Nagluluto si Louisse para sa lunch nila. Pakanta kanta pa sya habang nagluluto.
Nang may kumatok. Pinatay muna ni Louisse ang gas range at patakbong nagpunta sa pinto.
Louisse : Sandali!
Pagbukas nya ay tumabad si Jaja na napakalapad ng ngiti.
Jaja : Hello, ate!
Louisse : Hi, Ja! O, napadalaw ka!
Pumasok na si Jaja at kumuha ng juice sa ref at uminom.
Jaja : Pinapasundo ni mama si Benjamin! Miss na miss na daw nya, ate!
Benjamin : TATA!
Jaja : Hello, napaka gwapo kung pamangkin! Tsaka, tita hindi tata!
Nagkayakapan naman ang mag tita. Benjamin De Leon is just two years old.
Benjamin : Miss you na, tata!
Jaja : Miss na miss na rin kita, pamangkin! Pero, mas miss ka ng lala Lovel mo!
Benjamin : Where is she, tata?
Jaja : Nasa Batangas po! Sundo lang kita!
Benjamin : Mommy, can I go to Batangas? Miss na lala!
Louisse : Okey, baby.
Jaja : Lika na, pamangkin!
Louisse : Magdala ka naman ng mga damit nya!
Jaja : Madami syang damit sa bahay, ate! Bye!
Benjamin : Bye, mommy!
Louisse : Bye, baby!
May sasabihin pa sana si Louisse kay Jaja pero nakalabas na ito.
Pinagpatuloy na lang nya ang pagluluto.
Nang matapos na syang magluto ay pumasok na sya sa banyo para maligo. Init na init sya at malagkit ang pakiramdam nya.
Pagkatapos maligo ay pinatuyo na nya ang kanyang buhok gamit ang blower. Nag ayos ayos na rin sya sa kwarto nila ni Bean.
Bean : Hi, mahal!
Louisse : Hello!
Nagyakapan na sila at humalik si Louisse sa pisngi ni Bean. Hinalikan naman ni Bean ang noo ni Louisse.
Bean : Hmn! Bango, bango naman ng misis ko!
Louisse : Magbihis ka na at kakain na tayo.
Bean : Ligo lang ako, baby.
Lumabas na si Louisse at pumasok naman sa banyo si Bean.
After ten minutes ay tapos na si Bean maligo.
Umupo na sya agad sa dining table.
Bean : Hmn! Bango naman ng mga luto mo!
Nagdasal na sila.
Pinagsilbihan ni Louisse si Bean.
Ganado namang kumain si Bean.
Pasulyap sulyap si Louisse kay Bean.
Louisse : Mag tshirt ka nga muna don. Di ka ba nilalamig?
Bean : Nope!
Kain lang ng kain si Bean.
Bean : Teka! Where is Benjamin nga pala?
Louisse : Sinundo ni Jaja. Miss na miss na daw ni mama. Bukas ibabalik na yon.
YOU ARE READING
The Gift
FanfictionThey were opposite. Super yaman. Super hirap. But, their paths will cross. A very short story.