawang taon na kaming naghihirap.
Apply ako ng apply ng trabaho wala namang tumatanggap. College graduate ang kailangan nila at dapat may experience pa!
Hirap kaming matugunan ang pang araw araw naming pangangailangan.
Di ko pinatigil sa pag aaral si Jaja. Lumipat na nga sya sa public school. Dati sa La Salle kami non.
Hay, buhay!
Nagdasal muna ako bago humiga.
YOU ARE READING
The Gift
FanfictionThey were opposite. Super yaman. Super hirap. But, their paths will cross. A very short story.