Part 10

585 5 0
                                    


Louisse


Gumagawa ako ng mga assignments ko.  Lumapit naman si Jaja sa akin.

Jaja :  Ano yan, ate?

Louisse :  Assignments.

Jaja :  Ha?  Nag aaral ka na ulit?

Nginitian ko si Jaja.

Louisse :  Yes.

Ngumiti ng malawak ang kapatid ko at yinakap ako.

Jaja :  Talaga? 

Louisse :  Oo nga!

Jaja :  S-saan ka kumuha ng pera?

Louisse :  S-scholar ako.  Gastos ng company.  Working student!

Jaja :  I am so happy for you, ate!  English yon, ha?

Nagtawanan na kami.


Simula nong binibigyan nya kami ng pera buwan buwan ay naging maganda na ang takbo ng buhay namin.   Unti unti ng gumaganda ang katawan ni mama.  Kailangan nya kasi ng masustansyang pagkain, gamot at pahinga.  Naibibigay ko yon sa kanya dahil sa perang yon.  

Nagpapasalamat ako sa kanya ng labis labis.  Kahit kapalit non ay ang pagkababae ko.  Nagtataka man ako na palagi sya ang nakakakuha sa akin ay hindi ko na pinansin.  Baka nagkataon lang talaga.

Ni hindi ko alam ang pangalan nya.  Nahihiya naman akong tanungin.  Pero alam na nya ang name ko.

Pagkatapos kong gawin mga assigments ko ay nagluto na ako ng hapunan namin.  Sabado ngayon kaya wala kaming pasok ni Jaja.

Pork nilaga ang niluto ko. 

Sarap na sarap kaming kumain.

Lovel :  Ang bait naman ng employer mo, Louisse.  Malaki na nga ang sweldo mo, pinag aral ka pa.

Halos mabulunan ako sa sinabi ni mama.  Nakatingin silang dalawa sa akin.

Jaja :  Napakabait talaga, ma! 

Louisse :  Philantropist po kasi sila.  Tumutulong sa mga nangangailangan.

Lovel :  Hulog sila ng langit sa atin.  Salamat sa Diyos.

Sila mama at Jaja na ang nag kwentuhan.  Nakikinig lang ako. 

Oo.  Nakokonsensya na ako kay mama.  Pero, wala akong magawa.  Ito lang ang alam kong gawin na solusyon sa mga problema namin.


Napatingin ako sa phone ko.  Nag aaral ako ngayon para sa exam ko bukas.

Patingin tingin ako dito. 

Two weeks ng hindi sya nagte text o tumawag sa akin.  Baka nagsawa na sya sa akin.

Baka, nagsawa na sya sa katawan ko.   Kinabahan ako.  Paano na lang kami pag ayaw na nya sa akin?  Babalik na naman kami sa dati.  Napakahirap non.

Tinitipid ko ang pera para makapag ipon na rin.  Mahahalagang bagay lang pinagkakagastahan ko, tulad ng gamot ni mama, pagkain, utilities, tuition namin ni Jaja at baon.  Nakakaipon ako ng ten thousand per month.   Bale, forty thousand nagagastos ko buwan buwan.  

May nakita akong investment oppurtunities.  Nag attend ako ng seminar nila.  How to invest daw sa stock market.  After ng seminar ay nag sign up na ako at nilagay don ang na save kong pera.  Kampante akong umuwi sa bahay namin.

The GiftWhere stories live. Discover now